CHAPTER 70: All iz well!

7.2K 112 9
                                    



CHAPTER 70:  All iz well!

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Kate.

"Oo. Ito na ang pinaka-mainam." Nakangiti si Pia. Wala na ang bakas ng kahit na anong nangyari dito linggo lang ang nakalipas.

"Sige. I'll support you. Tutal magsisimula na ang North America operations ng Pinnacle kaya't parang blessing in disguise na rin na dito ka na sa States maninirahan para ikaw na ang manage ng operations dito." Saad ni Kate.

"Yun nga ang sinasabi ko, parang destiny na din na dito na talaga ako." Lalong lumaki ang ngiti ni Pia.

"Sigurado ka na din ba kay Hans?"  tanong naman ni Kate.  Parang hindi niya maiwan sa States ang kanyang BFF.  They have always been together and after all that happened, she wanted to make sure that she was fine.

"Kate, di ba pinag-usapan na natin yan.  Ang pag-ibig ay parang isang sugal.  Kailangan mong sumugal.  You have to take a chance.  I will take this chance.  Hans is a good man and he cares for me.  I have learned to love him to.  He is good for me.  I need this Kate."  hinawakan ni Pia ang kamay ni Kate for emphasis and re-assurance.  Kate hugged her friend in response.  

"Thank you Pia."  Bulong ni Kate.

"No sister, Thank you." sagot naman ni Pia habang nakayakap pa rin sila sa isa't-isa.

"O, kayong dalawa diyan, tama na ang dakdakan, aalis na kami." Boses ni Red sa may pintuan.

"Sige P, I wish you all the luck here. Ikaw na bahala dito sa condo. You and Hans can stay here as long as you want. Huwag kang mag-alala." Kate hugged her friend tight.

"Salamat Kate. I don't know how I can repay you. I will always be here for you." Bulong ni Pia.

"Don't think about it. You are not only a BFF, you are a sister and I love you very much kaya please be happy now." Sagot naman ni Kate. Pia hugged her again before Kate went towards her husband.

Maayos naman ang pagdating ni Kate at Red sa Pilipinas. Pati si Ken ay di makamayaw sa tuwa sa pagbalik sa lumang bahay sa La Vista. Dito na nila ninais na magbuo ng pamilya habang ang bahay naman ni Red sa Ayala Heights ay tinirhan na ng Ate ni Red. Pagdating nila tapos na ang mga renovations pati na ang nursery. Kaya't nagpa-house warming party agad sila within one week of coming to the Philippines.

"Mabuti at natapos din agad ang mga renovations dito sa La Vista." Saad ng isang boses sa likod ni Kate. Kasalukuyang nasa garden si Kate, nakatanaw sa ilaw ng mga bahay sa Marikina Valley na parang mga bituin sa kadilimian ng gabi. Kate smiled at the familiar voice. Red just finished accompanying out the last of their guests.

"They had enough time naman to finish it." Saad ni Kate. Red put his arm around Kate.

"Well, I had to make last minute adjustments for the new arrival you know. That sent the contractors to a frenzy but I am glad they were able to finish it on time for the house warming." Sagot ni Red. Red led Kate to a bench sa ilalim ng gazebo facing the valley. "Parang kalian lang, we were seated on this same exact spot. Tinatarayan mo pa ako noon, but I was the most happiest man being engaged to the woman I love." Red said and kissed Kate's forehead.

"Love agad? You mean nung engagement party natin mahal mo na ako agad?" nakadilat ang matang di makapaniwala si Kate.

"Hindi mo ba alam na nung una pa lang kitang nakilala noong birthday party mo I was already smitten?" sagot naman ni Red.

"Grabe..." Kate couldn't help but say in disbelief. Natawa siya. Naalala niya pa noon ang nerdy look na talagang ikina-turn-off niya.

"That's true, and when I learned that you had Nigel as a boyfriend, nagsimula na akong magpressure kay Lolo David. Nagkataon naman na si Grandpa pala ay may balak na. Everything just fell into their places. But I wanted you willing so I did my best. Buti na lang kakampi ko ang katawan mo." Tumawa si Red.

The Reluctant Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon