CHAPTER 63: He's Here!
"Kate?"
Nagulat si Kate sa baritonong boses na narinig kaya't lumingon siya. Nagtama ang mga matang mag-iisang buwan na nang huling magkita. Bigla niyang ilinayo si Nigel. Hindi nakasalita si Kate. Lumingon na rin si Nigel.
"Red..." tumayo si Nigel. Pinunasan ng kamay niya ang luhang nasa mga mata niya. Iaabot na sana ni Nigel ang kamay niya for a handshake with Red ngunit tinapik ito ni Red.
"Umalis ka na dito kung hindi mapapatay kita." The threat was firm and meant. Huminga ng malalim si Nigel.
"Sige na Nigs, I'll call you when Pia comes back." Saad ni Kate. Tumango si Nigel at tuloy nang umalis a condo.
"Anong ginagawa ng lalaki mo dito?" galit na tanong ni Red.
"Ikaw? Ano rin ang ginagawa mo dito?" galit din na sagot ni Kate. Napatigil siya nang may ingay na pumasok sa condo.
"Mommy!" tumatakbong lumapit sa ina ang bata. Agad siyang niyakap ni Ken. Halos mabuwal siya sa lakas at higpit ng pagkakayakap sa kanya ng anak. Nakakagulat kung paano ang pagdating ng anak ay nakakapagpabago ng atmosphere between Kate and Red.
"Ken!!! Oh baby, I missed you! You're here! You're here!" Agad na bati ni Kate. Nakalimutan na ang inis. Nakangiti ito na tumingin kay Red kahit may tanong sa mga mata niya.
"I had to take him with me. Ayaw magpaiwan. Especially when I told him na magkikita tayo." Explain ni Red.
"Kayo lang?" tanong ni Kate, asking him kung silang dalawa lang ni Ken ang dumating. Tinungo ni Kate ang wine cabinet sa may bar. Napansin ni Red na nakasilid na halos ang kalahati ng mga alak na dati ay nasa cabinet pa. Biglang kinabahan si Red. May koneksyon kaya ito sa pagdala kay Kate sa hospital? May sakit kaya siya na dala na ng kanyang pag-iinom? "Kayo lang ba?" tanong ulit ni Kate karga pa rin si Ken.
"Ah sina Abe... kasama ko si Abe at si Tonet. Inaayos na nila ang isang kwarto para kay Ken. Doon na lang daw siya sa guest room sabi ni Abe." Nilapitan ni Red si Ken. "C'mon big boy, you have to let Mommy do her work. She will play with you later." Kinuha ni Red si Ken at kinarga. Umalis na ang dalawa patungo sa hallway kung nasaan ang mga kwarto.
Napabunting-hininga si Kate. Hindi niya alam kung matutuwa siya o malulungkot sa pagdating ni Red. Nakapag-file na siya ng divorce. Malamang kaya nandito si Red upang ayusin ito. Natanggap na niya siguro ang mga dokumento ukol dito. Tinungo nang muli ni Kate ang sinisilid na mga alak.
Nang maisilid na niya ang mga alak sa kahon ay dumating muli si Red. Tinawag na nito si Abe para madala ang kahon sa storage room. Hinawakan ni Red ang kamay ni Kate. It made her flinch but Red insisted on holding her hand and lead her to the sofa in the living area.
"Kumusta na ang Buenavista?" tanong agad ni Kate. Ayaw niyang si Red ang mag-control ng conversation. Hindi pa siya handa sa kung ano mang dahilan ng pagparito ni Red.
"It's going along fine. Just the same as you left it. We're still warding off the buyers, but your documents were ironclad. I don't think they would be able to do so." Napangiti si Red. "You look stunning." Pabulong na sabi ni Red habang nakatitig sa asawa. He tucked a stray strand of hair at the back of her ear. Hindi napigilan ni Kate ang naramdamang kilig which she immediately dismissed. "You don't look like you've been to the hospital at all." Nakangiting komento ni Red.
Napasimangot si Kate. She's wearing a simple white tanktop and denim shorts. She doesn't have make up on and her hair was up in a messy bun. Nambobola na naman si Red. Naisip ni Kate.
BINABASA MO ANG
The Reluctant Bride (Completed)
General FictionKate had her life cut-out for her. After her parent's death, she was raised by her controlling grandfather. She tried her best to be obedient which lead to early successes in her life. But the latest of his grandfather's wishes really makes her wa...