CHAPTER 19: The Real Engagement

3.5K 68 1
                                    

CHAPTER 19:  The Real Engagement

Sing-sing.  Sobrang brillo.  Malaki ang bato.  Hindi na simple platinum band ang setting nito kundi may mga brillateng maliliit nan aka embed sa pinaka ring nito.

Kinuha ni Red ang sing-sing.  Pumunta sa side ni Kate at lumuhod.

“Katerina Viktoria Buenavista.  Will you marry me?”  Lumakas ang tugtog ng violins.  Napatulala si Kate.

“Babe, wala kasing kwenta yung engagement party natin.  I just want to set it right.  So, will you marry me?”  ulit ni Red.  Tulala pa rin si Kate, nakanganga pa.

“Red…” nahanap na ni Kate ang boses niya.  “Hindi mo naman kailangang gawin ‘to.  Engaged na tayo.”

“Babe, I want to do it this way.  I want you to marry me because you want to.  Not because your Gramps told you to.”

“Red… I…”

Biglang kinabahan si Red.  Pucha!  Tatanggi pa yata.

“Babe, please.  I know pwedeng hindi mo pa ako mahal ngayon pero I’ll work it out.  Let’s do this.”

“Hindi…” Nilapat ni Red ang daliri niya sa labi ni Kate.

“No, I don’t want to hear it.” Tumayo na ito sa pagkakaluhod at tumalikod.  Humarap sa madilim na silhouette ng Taal Volcano.  Nasa palad pa rin niya ang sing-sing.  Ang diamond nito kumakagat sa palad habang nakasarado ng kamao nito.

“I know I am risking a lot pushing for your willingness to enter this marriage.  But, I will never force you.” Saad ng lalaki.  Mahina pero rinig na rinig sa ngayong tahimik nang kapaligiran.  Ramdam ni Kate ang pagbagsak ng kalooban nito.

Tumayo na rin si Kate at nilapitan ang nobyo.  Tinapik nito ang balikat ng lalaki.

“I was going to say yes Red.” Mahina ring saad ni Kate. 

“What did you say?” Napaharap si Red kay Kate.

“I said yes, I will marry you.  Willingly.  We might not have the traditional relationship, but yes, I will marry you.” 

Tumawa si Red ng malakas at niyakap ang dalaga.  Inangat ito at inikot.

“Hey, put me down.  Isuot mo na sa akin ang sing-sing.”

“Oh yes,” isinuot na ni Red kay Kate yung sing-sing sa left ring finger niya.  Ang dating engagement ring ay nilagay naman niya sa right ring finger ng dalaga. 

“Ayan, para wala nang pwesto ang sing-sing ng gagong yun.” Sabi ni Red nang isinuot ang sing-sing sa right ring finger ni Kate.

“Ano ka ba naman Red.  Tapos na kami ni Nigel.”

“Eh bakit hindi niya tinanggap yung sing-sing mo nung binalik niya?”

“Pano mo naman nalaman?”

Hindi makasagot si Red.

“Grabe ka talaga!  Pinasusundan mo ba ako Red?”

“Hindi… nakita ko lang ulit yung sing-sing sa bag mo.”  Alam ni Kate that he is lying.  Nilagay niya ang sing-sing sa jewelry box niya sa bahay.  Hinayaan na lang muna ni Kate ang topic.  Ayaw niyang sirain ang gabing ito.

“Hmmpp… “ sumimangot na lang si Kate.

“ito namang Baby ko tampo na naman.  Huwag na tayong mag-away.” Hinalikan ni Red si Kate.  Lumalalim na naman ang halik. Nanghina na naman si Kate.

Hindi lingid sa kaalaman ni Kate na nasa isang hotel sila.  Kung itutuloy nila ito baka kung saan na naman sila mapunta.

“Red… uwi na lang tayo…” saad ni Kate nang maghiwalay na ang mga labi nila.  “Pagod na kasi ako.”

“Oh yes, of course.” Napa-sigh of relief si Red.  Buti na lang, dahil alam niyang kung hindi na naman magpigil si Kate, hindi niya na naman ito matatanggihan.

~*~

Author's Note:

Sorry... cliche engagement... can't think of anything more creative... 

The Reluctant Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon