CHAPTER 15: The Interview
Umuwi si Kate sa La Vista.
Masasakit pa ang katawan niya. Lalong-lalo na ang balakang at peks niya. Sobra din ang antok niya. Ipapahinga na muna niya ang buong hapon na ‘yon.
6:00 PM na nang nagising siya. Nagpatimpla ng kape sa yaya habang nakaupo sa gazebo nila.
Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Nigel.
Your grandfather is selling you off like cattle. It’s a business deal plain and simple.
How can that be when the promise was made even before I was born. Anong sinasabi ni Nigel na business deal?
Kate tried to shake off the idea thinking that it was just the statements of a desperate ex-fiance.
Nagring ang cp niya na nakapatong sa mesa. Si Dax.
“Girl, manood ka ng news. Nagpa-interview ang ex ng fiancé mo.”
“Tungkol daw saan?”
“Parang tungkol sa engagement niyo ni Red.”
“Really? Ano naman sasabihin niya?”
“Kaya nga manood ka. Sa GMA.”
“Sige.”
Pumasok na si Kate at pumunta sa entertainment den ng mansion. Binuksan ang TV at tamang-tama ay news na.
“Ang artista at model na si Desiree Aragon ay nagpa-interview tungkol sa napipintong kasalan ng kanyang long-time boyfriend na si Arch. Red Garcia. Ang kasalang ito diumano ay isang arranged marriage lamang upang lumakas ang posisyon ng kani-kanyang negosyo sa merkado. Si Arch. Red Garcia ay galling sa mga angkan ng Garcia na may hawak ng Dragon Construction habang ang socialite na si Katerina Buenavista ay galling naman sa angkan ng mga Buenavista na kasalukuyang nagde-develop ng isang hotel and convention center sa Sta. Rosa. Tunghayan natin ang interview kay Desiree Aragon ng primyadong entertainment journalist and editor Ricky Lo.”
“It’s not a love match. It’s a business deal. Ikaw ba naman Kuya Ricky, ni wala pang isang buwan ang babaeng yan dito sa Pilipinas tapos ikakasal na agad?”
“So, how do you feel na iniwan ka ni Red?”
“Actually hindi naman kami nagbreak ni Red. There is no such talk. He just wants me to wait. I trust him. I am sure in time maso-sort out din ito.”
“How do you feel about the wedding?”
“Siyempre Kuya Ricky masakit. Masakit na ikakasal siya sa iba after three years na nagsama kami.”
“How about for Ms. Buenavista? What do you feel? What are you going to say to her?”
“I don’t know her Kuya Ricky eh. She just all of a sudden came into our lives then ganoon na. So, I don’t have anything to say to her except that she may have his name but I will always be the one in Red’s heart.”
Anchor: Sundan ang buong panayam nay an ni Ricky Lo sa Star Talk sa Sabado 3:00 PM ditto lang sa GMA 7. Sa Balitang Palakasan naman…
In-off na ni Kate ang TV, hindi makapaniwala sa narinig.
She may have his name, but I will always be the one in Red’s heart.
Nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ni Kate. Nakakadepress ang napanood niyang interview.
Isa lang ng aba talaga akong business deal? Pakakasalan kahit hindi naman mahal?
Nag-ring ang cp ni Kate na hawak hawak niya pa rin. Tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Red. Ayaw niyang sagutin. Kate put the phone on silent. Nag-vibrate ang phone. Si Red pa rin. Nagpasya na itong i-off ang cp.
Nasagi ng tingin ni Kate ang wine collection ng lolo niya sa wine cabinet. Nilapitan ang bar sa isang dulo ng den at agad-agad binuksan ang Absolut Citron na nasa cabinet. She poured herself a drink.
Sa unang pagdaloy ng alcohol sa lalamunan ay sabay na tumulo ang luha niya.
Tila nga totoo ang sinabi ni Nigel? Bahagi lang siya ng isang malaking business deal. And to think na sa pag-punta punta niya sa office ay na-aatach na siya sa project. May mga bahagi na nga nung hotel at convention center na inassign sa kanya para I-design.
Hindi maintindihan ng dalaga kung ano ang masakit. Ang malaman na bahagi lang siya ng isang greedy business strategy o ang malaman na mahal ni Red si Dee.
Bakit ba siya apektado?
Kaya ba siya apektado dahil may nangyari na sa kanila ni Red?
Lust. It was just pure lust. Bakit ba kasi magsagi lang ang balat ko ni Red umiinit na ako? At ang mga halik niya... nakakalimot ng wisyo...
Biglang naalala ng dalaga ang sarap ng makapiling ang nobyo kagabi. Napapikit ito. Uminom ulit ng alak.
Pero di ba ginagawa lang nila ito para mapasaya ang kani-kaniyang mga pamilya? Sabi pa nga ni Red, after the wedding they can go and live their own lives as they want to as long as they do not do anything that will bring shame to the family.
Siguro, yun ang sinasabi ni Dee na Red will sort things out in the end.
Eh kung ganoon, bakit pa nagba-bait baitan ang nobyo sa kanya? Hindi naman kailangan. Bakit galit ito kay Nigel? Ang kahihiyan lang ba na dulot nito ang concern ni Red? Paano naman ang kahihiyan na sinabog ng bitch nay un sa pagpapa-interview? Exempted bay un?
Patuloy pa rin ang pag-inom ni Kate. Pagod na siya kaya umakyat ulit sa kwarto niya pero dala-dala pa rin ang bote ng Absolut at ang baso ng alak.
Sa kwarto niya, nilapag ang baso at bote ng Absolut sa mesa katabi ng kama. Humiga ito, nag-fetal position at umiyak na parang bata, ilinabas ang lahat ng stress, anxiety at confusion of the last two weeks.
BINABASA MO ANG
The Reluctant Bride (Completed)
General FictionKate had her life cut-out for her. After her parent's death, she was raised by her controlling grandfather. She tried her best to be obedient which lead to early successes in her life. But the latest of his grandfather's wishes really makes her wa...