CHAPTER 22: Ang Tapang
Pagdating na pagdating sa bar ay humingi agad si Kate ng Tequila. Umorder naman ito ng SML para kay Pia.
“Kate, Tequila na naman?” Worried na si Pia sa pagiging manginginom ng kaibigan. Baka maging alcoholic na ang kaibigan o baka nga alcoholic na ito.
“I need alcohol tonight Bes.” Sabay lagok ng isang shot si Kate. “I need to drown the memories.”
“Memories? Two weeks lang kayong magkakilala ni Red may memories na?”
Hindi sumagot si Kate.
“Shit Kate, may nangyari na sa inyo?” Gulat na gulat na tanong ni Pia.
Hindi pa rin ito sinagot ni Kate. Sa halip ay humingi pa ito ng isang shot at agad-agad linagok ito.
“Eh, ikakasal na kayo ah. Hindi na kayo nakapaghintay?”
“Anong magagawa ko Bes. Hawakan niya lang ako nanghihina na ako.” Humingi ulit ng isang shot si Kate. “No, actually tingin lang Bes, tingin lang, nahuhulog na ang panty ko.”
“Ganoon?!” komento ng kaibigan. Uminom na rin si Pee ng beer niya. Halos nangalahati rin ang nalagok ni Pee. Parang nanuyo ang lalamunan sa narinig sa kaibigan.
“Ganoon.” Sagot naman ni Kate. Nilagok ulit nito ang isang shot ng tequila.
Natahimik si Pia. Hindi kaladkarin ang kaibigan niya. Medyo party girl pero never itong naging lalakero. Si Nigel lang talaga ang alam niyang naging nobyo nito. Si Nigel, ang Christiano Ronaldo look alike na kababata nila.
“Eh si Nigel, may nangyari na ba sa inyo?” biglang naisipang itanong ni Pia.
“Anong klaseng tanong ba yan Bes? Alam mo namang kaya ko nga nagustuhan si Nigel kasi harmless.” Humingi ulit si Kate ng isang shot. Nagulat naman si Pia sa sagot ni Kate na harmless daw si Nigel.
“Kate, dahan-dahan naman ang inom. Di pa tayo 15 minutes dito nakaka-tatlong shot ka na.”
“Ayoko na Kate. Ayoko na. I’ll call off the wedding.” Sabi ni Kate na nangingilid na ang luha.
“Ano ba kasi ang ini-expect mo?” Reality check ng kaibigan. “This is an arranged wedding. You don’t expect love… don’t you?”
Sinagot yun ng isang lagok ng tequila ulit. Nagwoworry na si Pia. Siguaradong wasted na naman ang kaibigan mamaya.
“Bes, tama na yan. Let’s go home.”
“Diyos ko naman Pia, pati ba ikaw mambabasag ng trip tonight?”
Napansin ni Pia na mukhang may tama na si Kate. Kailangan na talagang alukin ang kaibigan pauwi.
“John bill out na kami.” Binigay na ng bartender ang bill kay Pia at binayaran ito ng dalaga.
“Tara na Bes, I’ll take you home.” Akmang itatayo na galing sa bar stool ni Pia si Kate.
“Ano ka ba Pia, nag eenjoy pa ako. John isang shot pa.” Inilingan ni Pia si John at hinawakan na ang kaibigan sa braso at pwinersa na patayuin. Buti na lang sumunod na si Kate. Surprisingly, maayos pa rin si Kate maglakad. Mataas talaga ang alcohol tolerance ng babae.
Kakalabas pa lang nila sa One World nang may naaninag na pamilyar na anyo si Kate. Hiniwalayan nito si Pia at naglakad patungo sa kabilang direksyon ng parking.
“Hey, where are you going? Parking is this way.” Habol ni Pia. Natigilan si Pia nang makita ang direksyong pupuntahan ni Kate. Si Red at Dee magkasama. Nakaakbay pa si Red sa bewang ng artista.
Shit! Napamura si Pia at hinabol patakbo ang bestfriend, ngunit hindi na nahabol ito in time. Kitang kita ni Pia at rinig na rinig ang pagtama ng kamay ni Kate sa mukha ni Dee.
“Puta ka! Malandi ka!” sigaw ni Kate. Sinabutan ni Kate si Pia. For a few seconds natigilan si Red. Kailangan pa itong sigawan ni Pia na awatin ang dalawa bago pa ito gumalaw. Niyakap ni Pia si Kate habang si Dee naman na ngayon ay sinabunutan na rin si Kate ay niyakap ni Red.
“Mang-aagaw ng lalaki!” sigaw naman ni Dee.
“Tang ina mo! Ikaw ang mangaagaw, haliparot!” sigaw naman ni Kate.
“Tama na Kate!” sigaw naman ni Pia. “Not here girl.” Bulong niya pa.
“You won’t get my man you bitch!” sigaw pa ni Kate habang nilalayo siya ni Pia. Nilayo na rin ni Red si Dee.
Napaupo si Kate sa curb. Humahagulgol na ng iyak. Tinabihan ito ng kaibigan.
“Kate, let’s go home.”
“Bakit ganoon Pia? Hindi ba pwedeng maging masaya naman ako?” Patuloy na humagulgol ng iyak si Kate.
“Bes, huwag dito, pinagtitinginan na tayo.”
“I don’t care.” Malakas na sagot nito.
“Shit Bes! Isa kang Buenavista. Huwag kana magkalat ditto.” Pakiusap ni Pia. Napatigil si Pia nang may naramdamang nakatayo sa tabi niya.
“Sige na Pia, ako na ang bahala ditto.” Si Red.
Tiningnan ni Pia ang kaibigan. Nakatungo sa kamay ang mukha ni Kate patuloy ang hagulgol.
“Bes, alis na ako, nandito na si Red.”
“Huh?” Itinaas ni Kate ang ulo niya.”Pia huwag mo kong iiwan dito.”
“Bes naman,” tumayo na si Pia. “Magusap na lang kayo.” Naglakad na si Pia. “Ikaw na bahala sa bestfriend ko.” Parang ayaw pang iwan ni Pia si Kate ngunit naisip niyang mas maganda nang magkausap ang dalawa despite Kate’s current state of mind. Naglakad na rin papalayo si Pia.
Patuloy pa rin ang paghagulgol ni Kate. Nakatungo sa lap niya ang ulo niya.
“Babes…” umupo si Red sa tabi ni Kate at hinaplos ang ulo nito.
“Please Red, umalis ka na.”
“Lika na, uwi na tayo. Sa bahay na tayo mag-usap.”
“Ayoko! Gusto kong mapag-isa!” Tumayo si Kate at tumakbo papaunta sa parking lot. Hinabol ito ni Red. Mabilis ang takbo ni Kate kahit pa naka-inom ito. Sa parking na nga inabutan ni Red ang dalaga akmang bubuksan na ang kotse niya. Hinila ni Red ang braso ni Kate at hinarap ito sa kanya.
“Ano pa ba gusto mo Red?” Sumigaw si Kate. Inakbayan ito ni Red at niyakap.
“I’m sorry Babe, I’ll explain. Ihatid na kita.”
Wala nang lakas si Kate na kumontra pa. HInatid ito ni Red sa passenger seat at kinuha ang susi ng kotse sa kamay ni Kate. Si Red na ang nag-drive ng kotse ni Kate.
BINABASA MO ANG
The Reluctant Bride (Completed)
Fiksi UmumKate had her life cut-out for her. After her parent's death, she was raised by her controlling grandfather. She tried her best to be obedient which lead to early successes in her life. But the latest of his grandfather's wishes really makes her wa...