Chapter 5: Ang Pagsunod sa Utos
What is taking Pia so long?
Dalawang oras nang naghihintay si Kate sa Starbucks sa Quezon Ave.
Nasaan ka na ba Pia-toot?
Nagtext si Kate kay Pia.
Coming na.
Sagot naman ni Pia.
Humigop si Kate ng pangalawang na niyang kape ng hapong iyon nang may nagtapik sa balikat niya.
“Miss Kate.”
Lumingon si kate. Si Abe. Shit! Shit! Shit!
“What are you doing here?” Galit na tanong ni Kate. “Hindi niyo ba talaga ako titigilan?”
“Miss Kate, pinapakuha ka na po kasi ng Lolo mo.”
“Para ano? Para ipakasal sa gung-gong na ‘yun! How can I live my life?”
“Sumusunod lang po kami sa utos Ms. Kate.”
“Kahit pa illegal ang utos?”
“Sumama na lang po kayo ng mahinahon para hindi ka na po mahirapan.” Pakiusap ni Abe. “Hindi po maganda kung magiiskandalo pa kami rito.”
“Kahit kaladkarin ninyo ako, hindi ako sasama sa inyo!” sigaw ni Kate, buti na lang hindi masyado matao. May dalawang tables pero mga estudyante na nagbabasa ng libro at naka headset ang mga tenga.
“Ms. Kate, sige na po para matapos na.” Pakiusap pa rin ng lalaki.
“Abe, kilala mo ako. Kung maayos naman ang ipinaguutos sumusunod din ako. Pero Abe, buhay ko ito.”
“Ms. Kate, mawawalan naman kami ng trabaho. Sumama ka na.”
“No!” Sigaw pa rin ni Kate.
Nagpasya si Abe. Sinenyasan ang dalawang lalaking kasama at sa hudyat ay pwersahang binuhat si Kate sa kanyang upuan. Nagpumiglas si Kate kaya’t natumba ang upuan at nabuwal ang mesa. Tingin agad ang dalawang estudyante at ang tatlong barista sa coffee bar.
“This is a police matter. Huwag makialam.” Sigaw agad ni Abe.
Sinubukan ni Kate kumawala with arms and legs flailing at nagsisigaw ng tulong pero sadyang malalakas ang tauhan ng Grandpa niya at parang kinausap na ni Abe ang staff sa Starbucks. Wala man lang lumapit at tumulong sa kanya.
Dinala siya sa loob ng Ford Expedition na dala ni Abe. May Pajero pa na back-up. Pinaupo si Kate sa gitna ng dalawang bodyguards. Mga hindi na niya kilala.
Gustong umiyak ni Kate, pero hindi talaga siya iyakin. Alam na niya ang kasunod nito. Ipapakasal siya ng Lolo niya sa nerdy architect na yun.
Naalala niya si Pia. Nagtext siya.
Bes, nakidnap ako ng mga tauhan ng Lolo ko. Don't worry, I'll be fine.
Utang na loob Diyos Ko! Ito baa ng igaganti sa akin ng Lolo ko sa pagiging masunurin ko. Nag-aral ako ng mabuti. Ginawa ang lahat para maging excellent para magkaroon naman ako ng boses sa Lolo ko. Pero hanggang ngayon hindi pa rin nagbago ang lahat. Siya pa rin ang nasusunod.
***
As expected dinala siya ni Abe sa Buenavista Mansion sa La Vista at hinarap sa Lolo niya.
“Matigas talaga ang ulo mo ba taka!” Sigaw ni Don Jose. “Gusto mo ba talaga akong pahiyain?”
“Grandpa naman. I will never marry that man!”
“Hindi na pinaguusapan yan. Matagal nang pinagpasyahan ang bagay na yan naming dalawa ni David.”
“Grandpa please! Hear me out!”
“You hear me out!” Sumigaw na si Don Jose. Bigla niyang hinawakan ang kanyang dibdib at kumunot ang mukha.
