CHAPTER 64: The Truth, Finally.
"Totoo ba?" tanong ni Red habang nakatalikod sa babaeng nakaupo sa kama. Ayaw niyang Makita ang reaksyon ni Kate pagsinabi niya ang hindi niya gustong marinig.
"Na ano?" nakatingin si Kate kay Red.
"That you are pregnant?" Direktang tanong ni Red.
"Yes." Sagot naman ni Kate. Wala nang silbi ang magsinungaling pa.
"Who's the father?" Malumanay na tanong ni Red. Pumikit siya. Kinakabahan sa maaring isagot ng asawa. Alam niyang halos isang linggo na nagsama si Hans at Kate. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung nabuntis nga ni Hans si Kate. Kasalanan niya. Kung hindi siya nagpadala sa emosyon ay sana nabantayan niya si Kate. She would not leave him and Hans would not have that opportunity to be with Kate.
"Nakakainsulto naman ang tanong mo." Kate said sarcastically. "Pasensiya na dahil kahit sa isipan mo ay promiscuous ako, sa totoo lang, I'm a one man woman. Always have been... and sadly... always will be." Biglang pumihit si Red paharap kay Kate. Nakadilat ito sa gulat.
"Ako ba ang ama?" tanong ni Red. Naniniguro.
"I haven't had sex with anyone else but you. Malamang ikaw nga ang ama. Masaya ka na ba? Congratulations Arch. Garcia. Ang galling mo talaga mam-bullseye. Asintadong asintado. Buntis na naman ako." All her statements sounded sarcastic but it did not dampen the euphoria that Red was feeling at this moment. Agad nitong tinungo ang asawa at niyakap ito.
"You just don't know how much you made me happy today Babe." Binulong ito ni Red sa tenga ni Kate na nagpa-goose bumps kay Kate. "I'll take care of you and the life inside of you that we made together. Hindi ka na mawawala sa akin. Hindi ko na hahayaan pang..." lumayo si Kate sa pagkakayakap ni Red kaya't natigilan ito.
"Sandali lang... nabuntis lang ako Red. May annulment pa tayo. Nakapagfile na rin ako ng divorce. Anong..."
Nabuntis lang ako. Tumagos ang sinabi ni Kate sa dibdib ni Red. Para siyang sinikmuraan. Nabuntis lang ako, like it doesn't matter, like it is just some matter of fact situation na walang implication sa kanilang dalawa. Na para bang hindi isang bagong buhay ang lumalaki sa tiyan niya na silang dalawa ang may gawa. Na parang wala lang, nabuntis lang siya and life should go on.
Gusto niyang magalit, ngunit alam niyang lalo lang ito magpapalala ng sitwasyon. Gusto niyang muling saktan si Kate emotionally, ngunit alam niyang wala din itong magandang idudulot. Nagsimulang sumuko ang loob ni Red. Bakit pa siya magsisinungaling? Nandito na siya dahil ang katotohanan ay hindi niya kayang mawalay pa sa babaeng pinakamamahal niya. Nagbuntung hininga siya and decided to put it all on the line.
"Kate baby, I already withdrew the annulment. I can't go through with it. Hindi ko kaya maisip na magiging malaya ka para mapunta sa iba. Hindi ko kaya. Makakapatay ako Kate. Makakapatay ako." Umayos ito ng pagkakaupo sa dulo ng kama at nilagay ang ulo sa kanyang mga kamay. "Imagine my anger Kate when I received the divorce documents. This is why I came. I had to stop you from going through with it. Napabilis lang dahil tinawagan ako ni Pia na dinala ka sa ospital. I had to be with you." TInitigan ni Kate ang asawa.
"Red, please, huwag padalos-dalos. Nakapag-pasiya na tayo. Babalik pa ba tayo sa dati? Destroying each other? Hating each other? Alam kong sa bawat sandaling magkasama tayo hindi pa rin mawala sa isip mo na minsan na kitang iniwan. Alam ko ring malalim ang galit mo sa akin kaya ako lumayo ngayon. I am giving you peace Red. Katahimikan upang mapalaki mo ang anak natin ng maayos." Explain ni Kate.
"What peace are you talking about? Peace ba ito na sa bawat sandaling wala ka sa akin inuubos ako ng aking pag-aalala? Peace ba ang hindi makatulog at makakain dahil iniisip kita? Mahirap aminin sa sarili na sa kalakasan ko sa halos lahat ng aspeto ng buhay ko, pagdating sa'yo hinang-hina ako. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko Kate?" He looked at her with a desperation she could not understand. Bakit ganoon? Di ba may Des na siya? Anong pinagsasabi ng lalaking ito?
