CHAPTER 18: First Date
The two had breakfast. Hinandaan sila ni Manang ng bacon, eggs, tocino, at sinangag.
Napangiti si Kate kasi suot pa rin nito ang suot kagabi. Naisip nito ang boxers ni Red. Side B lang. Hahaha…
Kung may komento man si Manang sa pagtulog ng nobyo sa kwarto ni Kate ay wala itong sinabi. Deadma lang si Manang at patuloy sa pagsilbi sa dalawa na para bang mag-asawa na ito.
Wala si Gramps sa breakfast. Pumunta daw ito sa Veterans para mag-golf.
Naisip ni Kate na baka iniwasan sila nito para hindi naman awkward.
After breakfast ay bumiyahe na sila papuntang Tagaytay gamit ang jaguar ni Red.
Unang stop nila ay sa simbahan ng Tagaytay.
Nagulat si Kate dahil noon lang nalamang may pagka-religious din pala itong fiancé niya.
She was pleased at the thought. Hindi siya religious pero spiritual siya. Mahilig din siya magsimba. Pero hindi siya nakakasimba lingo-linggo.
After the communion, napansin niyang taimtim na nagdasal ito. Hindi maibaling ni Kate ang tingin sa iba. Tinitigan nito ang nobyo habang nagdadasal.
Pagkatapos nilang magsimba ay tumuloy na sila sa Leslie’s upang maglunch ng Batangas Bulalalo. Nagpa-picture pa sila with the Taal Volcano in the background gamit ang cp ni Kate.
“Send mo sakin.” Sabi ni Red.
“Bakit pa?”
“Eh siyempre… gagawin kong wallpaper ko.” Na-touch si Kate sa sinabi ng lalaki.
Pagkatapos nila sa Leslie’s ay pumunta sila sa Residence Inn para tingnan ang mini-zoo. Nagpapicture din doon ang dalawa. Pati sa Bengal Tiger at Boa Constrictor. Hinawakan nilang pareho ang mga hayop. Natuwa si Red na walang takot si Kate sa mga hayop.
“Kasi nga nung bata ako may mga pet ako sa bahay. Halos mini zoo na nga yung garden sa La Vista eh. Kaya lang when I left for the States, pina-donate na lang sa akin ni Gramps sa Wild Life para daw ma-share ko din sa iba. Minsan pag-umuuwi ako binibisita ko pa rin sila. Kilala pa naman ako. Lalo na si Cheska, yung chimpanzee ko.”
Alam ni Red yung tungkol doon. Ito nga ang dahilan kung bakit nagdonate siya ng perpetual sponsorship sa zoo para maalagaan ang mga pet ni Kate. Hindi ito sinabi ni Red. Pinakwento lang niya si Kate tungkol sa mga pet niya. Nakangiti lang ito at tuwang-tuwa sa dalaga na excited sa bawat hayop na Makita niya.
Pagkatapos nilang mamasyal sa zoo ay nagdrive naman sila papuntang Sonya’s Garden kung saan nagmeryenda sila. Gustong-gusto ni Kate ang shabby chic style ng dining area ng lugar.
“Gagawa din tayo ng ganito sa Pinnacle ha.” Saad ni Kate kay Red.
“Actually may dinesign akong glass house doon sa grounds ng gardens ng convention center. Ikaw na ang mag-interior.” Sagot ni Red.
“Hmm… excited na ako.” Sabi ni Kate na kumakain na ng nakahandang salad.
After Sonya’s Garden ay dinala naman ni Red si Kate sa isang Organic Farm sa may Silang.
Nag-enjoy si Kate sa lakad nila ni Red. Kaya’t pagod na pagod na ito nang dinala ito ni Red sa Taal Vista Hotel para makapagdinner.
Nagulat si Kate kasi dinala siya nito sa isang al fresco area. Isang table lang. Punong puno ng candle lights. May tatlo pang violinist na tumotugtog.
“Red! Ano ‘to?” Parang ang cliché naman ng eksena. Naisip ni Kate.
“Dinner.”
“Dinner? Grabe naman ito.” Pinaupo ni Red si Kate by pulling her chair to make her sit down.
“Gusto ko lang kasing maging memorable ang first date natin.”
“First date? Oo nga noh.” Noon lang na-realize ni Kate na unang beses pa lang nilang nag-date.
Nagsimula na silang kumain nang naghanda na ng soup ang waiter.
“Pasensya na Babe ha. Reverse ang nangyari sa atin.”
“Reverse?”
“Nauna ang engagement kaysa courtship.” Tumawa si Red.
“Ah… si Gramps kasi masyadong nagmamadali.”
“Oo nga…” tinitigan ng lalaki ang dalaga. “Are you pleased?”
“With what?”
“With this… this dinner… our day together.”
“Oo naman. Super enjoy ako today. Nakakapagod lang.”
Hinain na ang salad, tapos ang main course at nang dinner na, tuwang-tuwa si Kate dahil Crème Brulee ang hinain.
“Wow! Crème Brulee! Favorite ko ‘to!” Parang bata na komento ni Kate.
“Alam ko.”
“Paano mo naman nalaman.”
“Well, I have my sources.” Ngumisi ito.
“Ikaw talaga Red ha. Extra effort ka talaga.”
“Siyempre! Para lang ako si Enrile. Gusto ko happy ka.” Natawa si Kate sa sinaad ng nobyo.
“Ikaw talaga, para kang sira!”
Sinimulan nang kinain ni Kate ang dessert. Sarap na sarap ito ngunit sa ikatlong subo biglang napatigil si Kate. May matigas itong naramdaman sa bibig niya.
“What’s this?” kinuha yun ng kamay niya sa bibig. Nanlaki ang mata ni Kate sa bagay na nakita sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
The Reluctant Bride (Completed)
General FictionKate had her life cut-out for her. After her parent's death, she was raised by her controlling grandfather. She tried her best to be obedient which lead to early successes in her life. But the latest of his grandfather's wishes really makes her wa...