CHAPTER 20: Ang Seloso

3.7K 57 0
                                    

CHAPTER 20:  Ang Seloso

“Good morning She.” Masayang bati ni Kate sa secretary nang daanan niya ang table nito on the way to her office.  Tumayo si Sheryll at sumunod sa boss niya.

“Good morning Ma’am Kate.  Mukhang maganda ang gising.  Okay ka na po?”  Bati ni Sheryll, ang secretary ni Kate.  Dala na nito ang kape galing starbucks at donut from krispy Kreme.  Inayos din ang mga karagdagang dokumento para basahin ni Kate at pirmahan.

“Tumawag po kasi ako sa house ninyo last Saturday, may ipapa-sign po sana ako sa inyong checke galling sa accounting.  Sabi po ni Manang Cely may sakit daw po kayo.”

“Ah oo… nakapagpahinga naman ako ng maayos.  Ok na ako.” Nakangiting sambit ni Kate.  Nilapag na ni Sheryll ang dalang kape at donut sa mesa ni Kate.

“Thank you Sheryll.  Pero, hindi kaya pinagdadasal mong di ako magkasya sa bridal gown ko.  Masyadong rich itong dinala mo.”  Kate said referring to the coffee and donuts.

“Ay Ma’am sugar free po ang donut at kape mo.”

“Salamat Sheryll.”

Actually, maganda ang gising niya dahil sa date nila ni Red kahapon.  Hanggang ngayon good mood pa rin siya.  Hanggang tenga pa rin ang ngiti niya.

Umupo na si Kate behind her desk and checked out the documents for her signature.  Nakita nito ang autocad rendition ng isang Green House for her approval.  Naka-attach dito ang iba pang architectural designs na related sa Green House.

Mabilis talaga magtrabaho sina Red.  Kaya sila tinatangkilik ng mga malalaking projects for their design.  Napaisip si Kate.

“Ay Ma’am Kate.”

“Ano yun?” Nakayuko pa rin si Kate tinitingnan ang designs na nakalatag na ngayon sa kanyang mesa.

“May dumating po.”  Inangat ni Kate ang ulo at nakita ang pagpasok ng dalawang utlity ng tig-isang flower baskets.  “Ano ‘yan?”

“Flowers po.”

“Galing kanino?”

“Yung isa galling kay Sir Red tapos itong isa pa…” tiningnan ni Chai ang card, “Nigel daw po?”

“Nigel?”  Kinuha ni Kate ang card ng flowers na galling kay Nigel.

Just want you to know that I’m still thinking of you.  – Nigel

Sweet talaga si Nigel. 

Kinuha naman ni Kate ang card sa ikalawang bouquet.

Babe, Trust Me, Forever, Red.

Nagring ang cp ni Kate.  Si Nigel.

“Hi, did you receive the flowers?”

“Ikaw naman Nigs nag-abala ka na naman.  Ginawa mo naman akong patay.”

“Bakit?  Is the arrangement bad?”  Natawa si Kate.

“No, actually it’s beautiful.  Thank you.  Tulips.  You haven’t forgotten.”

“I’ll never forget Kate.”

Nag ring ang cp ni Sheryll.  Sinagot niya ito.

“Ma’am si Sir Red po, kakausapin daw po kayo.”  Bumulong si Sheryll.

“Sabihin mo may kausap sa phone.” Sagot ni Kate.

“Sino ‘yun?” tanong ni Nigel kay Kate.

“May tawag ako sa cp ni Sheryll.”

“Si Red?”

“Oo.”

“Sige na, baka bugbogin ulit ako niyan pagnalaman na tinatawagan kita.”

“Okay, bye Nigs and thank you for the flowers.”

Inabot ni Sheryll ang cp niya kay Kate.  “Ma’am ang kulit po eh.  Kakausapin ka daw po.”

Inis na kinuha ni Kate ang cp kay Sheryll.

“Ano ba Red?!  Nagtratrabaho ako dito, istorbo ka naman.”

“Nagtratrabaho?  Who were you on the phone with?  Anong thank you for the flowers?”

“Wala.  Bakit ka tumawag?”

“No, answer me first.  Who gave you flowers?”

“Si… si Nigel.”

“Nigel?  Akala ko ba naasikaso mo na yan.”

“Anong naasikaso?”

“Di ba nag-usap na kayo ni Nigel?”

“Oo, kaya lang siyempre, mahaba din ang pinagsamahan namin.  Bestfriend ko din naman yung tao.”  Pinagtanggol ni Kate si Nigel kaya’t nainis lalo si Red.  Umiinit na naman ang ulo nito.  Erase lahat ng magagandang alaala kahapon.

 “So, bakit ka nga napatawag?” tanong ni Kate na nawala na din ang magandang mood.

“I just wanted to know if you received the flowers.”

“Yeah, I did.  Thank you but no thanks.  Nakakainis ang pagseselos mo.  Tsaka hindi pa settled yung fact about the deal ha.  You’re not yet off the hook.”

“Ayan ka na naman sa deal deal nay an eh.  Wala ngang deal.”

“We’ll see…” pinutol na ni Kate ang linya.

The Reluctant Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon