CHAPTER 45 – Ang Sundo
“Kumusta na ang lagay niya Pia?” tanong ni Red sa kaibigan.
“Hindi maganda.” Pia answered back as both of them looked at the old man on the hospital bed. “He has been suffering long and mukhang hindi na kaya ng mga vital organs niya.”
Dinala na naman si Gramps dito sa hospital as what has been happening in the last three months. This time though might be the last time. The doctors had been saying that he was no longer responding to medication. Lagi na din siyang tulog. Bihirang gumising ngunit nakakausap pa naman sa mga panahon na gising ito.
Dumating si Abe. Bagsak ang mga balikat nito. Alam na niya na malapit na ang dulo ng paghihirap ng amo niya. Kaya’t punong-puno siya ng hinagpis. Si Gramps ang tumulong sa kanyang magbago. Naalala niya pa ng nagbibinata pa lang siya sa edad na katorse nang ninakawan niya ito at may dumampot sa kanya sa lansangang naging tahanan na niya. Akala niya katapusan na niya ngunit kinupkop siya ng matandang ito, pinakain, binihisan, pinag-aral kaya’t hinding hindi niya ito maiwan.
“Kailangan na nating sunduin si Ms. Kate.” Saad nito na nakatingin din sa matanda.
“Para saan pa?” mapait na saad ni Red.
“Red… may karapatan siyang malaman ang nangyayaring ito kay Don Jose. Bago pa ito…” hindi masabi ni Abe ang sasabihin.
“Nawalan na siya ng karapatan nang iniwan niya tayo. Wala na siyang karapatang makita si Gramps.” Direktang sagot ni Red. Mapait ang tono nito.
“Nakita ko na siya Red.” Saad ni Abe. Natigilan ni Red. Napakapit ito sa railings ng hospital bed ni Gramps. His knuckles turning white sa higpit ng kapit. Bigla siyang nanghina sa narinig. Hindi ito makasagot. “Nasa Buffalo siya. Nagtratrabaho bilang isang teacher’s assistant. Maayos siyang nakapanganak. Lalaki ang anak ninyo. Pinangalanan niya itong Joaquin Jose. Ken ang palayaw ng bata. Kamukha mo siya Red.” Napapikit si Red sa narinig.
Simula ng bumalik siya sa trabaho inalis na niya sa kanyang isipan si Kate. Sinubsob niya ang sarili sa Pinnacle at ang marinig ang kalagayan nito at ng anak nila ay nagdulot ng kirot sa kanyang puso.
“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” tanong ni Red na lumayo at tinungo ang bintana which showed a view of southern Metro Manila.
“Dahil hindi pa panahon.” Sagot ni Abe.
“Kailan pa po ninyo alam?” tanong ni Pia.
“Mag-iisang taon na.” sagot ni Abe.
“Pero Mang Abe, dapat sinabi niyo agad, sana hindi na humantong sa ganito.” Saad ni Pia.
“May… may lalaki…” mahinang sagot ni Abe. Biglang humarap sa dalawa si Red. “Canadian pero doon na sa Buffalo naninirahan. Mukhang mabait naman. Puti.” Lalong nanghina ang pakiramdam ni Red. Napatiim bagang ito.
“Putang ina! Kakapanganak pa lang naglandi na agad. Putang ina!” Red shouted that last expletive like he was screaming his anger out.
“Red…” Pia went to him. “Huminahon ka. Natutulog si Gramps.”
“Get him Abe. Kunin mo na siya. Wala akong paki-alam kung kailangan mo siyang pwersahin. Get her and my son back here. I don’t want anyone touching her and my son.” Red ordered.
In the two years that Kate left, he has felt nothing but hatred for her. But in all his anger, hindi pa rin niya gustong magkaroon ng ibang lalaki si Kate.
“Red…” Sinubukan pa rin ni Pia na pakalmahin si Red sa paghaplos ng likod nito.
“No Pia, I am that boy’s father. Ako lang ang pwedeng maging ama niya. Maaring…” humahangos na si Red. “Maaaring pumayag ako na mawala na siya sa akin, ngunit ang anak ko, akin ang anak ko. Hindi ako papayag na maging ama ng anak ko ang kung sinong nilalandi ng babaeng ‘yon. Hindi ako papayag Pia.”
“I understand.” Yun na lamang ang nasabi ni Pia. “Mang Abe, sasamahan kita sa pagsundo kay Kate.”
“Huwag na Ms. Pia. Ako na ang bahala. Utang ko ito kay Don Jose at panahon na na bayaran ko ‘yon bago man lang siya mawalan ng hininga.”
“Paano kung hindi sumama si Kate?” tanong ni Pia.
“Sasama siya Ms. Pia. Kilala ko si Ms. Kate. Sasama siya.” Saad ni Abe. Tumango si Red sa sinabi ni Abe.
+++++
CHOCOSHINE'S NOOK:
Kagabi, may nag-flood ng votes dito sa kwento ni Kate at Red. Dahil doon na-inspire na naman akong mag-UD sa kwentong ito. So, here I am, making another UD.
Malapit na pong magkitang muli si Kate at Red. Ayoko nang patagalin at baka hindi na maabutan ni Kate si Gramps.
lolz!
So sa nag-flood ng votes, you know who you are. Thank you a million!
Kaya sa kanya ko ededicate ang chappie na ito. Salamat @gianicz sa pagtangkilik ng mga stories ko. Sana patuloy kang mag-enjoy. Nagkataon naman na turn mo na talaga for the dedication sa aking followers list. This is just my way of saying thank you.
So, sa iba dyan na silent readers I hope paramdam naman kayo through voting. Hindi po nakakabawas ng kagandahan ang pag-vote. lolz!
Until the next UD. Love. Love. Love.
*chocoshine*
BINABASA MO ANG
The Reluctant Bride (Completed)
General FictionKate had her life cut-out for her. After her parent's death, she was raised by her controlling grandfather. She tried her best to be obedient which lead to early successes in her life. But the latest of his grandfather's wishes really makes her wa...