“Grandpa? Are you alright?” Nilapitan ni Kate ang matanda.
“Wala ‘to.” Pero patuloy pa rin ang himas sa dibdib. Pumunta ito sa kanyang desk at may kinuha sa drawer. Gamot. Uminom ito at sinundan ng tubig na nasa mesa lang. Humupa ang galit ni Kate. Bigla siyang nangamba para sa Lolo niya.
“Are you sure?”
“Hija, listen to me.” Nagsimula ang matanda. “I would not force this on you if I had any other choice. My heart…” Natigil ang matanda, patuloy pa rin sa paghimas sa dibdib. “My heart is not what it used to be.” Parang hindi masabi ni Don Jose ang sasabihin. Tila ang pagsaad nito ay isang pagtatanggap sa mangyayari sa kanya sa hinaharap ngunit hindi pa rin ito handa. “I have rheumatic heart disease and my heart is no longer functioning as it should. It is getting weaker by the day and my Doctor said my stay might not be long.”
“Grandpa, why are you saying that?” Tumabi na si Kate sa matanda at hinawakan ang kanyang kamay.
“I have my reasons for pushing this marriage. I want you safe, taken cared of. Loved.”
“What do you mean?”
“If I marry you to David’s family, I will be assured that you will live the rest of your life well with people who will care for you like family. I know it’s too soon for you. I know you still have plans. But, this is the only way for me to go with the assurance that you will be fine.” Hindi makapagsalita si Kate. “Gusto ko sana magkaroon pa kayo ng oras na magkakilala ni Joaquin. Magkaroon pa sana kayo ng pagkakataon na matutunang mahalin ang isa’t-isa, ngunit kulang na ang panahon.”
“Gramps…” napuno ng emosyon ang dalaga.
“Sana’y maintindihan mo ang dahilan ko. Now that you are 21, you will get majority of all the shares in Buenavista Group and I also have to protect you. Alam mong maraming gustong makakuha ng majority shares at gagawin nila ang lahat upang makuha yon. This is the only way I can protect you even if I am gone.”
“Gramps please…” nagsimula nang mangilid ang luha ni Kate.
“Can you do this for me?” Isang pakiusap ng isang lolo sa apo, not of greed but of love. The decision was slowly forming itself in Kate’s mind.
Hindi pa rin sigurado si Kate. Simula pagkabata, naging sunod-sunuran na siya dito. Kahit madalas siyang kumukontra sa mga patakaran nito tulad ng pag-uwi sa tamang oras, ang pag-pili ng mga kaibigan, at pati pag-schedule ng araw niya. Ngunit, naisip niyang lahat naman ng inutos ng Grandpa niya ay ikinabuti niya. Hindi siya gra-graduate ng valedictorian kung hindi ito nag-insist ng apat na oras sa study hour every day. At hindi rin ito gra-graduate ng Summa Cum Laude sa Princeton kung hindi dahil sa mga hindi mawaglit-waglit na bantay niya. Kaya't nag-isip siya. At sa pagkakataon na ito, siya ay magtitiwalang muli kahit na ang buong instinct niya ay nagpupumiglas at sinasabing huwag pumayag dito. Nagdesisuon siya.
“Yes Grandpa. For you, I will.”
Parang nabunutan ng tinik sa dibdib ang matanda nang narinig ang sinaad ng dalaga. Nagpalabas ng sigh of relief at ngumiti sa apo.
"Salamat Katerina. Salamat apo. Pinaligaya mo ang lolo mong muli." with that nilapitan ng matanda ang apo at hinalikan ito sa noo.
BINABASA MO ANG
The Reluctant Bride (Completed)
General FictionKate had her life cut-out for her. After her parent's death, she was raised by her controlling grandfather. She tried her best to be obedient which lead to early successes in her life. But the latest of his grandfather's wishes really makes her wa...