CHAPTER 9: The Blast from the Past

4.4K 72 1
                                    

Chapter 9:  The Blast from the Past

Ang sumunod na mga linggo ay ginugol ni Red sa preparations para sa kasal.  Hindi na nila ininvolve si Kate.  

Lahat ng desisyon ay ginawa ni Red.  From the venue, to the reception, to the caterers and even the event styling, desisyon lahat ni Red.

Ikinainis ito ni Kate.  Pati yata fiancé niya controlling din.

Magaling talaga si Gramps at Lolo Dave.  They know I could stall the wedding by just doing nothing kung pababayaan nilang ako mag-asikaso ng wedding. 

Nagpatawag na rin ng Board Meeting si Don Jose sa Buenavista Group at pormal na ipinakilala si Kate bilang kahalili niya.  Tinanghal siya bilang youngest CEO, at 21, sa mundo ng negosyo sa Pilipinas. 

Of course, Chairman pa rin si Don Jose at pinapatakbo pa rin niya ang kumpanya.  Si Kate naman ay araw-araw na pumapasok sa kumpanya upang unti-unti na niyang matutunan ang mga detalye ng pagpapatakbo nito.

Malakas pa rin ang uncertainty ni Kate sa pinasok na sitwasyon, at gustong gusto na niya mag-back-out.  Pero pagnaalala ang lolo niya, bumabalik ulit sa pagiging masunurin ang kanyang pakiramdam.  Naalala din niya ang sinabi ni Red na kailangan lang na magtiwala siya.

Isa lang na desisyon ang iniwan ni Red sa kanya, ang design ng wedding gown, kaya kahit papaano ay nagbigay na siya ng effort dito.

Today, may dinner sila nina Ken, Dax at Pia.  Ipapakita na ang design ng damit pangkasal ni Kate.  Honestly, hindi siya excited.  Kailangan lang gawin kaya nag-set na siya ng appointment at ngayon nga ay ipapakita ni Ken ang design.

Late siya sa dinner.  As usual.  May meeting pa kasi na pina-attend pa sa kanya ng lolo niya.  The thing is, medyo pissed siya kasi nga observer lang naman siya.

CEO?  Observer lang? Eh, hotel and convention center development ang pinag-uusapan.  It’s right up my sleeve.  Hindi ba nila alam na Business Management nga ang course ko pero may double major naman akong Real Estate Management at Human Ecology.  Nakakapikon talaga.

Hindi mawala sa isip ni Kate ang meeting, kaya’t thankful siya nang nakita na ang mga kaibigan.

“Buti naman gurl dumating ka na.”  Bati ni Ken pagkatapos nilang mag beso ng mga kaibigan.  “Akala namin nag Runaway Bride ka na naman.”

“Pwede pa ba yun?” Tanong ni Kate habang inaaayos ang bag sa isang upuan.

“Is that still an issue?” Tanong ni Pia.  “Akala ko ba Bes nagkasundo na kayo ni Red?”

“Oo… Hindi… Ah ewan!”

“Ano ba yan gurl?  Undecided ka pa ba?”  Tanong ni Ken.

“I don’t think I’ll ever be certain about this.  Si Gramps lang ang dahilan kung bakit ginagawa ko ito.”  Sagot ni Kate na may pagbuntung hininga pa.

“Pero good catch si Red ha.”  Komentaryo naman ni Dax, tiningnan ito ni Kate ng masama.  “I mean, where can you find such a great mix of breeding, family pedigree, intelligence and a hot body all rolled into one.”  Tumaas ang kilay ni Kate.

“What are you getting at Dax?”  Tanong ni Kate.

“Well, he may have graduated from UST, but he has an MA from MIT.  I don’t have to tell you about his family because you know them.  But he has also modeled for the top designers in the country.  It’s just a pity he stopped modelling a year ago.”  Explain pa ni Dax.

“Model siya?”

“Hindi mo ba alam?”  Gulat na tanong ni Dax.  Nagitla si Kate.

Biglang nag replay sa utak ni Kate ang mga eksena nang nakaraang linggo na nakasama ang fiancé.

Nag-ring bigla ang phone ni Kate.  Napabuntung hininga si Kate nang nakita kung sino ang tumatawag.  Si Red na naman.  He has been calling her frequently the past few days.  Asking where she is.  Reporting his decision for this supplier etc.  Linagay ni Kate sa silent mode ang phone niya.  Ayaw sagutin.  Nang nilalagay sa bag niya ang phone kinalabit siya ni Pia.

“Huh.” Nakita ni Kate na may tinitingnan ito sa harap.  Binaling ni Kate ang tingin sa direksyon ng tinitingnan ni Pia.

Si Nigel.

The Reluctant Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon