CHAPTER 43: A Broken Picture
“Red, it has already been three months. You need to snap out of this.” Pakiusap ng Ate Marie ni Red. Nakatingin lang sa malayo si Red. Pinaghandaan siya ng Ate Marie niya ng almusal sa lanai facing the garden and the view of the Taal Volcano.
“I’m selling this place.” Biglang sinabi ni Red out of the blue. Nagulat si Ate Marie. Kanina pa pala siya dada ng dada dito pero mukhang wala sa pinag-uusapan ang utak ni Red.
Mahaba na ang buhok nito. Tinubuan na rin ng balbas ang makinis nitong mukha. Tatlong buwan nagkulong sa mansion na ito sa Tagaytay si Red. Madalas itong umiinom at pagnalasing na ay itutulog na lamang ang kalasingan. Ngayong umaga pinilit niya itong pinabangon at pinilit na rin maligo. Ngunit tulad ng dati, hindi ito makausap ng matino. Nasa malayo palagi ang isip, epekto na siguro ng walang ampat na pag-inom ng alak. Naisipian ng kapatid na sakyan na lamang kung ano man ang nasa isip nito.
“Ibibenta mo itong bahay? Red, ito ang unang-una mong binili nang nagkaipon ka. Why are you going to sell it?” tanong ni Ate Marie. Red loves this place. She loves this place too. She loves painting and this is the reason why she volunteered to be the care taker of this house.
“Wala nang saysay ang bahay na ito Ate. I’m selling it.” Straightforward answer ni Red. Mapait ang mukha ni Red. Halata ang sakit na nadarama nito.
Bawat sulok ng bahay na ito ay nagpapa-alala sa kanya kay Kate. Pinagawa niya ito nang nagsimula nang magkwento ang Lolo David niya na malapit nang magtapos si Kate. Sabi ni Lolo David, pagnakapagtapos na si Kate ay ipapakasal na sila ni Gramps sa isa't-isa kaya't nagsimula na siyang maghanda.
Idagdag pa dito ang pira-pirasong ala-ala ng tinanan niya si Kate at dinala dito sa bahay ding ito. At dito sa lanai na ito nangyari ang paglapit ni Kate sa kanya nung unang gabi nila bilang tunay na mag-asawa. Ang bawat umagang nagigising siya ay naalala niya ang unang umagang gumising siya katabi ang asawa kaya't parang araw-araw din siyang sinasaksak pagkagising pagkagising niya pa lang.
“Dahil ba sa…” Marie started to ask with caution, but Red immediately interrupted her.
“Oo, dahil sa kanya. Hindi na siguro kami magkakasama pa Ate. I built this for us. Ni hindi pa nga ako sigurado kung siya na ang mapapangasawa ko itinayo ko na ito na siya ang iniisip. Ang gago ko lang.” Nilagay ni Red ang dalawang kamay sa kanyang mukha, a gesture of frustration.
“Don’t lose hope Red. Kasal kayo. Asawa mo siya at buntis siya. Babalik si Kate. I’m sure of it. Just give it time.” Marie tried to reassure him. Mapait ang tawa na pinalabas ni Red.
“You and your romanticisms.” Komento ni Red. Sa isip ni Red babalik lang si Lyn in the future to arrange their annulment. Ito ang sinabi ni Kate sa kanya, makailang beses na bago ang kasal, ang pumunta ng States at magpa-annul.
“O siya… finish your breakfast. Darating sina Papa at Lolo mamaya, susunduin ka na dito.” Natigilan si Red sa sinabi ng kapatid.
“Susunduin?”
“Ayan kasi, kinakausap kita kanina kung ano-ano ang iniisip mo. Katulad nga ng sinabi ko kanina, tatlong buwan nang hindi ka pumapasok sa trabaho. Natetengga na ang project. Ano na lang ang sasabihin ni Gramps at ni Kate kung di mo matapos ang…” Tumayo si Red nang marinig ang pangalan ni Kate.
“Ate, pwede, just stop it. Hindi na matatapos ang project. Wala na si Kate sa tabi ko. I just…“ Hindi masabi ni Red ang nasa damdamin niya habang pumunta ito sa may railings at tinanaw ang gardens. Wala na siyang gana pang puntahan ang Pinnacle. Ang buong compound na 'yun ay ginawa para kay Kate at sa kinabukasan niya. She has always been his muse and now without her, he just couldn't find the courage to be reminded of her.
BINABASA MO ANG
The Reluctant Bride (Completed)
Ficción GeneralKate had her life cut-out for her. After her parent's death, she was raised by her controlling grandfather. She tried her best to be obedient which lead to early successes in her life. But the latest of his grandfather's wishes really makes her wa...