CHAPTER 61: A Surprise Visitor

2.8K 31 0
                                    

CHAPTER 61: A Surprise Visitor

Mag-isa lang sa condo si Kate ngayon. Lumabas si Pia para ayusin na ang mga properties ni Gramps sa New York. Maliban kasi dito sa condo ay may mga apartment building at office building na naipundar si Gramps dito. Kailangan nang bayaran ang mga taxes at mailipat ito sa pangalan ni Kate.

Nagkakape si Kate ngayon sa balconahe ng penthouse condo na tinitirhan niya dito. It has been two days since she went home. Naconfirm na nga na buntis siya. Alam niyang hindi makakabuti ang pagkakape niya, kaya't sinigurado niyang decaf ang kape.

Hindi naman siguro makakasama ang decaf. Naisip ni Kate habang humigop sa mainit na inumin.

Pinapanood niya ang mga tao at sasakyan sa ibaba ng building. Gusto niyang uminom ng vodka para makatulog muli ngunit dahil sa kalagayan niya napag-isipan niyang hindi makakabuti sa bata ang pag-inom niya ng alak. Siguro nga panahon na para tigilan niya na ang pag-inom. Kailangang maging healthy siya sa kanyang pagbubuntis.

The least I could do is make sure that my baby is healthy. Naisip niyang muli habang hinihimas ang kanyang tiyan.

Salamat Diyos ko at kahit papaano'y hindi mo ako hinayaang mag-isa. Mayroon na akong muling aalagaan at makakasama. You are a gift from God Baby ko. Gagawin ko ang lahat upang mapabuti ka. Kate thought while she continued caressing her tummy.

Naalala niya ang kanyang pagbubuntis kay Ken. She was practically alone. Tricia was busy with her own work and she was often left alone at Tricia's flat. Buti na lang nadiscover niya ang freelance work online kaya't nagkaroon din siya ng gagawin.

Namimiss na niya si Ken. Walang minutong lumipas na hindi niya naaalala ang anak na ngayon ay nasa piling na ni Red. Giving him up broke her heart, but she had to sacrifice to be able to move on in peace. Magagamit lang ni Red si Ken para guluhin pa siya kung nagpumilit siyang isama pa si Ken. She felt so empty, so alone, the void eating her up.

Gusto niyang maiyak. Heto't buntis na naman siya at mag-isa na naman niyang ipagbubuntis at isisilang ang anak. At katulad ng dati, Buenavista na naman ang dadalhin na pangalan ng batang ito. Bakit ba kasi hindi na siya nagpabago pa ng pangalan sa mga papers niya, kahit sa passport niya ay Buenavista pa rin siya.

Naalala niya noong tinanong siya ni Pia kung bakit hindi pa siya nagpapadagdag ng Garcia sa pangalan niya.

"Mabuti na ito Bes, at least hindi na kumplikado pa pagnaghiwalay na kami." Sabay tawa siya. At that time, kakakasal pa lang nila ni Red sa Mayor ng Tagaytay at ilang araw na lang ang kanilang kasal sa simbahan.

Natawa si Kate sa ala-ala. Who would know na tama nga ang hula niya? In a few more weeks, she would be back to being single, divorcee nga lang, pero single.

That thought made her feeling sink lower. May kurot sa puso. Masakit.

She immediately dismissed the feeling. I have to snap out of this. Hindi ito makakabuti sa aking pagbubuntis. Naisip ni Kate.

Tinungo ni Kate ang entertainment hub na nasa sala niya at pinaandar ang kanyang itouch. Agad nabalot ng nakakarelax na musika ni Enya ang condo. Agad siyang napagood mood sa narinig. Tinungo na niya ang kanyang wine cabinet sa bar at tiningnan ang kanyang koleksyon. Buntis na siya. Kailangan nang magpaalam sa mga koleksyon niyang ito. Napangiti si Kate nang naisip na temporary lang naman yun. Siguro in two years, after she stops breastfeeding her baby, she will see them again.

Di kalauna'y kumuha na rin siya ng kahon upang paglagyan ng mga iyon. Isa-isa niyang kinuha sa cabinet ang mga alak at nilagay sa kahon. Masama ang loob niya nang ginagawa niya 'yun. Para siyang naglilibing ng isang parte ng kanyang pagkatao.

Iyon ang sitwasyon niya nang biglang may naramdaman siyang tao sa likod niya.

"Bakit mo sinisilid ang mga alak sa kahon?"


+++++

CHOCOSHINE'S NOOK:

At sino nga kaya ang surprise visitor na ito?

Abangan ang susunod na chappie.

Huwag kalimutang mag-vote, comment, add at share na din pag may time kayo.

Salamat sa patuloy na pagtatangkilik sa kwentong ito.  

Salamat din sa mga nag- me-message sa akin.  Nakaka-inspire kayong lahat.

Thanks talaga!

Love. Love. Love.  

Mwah,

*chocoshine*

The Reluctant Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon