CHAPTER 13: The Morning After

4.5K 73 0
                                    

CHAPTER 13:  The Morning After

 

Nang magising si Kate, naalala agad nito ang nangyari kagabi. 

Oh God!  Ano ba ginawa ko?  Napapikit ito sa hiya sa sarili. 

Mabigat ang braso na nakadagan pa sa kanya.  HImbing na himbing pa sa pagkakatulog ang katabi.

Shit!  Hindi na ako virgin.  Lokong ‘to… hindi man lang hinintay ang honeymoon namin.

May nagring na cellphone.  Kay Kate.  Inabot nito ang shoulder bag na nasa sahig katabi ng kama at kinuha ito.  Si Nigel.

Sasagutin ko ba ito?  Nang ika-limang ring na ay sinagot na rin ng babae.

“Yes Nigel.”

“Where have you been?  I’ve been calling you all night.  You worried me.”

“I’m fine.”  Inalis ni Kate ang braso ni Red at tumayo, oblivious to her own nakedness.  Lumabas sa kwarto at pumunta sa living room area ng suite.

“That’s a relief.  Akala ko kung napano ka na.  I called your house, you did not go home last night.”

“No, I didn’t”

“Saan ka natulog kagabi?”

Hindi ito sinagot ni Kate.

Naisip ni Kate na panahon na para harapin ang katotohanan.

“Nigs, we need to talk.”

“Yes, we do.”

“Meet me at the 6750 Starbucks. At around…” tiningnan ni Kate ang orasan sa cp niya.  10:00 AM na pala!  “Around 1:00?”

“Ok.  1:00.  See you… I love you…”

“Okay.”  Binabaan na niya ng cp ang lalaki. 

Hindi napansin ni Kate ang lalaki na nakatayo sa harap niya.  Nakaboxers na ito.  Pero shit ang katawan!  Muscles and more muscles.

“Kanina ka pa ba diyan?” Tanong ni Kate.  Tumango lang si Red.

“Nagugutom ka na ba?” tanong ng lalaki.  Si Kate naman ang tumango.  She expected him to ask about the call, but he seemed to want to evade the topic. 

Alam ni Red na si Nigel ang kausap ni Kate.  Nagsisimula na naman sanang uminit ang ulo nito ngunit naalala ang namagitan sa kanila ni Kate kagabi. 

It’s a step in the right direction.  A big step and I don’t want to ruin it.  Isip ng lalaki.

“Sige, ako na mag-oorder.” Pumunta si Red sa may desk at tiningnan na ang menu at nag-order.  Nanood lang si Kate.  Pumasok ang lalaki sa loob ng kwarto at paglabas ay dala na nito ang isang robe.  Pumunta ito sa may pintuan at may pinulot.  Ang panty ni Kate.  Napangiti si Kate.

“Wear this first.  I need you clothed.  Kung hindi baka sunggaban kita diyan sa sofa.”  Ngumiti din si Red nang inabot ang saplot.  Sinuot naman agad ni Kate.

Hindi mapakali si Kate.

“Red… about last night…”  itinaas ni Red ang kamay niya.  Isang senyas ng pagpapahinto sa kanya.

“Let’s not ruin this Babe.”  Lumapit ito sa babae, linagay ang isang kamay sa batok ni Kate upang mailapit niya ang mukha nito at hinalikan ito sa labi.  It was a slow kiss.  Hot and open-mouthed.  Ngunit huminto si Red bago pa lalong uminit ang pakiramdam nila. 

Na gets agad ni Kate ang ibig sabihin ni Red.  “I don’t want to know and I don’t want to hear it.  Just do what you have to do.”  Bulong ng lalaki. 

“Okay.”  Tumango si Kate.  Pumasok na ulit si Red sa kwarto.

Tinungo nito ang kama at paisa-isang pinulot ang mga damit nilang dalawa.  Napansin niya ang tigmak ng dugo sa kama.  Napangiti siya.

Akin na nga talaga siya.  Akin na akin.  The fact gave Red such confidence. 

Everything is going to be fine.  Sabi sa sarili.

Inayos ni Red ang mga gamit ni Kate.  May nahulog mula sa bag nito.  Sing-sing.  Mabrillo at Malaki ang bato.  Ang engagement ring galing sa kanya.  Alam niya dahil sa engraving nito sa inner portion ng band nito – Red and Kate Forever.

Nagsimula na namang mamuo ang galit sa dibdib ni Red. May sing-sing na suot si Kate.  Naramdaman niya yun nang hinawakan ni Kate ang manoy niya kagabi. Ibig sabihin ang suot-suot nitong sing-sing ay hindi yung sing-sing niya.

Lumabas muli si Red, mababangga pa sana si Kate sa may pinto.  Hinatak nito ang kaliwang kamay at inalis ang sing-sing na nasa daliri at ipinalit ang sing-sing niya.  Tinungo nito ang bathroom.  Sinundan ito ni Kate at inagaw ang sing-sing nang akmang itatapon ito sa inodoro.

“Ano ka ba naman Red!” Pasigaw na sabi ni Kate.

“Bakit?!  Mahalaga pa rin ba siya sa’yo?”  Nakita ni Kate na nanlisik ulit ang mga mata nito katulad ng kagabi.  “I’m here.  What do you need him for?” lumabas si Red sa bathroom ng padabog.

Kung gaano ka-confident si Red ay siya namang pagbagsak ng dating naramdamang kaligayahan. 

May nagdoorbell.  Tinungo na ni Red ang pintuan ng suite.  Room service.

The Reluctant Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon