Chapter 66: Where oh where?

3.2K 42 1
                                    

CHAPTER 66:  Where Oh Where?

Hindi maipinta ang mukha ni Red nang narrating na nila ang condo building ni Nigel.

"At alam mo pa talaga kung saan siya nakatira ha." Inis nitong singhal kay Kate.

"Babe, ano k aba? Huwag ka nang mag-inarte diyan." Sagot na lang ni Kate na patuloy na naglalakad papunta sa mga elevator. Lalong sumimangot si Red.

Ayaw sana niyang samahan ito dito pero mabuti na ito at least mababantayan niya ang asawa sa pagkikita nitong muli ng dati nitong boyfriend. Hindi niya maintindihan pero kahit nagkamabutihan na sila ni Kate, lalo pa yata siyang naging possessive dito.

Agad na niyakap ni Nigel si Kate pagkatapos itong buksan ng pinto pagdating nila sa condo ni Nigel.

"Red." Nigel acknowledged the presence of Red with a handshake. Ayaw sanang tanggapin ni Red. Naalala niya pa ang galit niya nang sinama ni Nigel si Kate sa Subic. Pero naisip ni Red na mas mabuti na itong maging open na siya sa pakikipagkaibigan kay Nigel, tutal mukhang si Pia na ang kinahuhumalingan nito.

"Nakontak mo na ba si Pia?" tanong ni Kate with much concern pagkatapos silang pinaupo ni Nigel sa sofa sa malawak na living room nito.

"Not yet Kate." Nakakunot noo si Nigel. Tumayo ito sa pagkakaupo at naglakad, paroo't parito, hindi mapakali, sunod sunod and pagsuklay nito ng buhok gamit ang kamay.

"Can you please settle down." Pakiusap ni Kate. "Lalo akong nastre-stress sa kakalakad mo dyan eh."

"I can't help it Kate. I think I'll die if we don't find Pia." Sagot ni Nigel.

"Can we start looking for Pia please." Naiinis na si Red sa drama ni Nigel.

"Tinawagan ko na lahat Kate..." umupo ulit si Nigel. Kate took out her phone and started to call all their common friends. Una si Tricia at mga kaibigan pa nilang iba. Hangga't naisipan na ni Kate tawagan si Hans. Kanina pa dapat pero naisip ni Kate na hindi ito matutulog kay Hans. Pia has high moral standards and sleeping with any man has never been in her vocabulary.

"Hans?" Nagsimula si Kate sa phone, habang sabay na napatingin si Nigel at Red kay Kate. "We couldn't locate Pia, is she with you?"

"No, she's not with me." Hans sounded worried. "What do you mean you couldn't locate her? I left her with that man, an old friend she said." Linagay na speaker ang phone ni Kate. Lalong nanlumo si Nigel sa narinig.

"Pia left him after some time. She is missing Hans." Sabi ni Kate.

"I'm sure she's fine. I'll try calling her." Sagot ni Hans.

"Okay Hans, thank you. Please call me if there is any news." Saad ni Kate.

"Yes, I'll do that. Thanks." Sagot ni Hans at naputol na ang pag-uusap.

Nigel kept his face in his hands, his head hung low. "I'll never forgive myself if something happened to Pia. I'll never forgive myself." Nagsimulang lumandas ang mga luha sa mukha ni Nigel.

Nagulat si Kate sa asal ni Nigel. He has always kept his emotions in check. He must really feel much for Pia. Pati si Red naawa sa lalaki.

"We will find her Nigel. I'm sure she is fine." Sabi ni Red.

"Salamat pare." Nigel looked up to face him, not embarrassed at all with his tear stricken face.

"I think we have to go Red." Kate said as she faced her husband, tumango ito. "Siguro kailangan na din natin ireport ito sa pulis." Kate added.

"Salamat Kate." Saad ni Nigel at the door when he led the couple to the door. "Red."

"Don't mention it. It's for Kate. Not for you. I want her peace of mind. This thing with Pia, it's stressing her out." Saad ni Red.