"Red... please..." she tried to make him understand that being separated is the best for them pero tinaas ni Red ang kamay niya upang pahintuin siya sa kung ano mang sasabihin niya.
"Bakit ganoon Kate? Lagi na lang bang kailangan kong ipagsiksikan ang sarili ko sa'yo? Una kay Nigel, tapos ngayon naman may Hans. Kahit anong gawin ko... kahit ano..." Red's voice started to break. "Hindi mo ba talaga ako pwedeng mahalin?" nakatitig sa kanya si Red. "Dahil..." nagsimula nang may tumulo mula sa mga pikit na mata ni Red... "Dahil ako, mahal na mahal kita Kate." Itinungo na ni Red ang ulo nito at itinago sa mga kamay niya. "Kahit paulit-ulit mo akong sinasaktan, hindi ko maturuan ang puso kong magmahal ng iba." Ibinaling na nito ang ulo kay Kate na gulat na gulat sa kanyang mga naririnig. "Gusto ko nang manahimik Kate. At ang..." napahinga ng malalim si Red. "At ang annulment lang ang nakita kong paraan para makalaya na ako at ikaw rin. Pero ang bigat bigat sa kalooban kong gawin yun dahil hanggang ngayon, na akala ko okay na ako, ayoko pa ring mawala ka sa akin."
"Red..." nagsimulang magsalita si Kate, ngunit pinigil ito ni Red by putting his thumb gently over her lips, with the rest of his hands caressing her jaw.
"Huwag... ayokong marinig. Kaya nga hindi kita tinatanong kung mahal mo rin ako dahil... dahil di ko kakayanin marinig na hindi mo ako mahal. Ikakamatay ko na Kate. Ikakamatay ko na. Ayoko nang balikan ang madilim na dalawang taon na pinagdaanan ko. Kahit magkunwari ka na lang, alang-alang na lang kay Ken at sa dinadala mo. Kahit huwag na para sa akin." His silent tears continued streaming down his cheeks. "Please Baby..." Red took Kate's face in his hands and gently kissed her lips. Ihiniwalay ni Kate ang labi niya pagkatapos ng halik na yun. Tiningnan si Red sa mata at pinahid ni Kate ang luha nito. She kissed him back, just a gentle peck on his lips.
She looked into his eyes in silence, searching for the truth. Totoo kaya ito? Na hindi siya hinahabol ni Red dahil lamang sa Buenavista? He had opened up. Told him he loved her. Kaya niya na rin bang tumaya at sabihin ang totoo niyang nararamdaman? Kung kinayang sabihin ni Red, kailangan kayanin na rin niyang ilatag ang nararamdaman niya.
"I love you too..." binulong lang ni Kate ngunit rinig na rinig ni Red. Napadilat si Red sa sinabi ni Kate. "No... actually..." hinalikan ulit ni Kate sa Red sa lips. "I love you more Babe." Hinalikang muli ni Kate si Red ng mariin.
+++++
CHOCOSHINE'S NOOK:
Sorry. Di ko na kinaya. Pinost ko na. Dapat sa Sunday pa ito pero naaawa na ako sa dalawang lovebirds natin kaya eto na.
Hindi pa ito tapos. Several chapters pa. Baka abutin pa ng Chapter 70. lolz!
Abangan na lang po ninyo.
Salamat po sa inyong lahat na sumusubaybay. This is my first story posting here on wattie kaya super memorable sa akin ang pag-gawa nito. Although in truth, this is not my first attempt, this is my first story that stood the test of time in terms of my own interest to finish it.
Mahirap pala magsimula ng isang kwento sa wattpad. It also takes commitment and dedication dahil may mga nag-aabang ng updates mo. Napamahal na din sa kanila ang mga characters pati ang kwento. It is indeed a privilege na binabasa ng mga readers ang kwento mo dahil hindi porke't nasa wattpad ang kwento mo ay may magbabasa na nito.
Para naman sa dedik, ang chappieng ito ay para kay asnailove. Salamat sa pag-follow. Read on. :-)
Thank you sa inyong lahat.
Love. Love. Love.
*chocoshine*
BINABASA MO ANG
The Reluctant Bride (Completed)
General FictionKate had her life cut-out for her. After her parent's death, she was raised by her controlling grandfather. She tried her best to be obedient which lead to early successes in her life. But the latest of his grandfather's wishes really makes her wa...