Pagkaraan ng dalawang oras ay dumating na si Abe. May dala itong spaghetti at garlic bread na pang-meryenda na niluto ni Manang Cel. Kumakain na sila nang dumating si Don David at ang mga magulang ni Red.
Pagkatapos magbigay galang ni Red at Kate ay pinaghanda na ito ni Kate ng meryenda.
“Kumusta si kumpadre hijo?” tanong ni Don David kay Red.
“Positive naman po ang prognosis ng doctor Lolo.”
“Pero mukhang nagrabe siya hijo? Sa tingin niyo ba itutuloy pa natin ang kasal?”
Sasagot na sana si Red nang nagsalita si Kate.
“Mawalang galang na po Lolo David, pero siguro huwag na po natin ituloy ang kasal. Hindi ko po yata kayang ituloy pa ang kasal na nandito sa hospital si Gramps.”
Nagulat si Red sa sinaad ng dalaga. Gusto pa rin ni Red matuloy ang kasal, ngunit may point si Kate. Hindi nga naman maganda ang magsaya habang ang lolo niya ay nasa hospital.
“Naintindihan ko ang nararamdaman mo hija, pero sigurado ka bang papayag ang lolo mo na hindi matuloy ang kasal?” sagot ni Don David.
Tiningnan ni Kate si Don Jose. Pinanood ang pagtaas-baba ng respirator. Alam niyang masama ang lagay ng Gramps niya. Kahit ano pang sugar-coating ang gawin ng doctor, alam niya na nalalapit na ang hindi inaasahan.
“Lolo David, mahal ko ang lolo ko. Gagawin ko ang lahat upang mapasaya siya, kahit na isakripisyo ko pa ang sarili kong kaligayahan, ngunit hindi ko kayang iwan siya ng ganito upang makasal lang. Kasal na kami ni Red. Sigurado ko pong alam niyo na yun. Ang mangyayari sa Sabado will only just be a formality, a showcase to the world. I will not go through with it with Gramps here in the hospital.”
“Of course hija. I understand you.” Hinawakan ni Don David ang kamay ng manugang at pinisil ito in reassurance. “We are with you on this. You are already a Garcia. Pamilya na tayo hija.”
“Lo…” parang gustong mag-object ni Red. Gusto niya pa ring matuloy ang kasal nila sa simbahan. Hindi siya papayag na hindi. Selfish pero kailangan niya ang lakas ng tanikala na binibigay ng simbahan sa isang mag-asawa.
“Ano yun hijo?”
“Siguro po hintayin nating magising si Gramps at siya ang hingan natin ng desisyon.” Biglang nabaling ang tingin ni Kate sa asawa, nakakunot ang noo, magkasalubong ang kilay. “Excuse me po.” Paalam ni Kate. Hinila ni Kate si Red palabras ng kwarto.
“Ano ka ba Red? Inabot ka na naman ba ng kabaliwan mo?” sabi ni Kate nang marating na nila ang dulo ng hallway sa labas ng kwarto out of the earshot of everybody.
“No, what I am saying is let Gramps decide? That is all.”
“Haven’t you seen my grandfather? He is in the ICU for godsakes. How could you give him that burden?”
“Look Kate, this decision to get us married was his idea. We were willing to wait but he wanted to rush this. I believe he needs to be informed that the wedding that he had always dreamed of for his granddaughter will not take place.”
“Nababaliw ka na nga talaga!” sinigawan na ito ni Kate. “We are already married.” Diin pa ni Kate.
“Yes, we are so married Babe, but….”
“But what?” hindi makasagot si Red sa tanong ni Kate.
Actually, hindi rin sigurado si Red sa isasagot. Bakit nga ba gusto niya pa rin matuloy ang kasal sa simbahan gayong kasal naman na sila? Alam niyang napaka-selfish ng hinihingi niya. Itutuloy ang kasal habang ang kaisa-isang kamag-anak ni Kate ay nakaratay.
Hindi maproseso ni Red sa isip niya ang gustong sabihin. Pero alam niyang lahat nang ito ay nagmumula sa kanyang pag-nanais na ma-angkin ang asawa ng buong-buo.
“Whaaat?!” sumigaw ulit si Kate. Nauubos na ang pasensya sa katahimikan ng asawa.
“I need that church wedding Kate.” Mahinahong sagot ni Red. “Hindi ko sigurado kung bakit… but I need it.”
Biglang naalala ni Kate ang nabasa sa dyaryo kaninang umaga.
“Of course, you need me.” Kate said in a sarcastic tone.
Kate thought that her feelings could not sink any more deeper than what she felt when she saw her Gramps on his sick bed. Ang sinabi ni Red ay lalo pang nagpalalim, nagpadilim, sa kung ano mang nararamdaman niya. Masakit… napakasakit…
Tumalikod na si Kate pabalik sa kwarto. Naramdaman ni Red ang pag-withdraw nito. Biglang naramdaman ni Red na kahit na katabi nito ang dalaga lumayo ito ng milya-milya.
Hinawakan ito ni Red sa kamay at pinilit na huminto sa marahang paglalakad. Iniharap ito ni Red sa kanya at nilagay ang isang kamay sa batok. Hinalikan ni Red si Kate sa labi, ngunit hindi ito kumibo. Wala na ang mainit na reaksyon na laging sumasalabong kay Red sa sandaling maglapat na ang kanilang mga labi, ang kanilang mga balat. Natakot si Red.
“Kate…”
“Red, please… let’s stop all these pretending already.” Mahinahong bulong ni Kate, pinipigilan ang pagdaloy ng luha. “Pagod na ako.” Yinakap ni Kate si Red na parang ang lakas lang nito ang inaasahan upang makatayo siya ng maayos. At sa posisyon nilang ‘yun, pinadaloy na ni Kate ang kanyang mga luha. Luha ng pagkatalo. Luha ng pait at sakit. Tears that seems to broadcast the finality that Kate feels.
BINABASA MO ANG
The Reluctant Bride (Completed)
Fiction généraleKate had her life cut-out for her. After her parent's death, she was raised by her controlling grandfather. She tried her best to be obedient which lead to early successes in her life. But the latest of his grandfather's wishes really makes her wa...