CHAPTER 41: The Runaway Bride

3.1K 39 2
                                    

CHAPTER 41:  The Runaway Bride

The serene view outside the floor to ceiling window of her hotel room calmed her chaotic heart.  In a few minutes, darating na ang magsusundo sa kanya papunta sa simbahan. 

Naalala niya ang pinag-usapan nila kanina ni Pia.  Ano pa ng aba ang problema niya?  Kasal na sila ni Red.  Formality na lang ang kasal na ito.  Pero, she still feels inadequate.  Parang may kulang pa rin.  Ang pakiramdam niya ngayon ay para siyang isang biktima ng pambubully.  Parang nagpapatianod na lang siya sa agos ng mga pangyayari sa buhay niya at wala siyang karapatang labanan ito. 

Ano ba problema ko?  Tanong ni Kate sa sarili.  Gusto ko din naman si Red pero hindi ko maintindihan ang loob ko, bakit ayaw mapanatag sa pangyayaring ito. 

Gulong-gulo na ang isip ni Kate.  Dinagdagan pa ng katotohanang totoo na nga ang hinala niyang buntis siya.  Tumakbo sa isip niya ang iba’t-ibang scenario para tumakas bago ang kasal nang biglang may pumasok sa kwarto.

“Mang-aagaw ka!” sigaw ng babaeng pamilyar kay Kate.  It took sometime to recognize her.

“Des?”  Kate said when she recognized her.

“Oo! Ako nga!  Ang tunay na mahal ng fiancé mo!  Mang-aagaw ka!” dumating ang mga humahangos na bodyguard ni Red.

“Ma’am, pasensiya na po… nagpumilit pong pumasok…” tinaas ni Kate ang kamay niya upang pigilan ang mga lalaki.

“Bakit ka nandito?  Ikakasal na kami.” Saad ni Kate.

“Nandito ako para pigilan ang kasal.” Saad ni Des na parang isang babaeng nasisiraan ng bait.  Umiiyak ito.  Ang mascara nito ay nag-smudge na, nagpapadilim lalo sa mga mata nitong parang puno ng galit.

“Pigilan ang kasal?”

“Oo!  Kailangan pigilan mo ang kasal dahil buntis ako Kate.  Buntis ako at si Red ang ama!” Sinigaw ni Desiree ang sinabi.  Parang pinalo ang likod ng tuhod ni Kate sa sinabi ni Des.  Nanghina siiyang bigla at napakapit sa likod ng armchair na malapit sa kinkatayuan niya.  Patuloy sa paghagulgol si Des.  “Kailangang pigilan ang kasal Kate.  Nakikiusap ako.” Des said in between sobs.

Hindi makasalita si Kate sa narinnig.  Gusto niya ring maiyak ngunit wala siyang magawa kundi tingnan ang humahagulgol na babae sa harap niya.  Unti-unti itong kinuha ng dalawang lalaki at inalalayan palabas. 

“Kate,” nagsalita pa rin si Des, “Alang-alang na lang sa ipinagbubuntis ko, huwag mong ituloy ang kasal na ito.  Pakiusap…” tuluyang nilayo ng mga lalaki si Des.

Natulala naman si Kate sa mga pangyayari.  Mag-isa na naman siya sa kwartong ito.  Nagsimula na ring umagos ang kanyang luha.  Pinikit ang mga mata at nagdesisyon.

Wala nang tao sa kwarto nang dumating ang mga sundo ni Kate.  Hinanap nila si Kate ngunit pati ang mga gamit nito ay wala na rin sa kwarto.

Nasa simbahan na si Red nang binalitaan siya ng mga pangyayari.  Napaluhod ito nang ibinulong ni Pia kay Red na nawawala si Kate.  Si Pia na ang nag-announce sa mga tao sa simbahan.  Hindi na sinabihan pa si Gramps bagkus ay inuwi na lamang ito sa La Vista at doon kinausap din ito ni Kate. 