"I'm sorry. Naabala ko pa kayo." Matamlay ang ngiti ni Nigel na sinabi ito sa dalawa.

"Kaibigan ko rin si Pia Nigel, I am concerned for her safety." Nilagay ni Kate ang kanyang kamay sa braso ni Nigel in comfort. The gesture made Red's senses start to heat up again.

Nasa sasakyan na ang dalawa nang magsalita si Red.

"I didn't like how you acted towards Nigel." Direktang saad ni Red. No mincing of words.

"Naku naman ang asawa ko nagseselos na naman." Kate tried to make light of what Red said. Niyakap niya ang asawa in reassurance. "Matagal na kaming wala ni Nigel and do I have to remind you that it is because of you kaya wala na kami?" Kate kissed Red on his cheek.

"You can always remind me some other way Babe." Ngumiti na si Red, a naughty smile that is now all too familiar to Kate.

"Ano k aba naman Red, kailangan pa nating hanapin si Pia." Kate said. Then her phone rang. She immediately rummaged through her purse and found her phone.

"Tonet? Bakit, what happened?" kinabahan bigla si Kate.

"Ma'am, hindi po naming mahanap si Ken." Umiiyak na ang yaya.

"Ano?" Kate suddenly turned pale. Kinuha ni Red ang phone kay Kate.

"What happened to Ken?" tanong ni Red kay Tonet.

"Sir, nawawala po si Ken. Iniwan lang naman naming sa sala naglalaro, tapos po nang tinatawag ko nap o para kumain wala nap o siya sa pinaglalaruan niya. Hinanap nap o naming ni Mang Abe sa buong bahay wala po. Nagreport na din po kami sa security at pinahanap sa buong building wala din po." Patuloy na humahagulgol si Tonet sa telepono. "Pinahanap na din po namin sa cctv."

"Pauwi na kami Tonet. Tell security that we will see them when we get there." Sagot ni Red.

Umiiyak na si Kate, her former calm demeanor as she was looking for Pia is now replaced with desperation in the light of Tonet's news.

"Anong gagawin natin Red? Paano kung si Ken naman ang mawala. Diyos ko hindi ko mapapatawad ang sarili ko." Patuloy na umiiyak si Kate.

"Don't worry. I'm sure he is fine. Calm yourself." Kalmado si Red habang niyakap ang asawa pero naghihimagsik na ang kalooban niya. Papatayin niya talaga kung sino man ang kumuha sa anak niya. HInding hindi niya ito patatawarin. Ngayon he needs a clear and calm mind para makapag-isip siya at wala siyang ibang maisip na pwedeng gumawa nito kundi ang Stellar Group.

Biglang naalala ni Red na a few days ago ay may sinabi si Pia sa kanya. Napansin kasi nito na may sumusunod-sunod sa kanya galling opisina hanggang pauwi sa condo niya. Ang condo ni Pia ay walking distance lang sa Buenavista at malapit sa condo ni Red sa Makati. Naikwento lang ni Pia but she never really felt threatened. Konektado kaya ang pagkawala ni Pia sa pagkawala ng anak nila ni Kate? Hindi mapigilan ni Red ang mag-isip.


++++++

CHOCOSHINE'S NOOK:


We continue with the story of Kate and Red.  Again, malapit na itong magwakas kaya't patuloy na subaybayan.  Salamat sa inyong lahat na hindi bumibitiw.  Patuloy pa ring dumadami ang nagbabasa ng story na ito kaya't patuloy din akong nagpapasalamat.  

Muntik na sanang hindi ko tatapusin ang kwentong ito, ngunit dahil sa pagsusubaybay ng mga piling-piling readers na patuloy nagpaparamdam I always feel inspired to continue with what I started and I dedicate this chapter to one of those readers.  jaylheng25 this one is for you.

Again, salamat sa inyong lahat.  Huwag kakalimutang mag vote, comment and add kung naiibigan ninyo ang kwentong ito.

Love. Love. Love.

*chocoshine*

The Reluctant Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon