CHAPTER 56: Bakasyon Grande
Kinabukasan ay pumunta agad sina Hans at Kate sa Baguio. Three days and two nights sila doon. On their first day, pinuntahan nila ang mga traditional tourist spots na malapit lang sa city center. Punong-puno ang itinerary nila ni Kate kaya't hindi man lang niya sinilip ang cellphone niya.
Biglang tumunog ang cellphone ni Abe habang namamasyal ang dalawa sa Minesview park. Si Abe ay naiwan kasama ng sasakyan sa parking lot.
"Abe, nasaan si Kate?" tanong agad ni Red. "Kanina pa ako tumatawag sa kanya hindi niya sinasagot ang telepono." Halata ang iritasyon sa boses ni Red.
"Ah Sir Red, nasa Baguio po kami. Sa Minesview Park." Malumanay na sagot ni Abe.
"Ano?! Namamasyal si Kate?" Pagtataka ni Red.
"Ah opo. Dumating kasi sina Ma'am Tricia at Sir Hans galing sa States at...."
"Punyeta!" nabigla si Abe sa pagmura ni Red. "Nandito si Hans?!"
"Ah yes sir, nama..." Hindi na natapos ni Abe ang sasabihin.
"Putang ina! Ni hindi pa nga 24 hours nang iniwan niya kami ni Ken heto't lumandi na naman agad. Kaya pala halos nagmamadali siyang umalis dito sa Ayala Heights dahil parating ang kabit niya. Putang ina!" Halata ang galit sa boses ni Red.
"Sir Red, huminahon ho kayo..." sinubukan ni Abe na pakalmahin si Red.
"Wala pa talagang ginawang tama ang amo mo Abe. Ni hindi ko nga ubos maisip kung bakit apektadong-apektado pa rin ako sa kanya. Shit! Habang naglalandi siya itong anak niya iyak ng iyak hinahanap siya. Fuck her!" galit pa rin si Red at pinutol na ang linya. Lalong nangamba si Abe.
Pagbalik nina Kate at Hans sa sasakyan ay marami na itong napamili. Mga pasalubong sa mga nasa States. Mga t-shirt para kay Ken at kung anu-ano pang mga abubot. Hindi masabi ni Abe kay Kate ang kakatapos pa lang napag-uusap nila ni Red. Kate looked so happy. Abe felt bad to ruin it.
Nang nasa sasakyan na ang dalawa ay napag-isipan ni Kate na tingnan ang cellphone. 82 missed calls. Lahat galing kay Red. May 7 texts din na galling sa lalaki.
*Where are you? Answer the phone.
*Answer the phone.
*Fuck it Kate! Where are you?
*Nandito ako sa La Vista. Umalis ka daw may kasamang bisita sabi ni Manang. Saan ka pumunta?
*Answer the phone. Punyeta!
*Ken is looking for you. Ayaw kumain. Where are you?
*Kasama mo ba si Abe?
Shit! Si Ken. Nagdial agad si Kate ng cellphone.
"Red how's Ken?" bungad ni Kate. Isang ring pa lang ay sinagot na agad ni Red ang cellphone niya.
"Ngayon tumatawag ka na?" sagot ni Red na may kataasan ang tono ng boses.
"I had 82 missed calls coming from you. What happened to Ken?" Patuloy na tanong ni Kate. This time her worry was evident in her voice.
"He wanted to see you." I wanted to see you too. Red wanted to add, but he didn't say it. "Hindi kumakain dahil wala daw ang Mommy niya."
"I'm in Baguio." Kate said matter-of-factly.
"I know." Sagot ni Red na may tono na ng pagka-irita. Kate looked at Abe through the rear-view mirror. Abe gave her a worried look.
"So how is Ken? Bababa kami ng Maynila ngayon din." Saad ni Kate.
"Hindi na kailangan. Mabuti nang magsimula na siyang masanay na wala ka. Hindi makakabuti kung makita ka pa niya." May galit sa tono ni Red. Nagkunot noo si Kate. Obviously Ken needed her with an urgency to elicit 82 missed calls from Red, pero ngayon parang hindi na urgent sat ono ng pananalita ni Red.
BINABASA MO ANG
The Reluctant Bride (Completed)
General FictionKate had her life cut-out for her. After her parent's death, she was raised by her controlling grandfather. She tried her best to be obedient which lead to early successes in her life. But the latest of his grandfather's wishes really makes her wa...