Chapter 6: The Engagement Party
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Don Jose pagkaraan ng pagdesisyon ni Kate.
Nang hapon ding yun sinet agad ang engagement party ni Kate at Red na gaganapin sa bahay nila Kate kinabukasan. In one day, nakapagset-up agad ang caterer sa garden ng mga Buenavista.
Naghanda rin si Kate. Buti na lang may damit na available in her size ang designer niyang si Ken at available din ang make up artist niya na si Dax. Dumating din si Pia at ang iba pang mga kaibigan niya.
Isang oras bago magsidatingan ang mga bisita nandun na si Pia.
“Bes, kinakabahan ako.” Biglang bulalas ni Kate sa kaibigan.
“Bakit ka naman kakabahan eh di ba sabi mo nameet mo na itong Joaquin na ito.”
“Oo pero that was years ago. Matanda na sigurado ko yang Joaquin na yan. I could imagine he must be still so nerdy.”
“Baka naman nag-improve na.”
“I don’t know Bes.” Worried ang tono ni Kate. “Pano kung talagang un-acceptable?”
“Madali lang yan. Pakasalan mo then pag dead na lolo mo e di magpa-annull ka.”
“Sira ka talaga. Magaling ang lolo ko. Ikinabit ang no-annulment or separation clause sa shares ko sa Buenavista. So if I quit, I will lose Buenavista.”
“Ikaw kasi Bes, kung sumunod ka sakin noon na makipagtanan ka na kay Billy ayaw mo. Eh di sana wala ka nang problema ngayon.”
“Alam mo naman ang sagot ko doon Bes.”
“O siya siya, maghanda ka na. Darating na ang dreaded prince charming mo.”
After an hour, on the dot, dumating na nga ang pamilya ng mga Garcia. Unti—unti na din dumating ang mga bisita. Nasa itaas pa rin si Kate, hinihintay ang tawag ng lolo niya.
Ang instructions ng lolo niya ay tumuloy muna siya sa library kung saan doon sa kanya pormal na ipapakilala si Joaquin. Tsaka sila lalabas sa garden, una ang pamilya ng mga Garcia at susunod sila ng lolo niya.
Makaraan ang ilang nakakakabang minuto ay pinatawag na ito ng lolo niya. Sinamahan ni Pia si Kate.
Kumatok si Kate sa pinto ng library.
“Eto na yata si Kate pare.” Sabi ni Don Jose. “Come in hija.”
Pumasok si Kate, stunning in a red dress and red stiletto shoes, her hair in an updo Audrey Hepburn style.
“This is my granddaughter Kate,” Nagtama agad ang mata ni Kate at Joaquin.
“And this is my grandson Joaquin.”
“Red?!” Gulat na gulat si Kate.
“We meet again.” Nakangiti itong bumati kay Kate. Hindi makapagsalita si Kate sa gulat. Nanlaki ang mga mata ni Kate.
Gone are thick glasses, the braces and the bushy hairdo. His thin framed frail body became filled with muscles. Lean and tall in a suit. Hindi na siya parang di naliligong instsik, mas lumapit na siya kay Lee Min Ho sa itsura.
Si Red! Si Joaquin ay si Red! Walang-hiya! Baka sinandya niya akong pinuntahan sa One World.
“Mukhang nagulat si Kate ah.” Komentaryo ni Don David sabay tawa.
“Kumpadre, first time yan na hindi makapagsalita ang apo ko.” Tumawa din Si Don Jose.
Nainis si Kate. “Gramps…”
“Siguro po dati kasi payat ako at may salamin.” Interrupt ni Red. Nilapitan na ni Red ang fiancé. “Baka pwede na tayo magsimula.” Nagdagger look Si Kate kay Red. Hinawakan ito ni Red Sa braso at akmang hahalik sa pisngi. “Just follow my lead.” Bumulong ito, hindi tinuloy ang halik, ngunit sa mga nakakakita parang binigyan niya ng beso ang fiancée.
Just follow my lead? Ano yun?
“Lo, maybe we can already go out and meet the guests.” Salita ni Red. Pati siya parang nasisikipan na sa actually napakalawak naman na library. Parang nagsisimula nang manikip ang dibdib niya.
