CHAPTER 26: Ang Pagtanan
Sa sasakyan, magkatabi si Red at Kate. May driver si Red. Halatang galit na galit pa rin si Red if the way he is breathing is any indication.
“Saan mo ako dadalhin?” nagtanong si Kate pagkasakay sa sasakyan. Mas feel niya pang kidnapping ito kaysa pag-alis nila ni Nigel sa bahay kanina.
“Itatanan na kita.” Walang kagatol-gatol na sagot ni Red.
“Itatanan?” nagulat si Kate. “Itatanan? We are getting married in ten days Red. Are you crazy?”
“Hell yeah, I’m fucking crazy!” Sinigawan siya ni Red. “Paanong hindi ako mababaliw sa ginagawa mo. Magkasama lang tayo kahapon naglalandi ka na agad. Kasama mo pa ang hayop na ‘yon. Ano, gusto niya tikman ka bago tayo ikasal? Tang ina, akin ka na. Ikaw kasi, malandi ka rin.”
“Naglalandi? Hindi ako kaladkarin Red.” Nasaktan si Kate sa sinabi ni Red. Naramdaman ni Red ang pagbago ng mood ni Kate from angry to hurt. Gusto tuloy ni Red mag-sorry sa babae pero naisip niya ang pinag-daanang emotional rollercoaster kanina habang hinahanap kung saan si Kate.
Buti na lang at naka-on ang GPS sa smartphone ni Kate at nagpost ito sa facebook kaya’t natunton ang kinaroroonan ng nobya. Ilang tawag pa with a little profanity sa isang uncle ni Nigel na kaibigan ng lolo ni Red at natunton din ang eksaktong address ng resthouse.
Nagring bigla ang cellphone ni Kate. Akmang kukunin na sana ni Kate ang bag niya nang naunahan siya ni Red. Binuksan ang bag nito at kinuha ang cellphone. Si Nigel ang tumatawag. Inaagaw sana ni Kate ang cellphone pero hindi nito nagawa. Inoff na ng lalaki ang cellphone.
“Akin na ‘to.” Sabi ni Red sabay lagay sa bulsa niya sa iphone ni Kate. “Kaya ka nakakapaglandi dahil dito eh.”
Naluha si Kate sa sinabi ng nobyo. Tumingin ito sa malayo, nakaharap ang ulo sa bintana ng sasakyan, doing her best na hindi mapansin ang nobyo ang pagluha niya. Ngunit napansin din ito nang napasinghap siya at pinunasan ang luha sa pisngi.
“Babe, I’m sorry.” Nilapag ni Red ang kamay sa hita ni Kate. Parang napaso naman si Kate sa paglapat ng palad nito sa hita. Naka-shorts lang si Kate kaya’t ramdam na ramdam niya ang init ng kamay laban sa malamig na aircon ng sasakyan.
Shit talaga! Nagsisimula na naman siyang manghina. Kinagat pa ni Kate ang labi para pigilan ang nararamdaman. Tang ina naman, galit na siya’t lahat eh libog pa rin ang nangingibabaw kung maglapat na ang skin ni Red sa kanya.
“Look Red,” Focus girl focus! Kinausap ni Kate ang sarili. “Hindi naman mahirap ang hinihingi ko sa’yo. Trust and respect lang. Tratuhin mo naman akong tao. Pwede naman na tanungin mo lang ako ng maayos. Bakit kailangan may ganito pa?” tumutulo pa rin ang luha ni Kate, lumambot na ang puso ni Red.
“Sorry talaga Babe,” niyakap ni Red ang nobya, hinalikan ang ulo niya. “Hindi ko lang talaga kayang isipin na may kasama kang iba. Matabihan ka lang ng kung sinong lalaki talagang umiinit na ulo ko. Parang mababaliw ako Babe.”
“Bakit mo ba iniisip kasi na malandi ako? Ikaw na nga ang naka-una sa akin, yun pa lang alam mong hindi ako basta-bastang babae.”
“I know, I’m sorry. I really don’t know what came over me. I just can’t take it when I know you’re with someone else, especially Nigel.” Mahinahon nang sagot ni Red.
Hindi sumagot si Kate. Tahimik nang tumingin sa malayo. Gulong-gulo ang isipan. Maraming bumabagabag.
Oh I so need a glass of brandy right now. Naisip ni Kate.
Napansin ni Kate na nasa NLEX na sila. Nakaramdam na si Kate ng pagod at tuluyan nang napaidlip. Nang napansin ito ni Red ay itinabi pa lalo ang dalaga sa kanya. Di kalauna’y nakapatong na sa balikat niya ang ulo ng dalaga. Inayos na niya ito at pinahiga sa hita niya ang ulo, pinapanood ang paghinga nito, ang mahahabang pilik-mata, ang mapupulang labi at ang maitim at mahabang buhok na nakapony tail pa.
Yes. I want forever with this woman. I want to wake up with her everyday. Watch her triumphs and victories. Be her comfort in her pains and failures. I will be proud of you even more than I am proud of you now.
Hindi napigilan ng lalaki na alisin ang ponytail ni Kate at halikan ito sa labi. Napaungol ito in her sleep, tinawag pa ang pangalan niya at yumakap sa bewang ni Red. Napangiti si Red.
In time, hindi lang katawan mo Kate, pati puso mo magiging akin din.
BINABASA MO ANG
The Reluctant Bride (Completed)
General FictionKate had her life cut-out for her. After her parent's death, she was raised by her controlling grandfather. She tried her best to be obedient which lead to early successes in her life. But the latest of his grandfather's wishes really makes her wa...