CHAPTER 55: Alone Again
Gabi na nang dumating sina Red at Ken. Kasama nila si Manang, mga driver at iba pang kasambahay.
Nakita agad ni Red ang mga maletang nakahanda sa sala. Mga maleta ito ni Kate.
"Sige na Tonet, dalhin mo na sa kwarto at patulugin ang bata." Umakyat na agad ni Tonet karga-karga ang tulog na tulog na Ken. Kahit hindi niya hanapin, alam ni Red kung saan mahahanap ang asawa.
"O, babe, dumating ka na pala." Bati ni Kate na hawak-hawak na naman ang isang baso ng vodka tonic. Halata sa boses nito na lasing na ito. "Pasensya na kanina ha. Minalas ka kasi sa napangasawa. Kahit sariling anak hindi maalagaan." Mapait ang ngiti na binigay ni Kate. "Kumusta si Ken?"
"Ken is fine. He is asleep now, in his room." Tumango si Kate bago napapikit at kumunot ang noo, nagpasalamat sa Maykapal na maayos ang anak. Kanina, para siyang masisiraan ng bait habang iniisip ang mga pwedeng mangyari sa anak. Her only consolation was that he was alive when he was taken to the hospital. Halata ang galit sa mga mata ni Red. Nakatitig ito sa hawak-hawak na baso ni Kate. Nilapitan ni Red si Kate at kinuha ang baso ng alak.
"Babe hindi pa ako lasing. C'mon give me back my glass." Kate was starting to slur in her speech.
"No, ito ang dahilan kung bakit muntik nang malunod si Ken." His statement was cold and there was angst in his tone.
"I know, kaya nga aalis na ako dito. Nakahanda na ang mga gamit ko. Hinintay lang talaga kita. Ayoko ko namang maging bastos na basta-basta na lamang aalis. So, anyway, nandito ka na, nakapag-paalam na ako, so aalis na ako." Kate stood up sa pagkakaupo sa bar stool.
"Paano si Ken?" tanong ni Red. He really cannot believe how irresponsible Kate is. Ganoon-ganoon lang. Iiwan niya si Ken kung kalian kailangang-kailangan siya nito.
"Iiwan ko na siya sa'yo. Tutal hindi naman ako maayos na ina. Lasengga na, pabaya pa. Maganda na 'yan na nasa iyo si Ken. Lalaki ang anak ko, tama lang na nasa ama niya siya." Hindi maintindihan ni Red. Lalong umigting ang galit sa kalooban niya. Hindi ba ito ang gusto niya? Ang mapunta na sa kanya si Ken? Ang magkahiwalay na sila ni Kate? Tinitigan niya si Kate. Kate had to look away from the intensity of the anger in that gaze.
"Alright. If that is what you want." Red said with full acceptance. At least hindi na magkakaroon pa ng custody battle pagna-file na niya ang annulment. Tumango si Kate at tinungo na ang pintuan nang biglang napatigil ito.
"Siyanga pala, salamat Red. Sa lahat." Ngumiti si Kate, pero mapait ito. Her eyes was starting to water. Hindi na natiis ni Red and in two strides he was already beside her. He took her arm with such forcefulness it was hurting Kate.
"Sa lahat ng ayoko ang marinig na pinasasalamatan mo ako na para bang hindi ko obligasyon ang maging asawa mo. Kanina ka pa. Asawa kita. Kahit maghihiwalay na tayo. Sa ngayon, asawa pa rin kita. Kung gusto kitang paligayahin o siguruhing nasa ayos ka, obligasyon ko yon. Hindi mo kailangang magpasalamat na para bang ibang tao ako sa'yo. Hindi ako si Hans o si Nigel na parang pagtinulungan ka eh bumaba na ang Diyos galing sa langit. Putang ina Kate! Asawa mo pa rin ako." Mahaba ang pangungusap ni Red kaya't bumakat ang mahigpit na pagkakahawak ni Red sa mapuputing braso ni Kate. Tumulo na ang luha sa mga mata ni Kate.
"Aalis na ako Red." Mahina ang paalam ni Kate. "This is for the best. I'm sorry if I say things that piss you off. Ganoon lang talaga ako. Pasensiya na. Hayaan mo, I won't say thank you anymore. Besides," mapait ang ngiti ni Kate, "After this, wala naman na siguro akong ipapasalamat sa'yo." Napapikit muli si Kate nang may sumagi sa isipan niya. "Except maybe saying thank you for taking care of Ken. I leave him to your care where I know he will be loved and taken cared of well." Biglang natauhan si Red at binitiwan na ang asawa.
BINABASA MO ANG
The Reluctant Bride (Completed)
General FictionKate had her life cut-out for her. After her parent's death, she was raised by her controlling grandfather. She tried her best to be obedient which lead to early successes in her life. But the latest of his grandfather's wishes really makes her wa...