“Hindi pa pwede Joaquin.” Saad ni Don David. Nagets kaagad ang ibig sabihin ng lolo niya, may ilinabas na maliit na kahon si Red galing sa kanyang bulsa.
“How can I forget?” Binuksan ni Red ang box at tumambad sa kanila ang isang 1 carat solitaire diamong ring, princess cut at klarong klaro. Kuminang ito parang isang maliwanag na bituin. Inalis ito ni Red sa lagayan at isinuot sa ring finger ni Kate.
Doon napansin ni Red na may sing-sing na nakalagay sa daliri nito. Diamond solitaire din pero mas maliit, around .5 carat. May brillo din pero mas makinang pa rin ang sing-sing ni Red.
Biglang kinabahan si Red. May sing-sing na si Kate? Tumingin siya sa mata ni Kate, may tanong na hindi sinasaad.
Dali-daling hinubad ni Kate ang sing-sing sa daliri. Inilipat ito sa kanang kamay. Inilagay na ni Red sa bakanteng daliri ang sing-sing niya.
Wala nang “will you marry me”? Naisip ni Kate. Pumalakpak ang mga tao sa paligid. HInalikan ni Red si Kate sa pisngi. Gustong maiyak ni Kate.
I feel like a lamb being lead to the slaughter. Naisip ni Kate.
“Shall we?” Red led her to the door.
Kahit na inis na inis si Kate at puno ng tanong ang isipan niya, sumunod na lamang siya. Hinawakan ni Red ang braso niya leading her to the door to finally meet their guests.
Pumalakpak ang mga guests nang dumating sila sa garden. Nagsimula na ang dinner.
Hindi makakain si Kate. Wala talaga siyang gana. Si Red naman gutom na gutom. Napansin niyang parang di naman kinakain ni Kate ang pagkain sa plato na kinuha pa ni Red para sa kanya. Tinu-tusok-tusok lang nito ang mga pagkain.
“Ba’t di ka kumakain? Don't you like the food? You want me to order something else?” tanong ni Red.
Sobra namang attentive 'tong mokong na 'to. Naisip ni Kate.
“Di naman. Wala lang talaga akong gana.” Ngumiti ng bahagya si Kate, somehow natouch sa concern ng fiancé. Tumingin si Kate sa lamesa ng refreshments.
God, I need a margarita. Naisip ng dalaga.
“Do you want something to drink? Ikukuha kita.” Akmang patayo na si Red nang hinila ulit ito ng dalaga sa upuan.
“Huwag na. I can manage.” Si Kate na sana ang tatayo nang may dumaang waiter na may dalang mga bote ng San Mig Light. Kumuha si Kate ng isa.
“Babe huwag masyado ha. Baka mangyari na naman yung…”
Babe? Saan nanggaling yun. Feeling naman masyado tong frog na 'to.
“Huwag mo nang ipa-alala.” Nangiti si Red sa sinaad ng dalaga, naalala ang maputi nitong legs. Uminom ang dalaga ng beer.
Humingi si Red ng platito sa sunod na waiter na dumating. Nilagyan ng Camaron Rebusado ang platito at nilagyan ng tinidor.
“Eto, magpulutan ka naman para may laman ang tiyan mo.” Nilagay yun ni Red sa harap ni Kate.
Masyado namang over ang pagpapanggap ng lokong ‘to. Ano ‘to, nagpapalapad sa lolo ko by his attentiveness? Napainom ulit si Kate.
Nagtusok si Red ng isang piraso ng camaron at akmang pinapasubo ito kay Kate.
“C’mon eat.” Red ordered.
Napatingin ang mga lolo at ibang kamag-anak sa table sa inasal ni Red. Hindi maintindihan ni Kate, pero ayaw niyang mapahiya si Red kaya binuka na lang niya ang bibig at kinagat ang ino-offer na camaron.
“Wow ang sweet naman!” May dumating.
BINABASA MO ANG
The Reluctant Bride (Completed)
General FictionKate had her life cut-out for her. After her parent's death, she was raised by her controlling grandfather. She tried her best to be obedient which lead to early successes in her life. But the latest of his grandfather's wishes really makes her wa...