“Hindi ako naniniwala sa sinabi mo Pia.” Saad ni Gramps.  “Hindi ito gagawin sa akin ni Kate.” Halos pabulong na sabi ni Gramps.

“I’m sorry Gramps, but we really cannot find her.” Halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Pia.

“Hahanapin natin siya Pia.  Ibabalik natin siya dito kung saan siya nararapat.  Buntis siya.  Kailangan natin siyang mahanap.”  Pag-aalala ni Gramps.

“Opo Gramps, tutulong kaming lahat sa paghahanap. Huwag ka na pong mag-alala.  Magpahinga ka na lang po.” Assurance ni Pia.

Biglang kumunot ang noo ni Gramps at humawak sa puso nito. 

“Abe!!!! Bilis, si Gramps!” sumigaw si Pia.  “Dalhin natin  siya sa ospital!” sabi ni Pia nang dumating si Abe.

Habang nagkakagulo sa bahay ng mga Buenavista, nasa Tagaytay pa rin si Red.  Kanina pa ito umiinom.  Halos maubos na ang bote ng Jack Daniels ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.  Kahit lasing na lasing na ito patuloy pa rin ang kanyang diwa. 

“Bakit Kate? Bakit?!!!” sumisigaw si Red.  Ang sakit sakit ng ginawa niya.  Mahal na mahal niya ang babae, binigay ang lahat, ngunit, hindi pa rin niya mapa-ibig si Kate. 

“Ano pa baa ng dapat kong gawin Kate?!!!” Patuloy ang pagsigaw ni Red.  Itinapon ang baso sa pader.  Humahagulgol na itong parang bata.  “Kate, mahal na mahal kita… bakit ganito?!”  malumanay na ang boses ni Red.

“Punyetang buhay ‘to!” sumigaw si Red at sinipa ang mga upuan sa kwarto.  Patuloy itong nagwawala sa kwarto niya at nag-aalala na ang kanyang kapatid.

“Red…Red!  Buksan mo itong pinto!” Sumisigaw ang ate niya habang kumakatok sa pinto.

“Leave me alone!” sigaw ni Red.

“Open the door.” Sagot ng ate.

“No!  Iwan na ninyo ako please!” sigaw pa rin ni Red.  Patuloy itong nagbabasag ng kung anu-ano sa kwarto.

“Red, buksan mo ang pinto!”  Hindi na sumagot si Red, bagkus ay katahimikan na ang maririnig sa kabila ng pinto.  Nagpasya na ang ate ni Red na pwersahin ang pintuan at tumambad sa mga kaanak ni Red ang mga basag na bote, mga sira-sirang upuan at isang Red na nakahiga na sa lapag, lasing na lasing at patuloy na bumubulong.

“Kate, mahal na mahal kita Kate.  Mahal na mahal kita….”

+++++

CHOCOSHINE'S NOOK:

Happy Valentine's Day sa lahat!

Happy 2,900 reads today.  This story has come a long way. Hehe...  Thank you po sa lahat ng readers.  Kahit sa mga hindi nagpaparamdam.  Precious po kayo lahat sa akin.  Pasensiya na po sa super late update.  Inabot lang ng maraming hassle sa buhay.

Anyway, sana nasiyahan kayo sa direksyon ng kwentong ito.  Comment naman po diyan.  hehe...

And also, don't forget to vote and add the story if it interests you.

Para naman sa dedication, naubusan na ako ng followers para idedicate itong story so magsisimula ako sa mga voters.  Thank you kay @malditang_prinsesa for all the votes.  Sobrang dami po yun kaya sayo ko ededicate itong chappie because you deserve it for the effort.  Sana patuloy mong basahin itong kwento hanggang sa ending.  Siguro mga 10 to fifteen chapters pa.  Hehe...

Salamat po sa lahat ng readers, silent or otherwise.  Mwah. Mwah. Mwah.

Love.Love.Love.

*chocoshine*

The Reluctant Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon