CHAPTER 53: Anger and Pride

2.8K 37 2
                                    

CHAPTER 53: Anger and Pride

On her way to the den, nasilip ni Kate ang orasan sa isang ding-ding ng living area. Alas dos na pala ng hapon. She missed breakfast and lunch. She heard the excited squeals of Ken sa may swimming pool kaya't minabuti niya munang sumaglit dito.

"Mama!" sumigaw agad ito. Ken, in her toddling way, ran to Kate who was already waiting with open arms.

"Hello Baby!" Bati ni Kate. Ken has always been her sunshine. Nung nasa States pa siya, she always looked forward to seeing him after work. His pure smile and warm hugs are always a relief to her tired heart. "Are you enjoying the water?" Tanong niya.

"Yeth, yeth, yeth!" excited na sagot ni Ken. Kinarga ni Kate si Ken at tinungo na ang pool. Nasa isang tabi si Yaya Tonet na nakat-shirt na puti at shorts na nakaupo sa isang dulo ng pool. Si Red naman ay nakababad din sa pool, this time doing his laps.

Halos malaglag na ang panty ni Kate sa pagpanood ng bawat pag-galaw ng mga muscles ni Red. Napakagat siya sa kanyang ibabang labi. She couldn't find any other adjective to describe the body slicing through the water with his strokes except... yummy!

"Narinig ko 'yun." May boses sa likod niya na nagsalita kaya't napatalikod si Kate.

"Bes!!!" si Pia dumating at may dala-dalang mga pagkain. "What are you doing here?!" tanong ni Kate pagkatapos magbeso sa kaibigan.

"Well, I wanted to see my inaanak." Saad nito na kinarga si Ken. Hindi pa nga pala nabibinyagan si Ken. 2 years old na. Malapit na din naman ang birthday nito kaya't naisip ni Kate na isabay na lamang sa birthday. "How are you baby?" hinalikhalikan ni Pia si Ken sa leeg kaya't kung makahagikhik ito ay wagas.

Nakatoon ang pansin ni Kate sa mag-ninang nang bigla siyang nagulat nang may umakbay sa kanyang balikat na basang-basa. Napa-iwas si Kate at lumingon upang tingnan kung sino ito. Si Red. Dumilat ang mata nito sa pag-iwas niya. Lalong lumayo si Kate at umakto na lamang na kukunin si Ken para hindi mahalata ni Pia ang pag-iwas niya.

"Dito mo muna si Ken Pia." Sabi ni Kate habang kinuha nito si Ken at kinarga. "Sige, papasok muna kami at papaliguan na namin si Ken. Kanina pa ito nakababad. Tatawagin ko na rin si Manang na tumulong sa paghanda ng pagkain." Sabi ni Kate. Pia couldn't help but feel the tension between Kate and Red, kaya't hinayaan na lamang niya ito. Pumasok na si Kate sa loob ng bahay kasama ng yaya ni Ken.

"Red, tapatin mo nga ako. Ano ba ang nangyayari sa inyo ni Kate?" tanong ni Pia. Nakabalabal na ang isang tuwalya sa balikat ni Red.

"Wala." Sagot lang ni Red. Kinuha niya ang pitsel ng orange juice na dati nang nakahanda sa mesa bago pa dumating si Pia at nagbuhos sa isang baso.

"Wala? Wala? Eh I could cut the tension with a knife. Wala?" sabi ni Pia. "Kate told me yesterday that you are asking her for an annulment." Napatigil si Red, uminom sa baso ng orange juice at sumandal sa kinauupuan.

"Ano pa ang sabi niya?" tanong ni Red.

"Wala na. Yun lang." sagot ni Pia.

"Papayag daw ba siya?" tanong ni Red. Sa totoo lang may takot na naramdaman si Red sa sariling tanong. Hindi siya sigurado kung magugustuhan ang sagot.

"Well... wala naman siyang sinasabi, pero mukhang papayag siya." May kirot na naramdaman si Red sa sinabi ni Pia.

"That's good." Sagot ni Red. "Hindi na ako gaanong mahihirapan." Ngumiti si Red kay Pia.

"Red, are you sure?" tanong ni Pia. "Alam mo ba ang epekto pagnagpa-annul kayo? Mawawala lahat ng pinaghirapan mo. Mawawalan ng control si Kate sa kumpanya at di kalauna'y pati ang General Manager position sa Pinnacle ay mawawala sayo. Naintindihan mo ba 'yun?" worried si Pia.

"Of course I know that." Uminom ulit si Red sa baso.

"Then why are you doing this?" tanong ni Pia.

"Hindi ba obvious? Ayaw ko nang makasal sa kanya. Isn't that the reason why couples undergo annulment? They don't want to stay married anymore. Ganoon lang." simpleng sagot ni Red.

"is it because of Des?" tanong ni Pia. Tumawa si Red.

"Yun ba ang sinabi niya? Hihiwalayan ko siya dahil kay Des? Alam mong hindi totoo yan. Si Des..." lalong lumakas ang tawa ni Red at umiling-iling ito. Uminom muli ito sa baso.

"Well what in the world is the reason Red? I mean, all these two years I thought you wanted her back." Tanong ni Pia.

"Ah doon ka nagkakamali Pia. After she left I never wanted her back. Kayo ang nagdesisyon na ibalik siya. All I wanted is Ken to be back. I didn't want him being raised by some crazy pseudo-father who happens to be Kate's lover. No fucking way!" napatiim bagang si Red sa sinaad.

"What if I told you that Kate never had any other lover but you?" sabi ni Pia. Naalala ni Red ang sinabi ni Kate - nagsara na dahil sa under use. Napangiti si Red. The thought pleased him.

"Maybe for now, but in the future... We all know that Kate is a great catch. Beautiful... sexy... intelligent... mayaman. Darating din ang panahon na magkakaroon din siya ng iba." Parang piniga ang puso ni Red sa sariling sinabi. Alam niyang at the rate they are going, makakahanap din si Kate ng mamahalin nito, ngunit ayaw niyang ma-involve si Ken sa mga kumplikasyong ganito sa buhay ni Kate. "And I don't want Ken to experience that. Ako lang ang ama niya at dapat ako lang ang kikilalanin niyang ama, wala nang iba."

"So, am I right in thinking that you are going to take Ken away from her?" tanong ni Pia. She knows if he does it, Kate will break down. Ikakasira niya ang mawala pa si Ken sa kanya.

"Yes. I will raise Ken." Direktang sagot ni Red.

"It will destroy her Red. Ken is all she has." Halos pabulong na saad ni Pia. Red smirked.

"Well then, let's all watch her destroy herself." Red said coldly. Napakunot noo si Pia. Something is terribly wrong. Hindi ganito mag-isip si Red. Mabait ito at mahal niya si Kate. Napabuntung-hininga na lang si Pia.

+++++

CHOCOSHINE'S NOOK:

Update Sunday again folks! Happy 50 followers to me! Hehe... Love it!

Destressing after a very stressful week. Just thankful I have wattpad.

Had some new followers at iba pang mga nagparamdam so this chappie is dedicated to @ohsosexyliezee. Salamat sa pagfollow.

This story is on-going. Marami pang mangyayari. Hope you guys stay on. Salamat!

Love.Love.Love.

*chocoshine*

The Reluctant Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon