CHAPTER 32: Sa Ospital

3.4K 51 1
                                    

Inabutan ni Red si Kate sa hospital, sa labas ng kwarto ni Don Jose. Mugtong-mugto ang mga mata.  Niyakap agad ang asawa.  Parang hinang-hina si Kate at tanging sa lakas na lamang ng asawa dumedepende.  Humagulgol ng iyak si Kate.  Hinigpitan ni Red ang yakap kay Kate. 

“Nasaan si Gramps?” tanong ni Red pagkatapos hagkan ang asawa sa noo nito.

“Nasa ICU.” Kate managed to answer between her sobs.

“ICU?  Masama ang lagay?” nagworry si Red.

“I don’t know Red.  Hindi ko pa nakakausap ang doctor.”

Magkasamang tinungo ni Red at Kate ang kwarto kung nasaan si Don Jose.  Isa itong ICU suite.  May glass partition na nag-isolate sa pasyente sa kanyang mga bisita.  Bawal ang pumasok na bisita sa pinaka-kwarto ng ICU.  May maliit na sala naman sa visitor’s area at isang maliit na sofabed.  Inabutan nila doon si Abe na nakaupo sa sofa.

“Architect, Miss Kate.” Tumayo ito at binati ang dalawa.

“Kumusta ang lagay ni Gramps?” tanong ni Red.

“Hindi ko po sigurado, wala pa pong pumuntang doctor dito mula nang ma-admit siya.” Sagot ni Abe.  “Sir, papaalam muna po ako.  Kukunin ko lang po ang mga gamit ni Don Jose sa bahay.”

“Sige Abe, salamat.” Lumabas na si Abe, iniwan ang dalawa. 

Tiningnan ni Red ang nakaratay na matanda sa kabila ng glass partition.  Mukhang masama ang lagay ni Don Jose, maraming tubo ang nakakabit sa katawan nito at may oxygen na nakakabit sa kanyang ilong.  Muling lumakas ang agos ng luha sa mga mata ni Kate.

“Babe, you need to be strong.  Gramps needs you to be strong for him now.” Bulong ni Red kay Kate habang hinihimas nito ang likod ng asawa in comfort.

Hindi makapagsalita si Kate, tuloy-tuloy pa rin ang hagulgol.  May pumasok sa kwarto at lumapit na isang doctor, parang Residente dahil bata pa.  Nilapitan nito si Red.

“Sir, are you a relative of the patient?” tanong ng duktor.

“Yes.” Sagot ni Red, yakap pa rin si Kate.

“I am Dr. Vic Guevarra.  I am the resident assigned to Mr. Buenavista by our consultant Dr. Carlo Montes.”

“Yes.”

“The patient suffered a mild heart attack.  It could have been fatal if he was not brought immediately to the hospital.  We are lucky we were able to address the problem before it became massive.”

“Is he going to be okay?” tanong ni Red.

“If his vitals continue to be stable in the next three days we believe he will be fine.  We still need to observe.”

“Pero, bakit siya nandito sa ICU?” si Kate na ang nagtanong.

“Well, he has been suffering this heart ailment for quite a long time now Ma’am and I am afraid that it seems that this situation has affected some of his major organs.  We just need to monitor him and keep him from any further deterioration that is why he is here.  If his numbers keep up until tomorrow we can move him already to a regular room.” 

Hindi maintindihan ni Kate kung matutuwa o malulungkot sa sinaad ng doctor.  Oo nga, mukhang makakarecover naman si Gramps pero may damage na ito sa ibang parte ng kanyang katawan. 

“Thank you for the information Dr. Guevarra.” Saad ni Red.

“You’re welcome sir.  If you have any questions you can call me anytime.  Here is my card.”  Inabot ng batang duktor ang business card niya kay Red.  “Just one thing sir.” Saad ng duktor bago pa ito tuluyang umalis.  “Bawal po ang kahit na anong stress sa pasyente.  Kung maaari po ay iwasan po muna natin ang maraming bisita.”

“Okay dok, we will do that.  Salamat.” Saad ni Red at umalis na ang doctor.  Iniupo na Red si Kate at tinabihan ito.

“Babe listen to me.” Red cupped Kate’s face with his hands and wiped her tears with his thumb.  “You have to be strong now.  Gramps will be fine.  Hindi ka niya dapat makitang malungkot at umiiyak kaya tahan na Babe okay.”

“I just… I just feel so alone Red.”  Kate was able to talk through her tears.

“Don’t.  I am here and I will be here for you.  We will wait until Gramps wakes up.  Then it will all be fine.  Okay.” Red said with a reassuring tone.  Lumakas din ang loob ni Kate. 

Akala niya malakas siya, pero sa panahong ito parang kay Red lang siya kumukuha ng lakas.  Maraming issues.  Maraming dapat pang pag-usapan pero ngayon kay Gramps lang nakatutok ang kanyang isipan at pakiramdam. 

Mahal na mahal ni Kate ang lolo niya.  He is his only family and losing him will make her alone in this world. 

Sa totoo lang hinanda naman siya ng lolo niya sa ganitong sitwasyon, pero sabi nga you will always try to expect the unexpected but you will never be prepared.  At sa ngayon, kahit ano pang paghahanda ang ginawa ng lolo niya, hindi pa rin ito sapat.

Narinig naman niya ang sinabi ng doctor na malayo na sa kapahamakan ang lolo niya pero ang makita itong nakaratay sa banig ng karamdaman ay talagang nakakapanghina sa kanya.

“Salamat Red.”  Niyakap ni Kate ang asawa ng mahigpit.

“You don’t have to thank me Babe.  We are married now.  We are supposed to help each other.”

Nagpasalamat si Red sa Panginoon.  Parang kahit nanghina siya sa sinabi ng asawa kanina sa telepono, ang pangyayaring ito, kahit gaano kasama ay isang paraan upang hindi na maituloy ni Kate ang sinabi. 

Kanina, on his way to the hospital, patuloy na umaandar sa utak niya ang sinabi ng asawa.  Mahirap aminin sa sarili pero hindi niya kakayanin na mawala si Kate.  Parang kasabay na ito sa kanyang paghinga.  Mukhang ikakamatay niya pag nawala sa kanya si Kate.  Siguro nga mahal na niya si Kate.  Pero, mahal kaya siya nito?

The Reluctant Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon