CHAPTER 37: Ang Huling Habilin
His hands bear the proof of his entire life’s success. Bawat ugat, bawat kulubot nito, nagpapahiwatig ng hirap na dinaanan nito upang maitayo ang Buenavista Holdings galing sa wala.
Hawak-hawak ni Kate ang kamay ni Don Jose. Tinitigan niya ito habang iniisip ang sinabi ni Dr. Montes nung isang araw. Kahapon nang nag rounds ang doctor ay sinabi nito na mukhang bumubuti na ang kalagayan ni Don Jose. Nagrerespond ito sa mga medication na binibigay at lumalakas na sa bawat araw na tinatagal nito sa hospital. Pang-apat na araw na nila ito sa hospital. Sabi ng doctor, kung lumabas na stable na ang lab results nito ay pwede na silang lumabas after lunch.
Nakatitig pa rin si Kate nang biglang naramdaman niya ang pag-galaw nito.
“Kate, apo.” Nagising na si Gramps.
“Good morning Gramps.” Nakangiting bati ni Kate. “Sabi ni dok pwede ka na raw umuwi mamaya kung okay na ang lab results mo.”
“Salamat hija. Salamat din at narito ka.”
“Siyempre naman Gramps. Tayo na nga lang ang magkapamilya iiwan pa ba kita dito?” Natahimik si Don Jose sa sinaad ni Kate.
“Alam mo hija, talagang ipapatawag kita. Kailangan nating mag-usap.” Seryoso ang mga mata ng matanda.
“Gramps, kakagising mo lang. Pwede namang mamaya na lang tayo mag-usap sa bahay.” Worried si Kate that her Gramps might tire himself at kung anong progress nito ay lalo pang mawala dahil lang sa pagpupumilit nito.
“No, this can’t wait. I wanted to talk to you yesterday, but Red was with you. Siyanga pala, nasaan si Red?” Bahagyang tinanaw ng matanda ang reception area ng ICU Room sa kabila ng glass wall.
“Umuwi muna siya. May tatapusin lang daw sa opisina at babalik din mamaya before lunch.” Sagot ni Kate.
“Good.” Hinawakan ni Gramps ang kamay niya. “Alam mo apo, kamukhang kamukha ka ni Grandma Vicky mo.” Napangiti si Kate.
“Gramps naman. You always tell me that.”
“Well, it’s true.” Ngumiti din ang matanda. “Napanaginipan ko siya Kate. I saw your Grandma Vicky in my dream.” Kinabahan si Kate sa sinaad ng matanda. “Sinusundo na niya ako Kate.”
“Gramps, please…” kinabahan si Kate sa sinabi ng matanda.
“No, listen to me. It was a nice dream. She was in our white Cadillac. She arrived at our old house in New Manila. The one we built after I sold my first prime real estate in Escolta. Dumating siya sa bahay. Nagulat ako dahil hindi pa nangyari yun. Ang karaniwan ay siya ang naghihintay sa akin sa bahay at ako ang umaalis at dumarating na nakasakay sa Cadillac na yun. Ang ganda niya, buhay na buhay sa aking panaginip.
Pagdating niya ay hinalikan niya ako at sinabing kailangan na naming umalis. Tinanong ko siya kung bakit. May party daw kaming dadaluhan at kami ang mga panauhing pandangal. Para daw sa amin ang party at hinihintay na kami.
Naramdaman niya ang aking agam-agam kaya’t sinabi niyang wala akong dapat ipag-alala. Nakahanda na raw lahat. At nang sinabi kong paano ang bahay, walang magbabantay, sinagot niya ako na may magbabantay ng bahay. She even said that I did a great job preparing para sa bagong magbabantay ng bahay at hindi ako dapat mag-alala. Alam ko ang ibig sabihin ng panaginip na iyon Kate. Malapit na ang aking pagpanaw.”
Nangilabot si Kate sa sinaad ni Gramps. Pumikit ito upang mapigilan ang pagtulo ng kanyang luha.
“Gramps, please, sabi ng doctor ay tatagal pa ang buhay mo.” Nagsinungaling si Kate.
BINABASA MO ANG
The Reluctant Bride (Completed)
General FictionKate had her life cut-out for her. After her parent's death, she was raised by her controlling grandfather. She tried her best to be obedient which lead to early successes in her life. But the latest of his grandfather's wishes really makes her wa...