Alex's POV
"Why did you call me?"
Yan ang unang tanong ni Sebastian sa akin pagkasakay ko palang ng kotse niya. Grabe naman talaga, napakathoughtful at hindi man lang ako kinamusta kung ayos lang ba ako. Ewan ko, pero parang napaka komportable ko kasama siya. Pakiramdam ko sumaya ako ng konti noong makita ko siya.
"Eh kasi magkaibigan tayo when we were kids, right?"
Napahinto siya sa pagmamaneho. May nasabi ba kong mali? Gulat na gulat kasi siya sa mga sinabi ko.
"Tell me, what do you remember?"
Sinabi ko sa kanya yung tungkol doon sa pangyayaring paulit-ulit sa utak ko na kasama siya.
"Bukod doon, wala na?"
Tumango ako bilang sagot at nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Hindi na siya nagsalita pero kitang-kita ko ang maya't maya niyang paglunok ng laway at pagpikit ng mata. Problema nito? Ah, napuwing siguro. Open top kasi ang kotseng gamit niya. Alam nang sa may gubat siya pupunta, sports car parin ang gamit. Tss. Aba matindi! O siya na! Siya na mayaman!
Nakaramdam ako ng maliliit na patak ng tubig. Ano yun? Laway? Wala namang nagsasalita sa amin.
"Shit."
Yan ang nasabi ni Sebastian nang hindi gumagana ang control ng sasakyan niya. Ayaw bumalik ng bubong ng kotse niya, ano nga ulit tawag dun? Nakalimutan ko. -.-
Lumaki ang mga patak at naging ulan na may kasamang kulog at kidlat. Ano ba naman to. Ang malas, basang-basa tuloy ako. Ay kami pala. Nagulat ako ng hatakin niya yung ulo ko at tabunan niya ng dalawang kamay ang tenga ko, HABANG NAGMAMANEHO. Nako naman, kung gusto niyang magpakamatay, siya nalang! Dinadamay pa ko.
Umuulan pero kita ko ang pag-aalala sa mukha niya, malinaw na malinaw. Umaandar parin ang sasakyan kahit hindi siya nakahawak sa manibela.
"Are you alright?"
Tumango ako, "Ah eh, baka mabangga tayo."
Bumalik naman siya sa realidad at pinagpatuloy ang pagmamaneho.
"Ba't mo ba ginawa yun?"
Nagtataka kasi ako, ano bang meron at tinakpan niya tenga ko?
"You're afraid of thunders, right?"
Ako? Weh? Hindi naman eh. Ano bang meron sa kulog?
"Hindi ah,"
Tumingin siya sa akin saglit at ibinalik agad ang tingin sa daan.
"Oh right, you're not supposed to feel anything,"
"Ano? May sinasabi ka?"
Para kasing may sinabi siya kanina, hindi ko lang gaanong narinig.
"Wala,"
Mas binilisan niya ang takbo ng kotse. Biglang kumidlat at kumulog, napapikit ako ng biglang kumirot ang ulo ko. Ba't ganun? Kanina parang nasaksak ako tapos nabugbog pa ko ng konti pero di naman ako nakaramdam ng sakit, tapos ngayon naman grabe ang kirot ng ulo ko.
May nakatayong batang babae at may paparating na isang na itim na kotse. Nakakabulag ang ilaw ng kotse. Bumangga ang kotse sa batang babae. Duguan siyang gumulong sa kalsada. Huminto ang sasakyang itim at lumabas ang isang lalakeng naka black suit mula sa driver's seat pero agad din itong bumalik sa loob. May batang lalakeng lumapit sa duguang batang babae.
"Lexy! Lexy!"
"Yanyan.."
Tuluyang nawalan ng malay ang batang babae.
BINABASA MO ANG
The Player's Game
FanfictionHindi siya marunong magseryoso. Mahilig siyang maglaro. Wala siyang kinatatakutan. Handa siyang sumugal. Walang siyang binibigyan ng importansya. At magaling siyang magpaikot. Handa ka bang maging laruan para makapasok sa mundo niya? Sa puso niya?