Alex's POV
"Ahhhh!" Sigaw ko. Peste, masakit!
"That's not how you do it, woman!" Bulyaw naman sa akin ni Ashton. Kinuha niya sa akin ang sandok at siya ang nagpatuloy sa paggisa.
Ang itsura namin ngayon, ako yung nasa harap ng kalan, si Ashton naman parang nakayakap na sa akin sa likod. Siya may gusto niyan, hindi ako, para daw maalalayan ko siya.
Pinatay ni Ashton ang apoy at saka umupo sa hapag kainan.
"Pa-deliver nalang tayo.. I can't cook but I'm hella hungry," frustrated niyang sabi.
*Dingdong*
Agad kong pinagbuksan yung nagdoorbell.
"Here's your delivery, Maam," ngumiti ako at inabot sa kanya ang bayad.
Alam ko kasing mangyayari ang bagay na to kaya nagpadeliver na ko kanina.
Inilapag ko ito sa mesa at kumunot naman ang noo ni Ashton.
"Pizza? Fries? Lasagna?"
Anong masama sa inorder ko?
"You think I can eat them?" Ah! Oo nga pala, hirap siyang lumulon. Inabot ko sa kanya yung side dishes at soup. Naiinis siya, alam ko naman yun.
Hindi na siya nagsalita at nagsimulang higupin yung soup niya.
Agad akong nagpakasasa sa pizza at lasagna. Yum! Ang sarap talaga!
--------
"Ashton, maligo ka nalang kaya, kahit yung mabilisan lang, may hot water naman dun sa bathroom," suggest ko sa kanya. Isa kasi yun sa mga nabasa ko sa Google kung anong gagawin kapag may lagnat ang isang tao.
Napainom ko na siya ng gamot. Kailangan niyang mabasa ng tubig para naman marefresh ang katawan niya at maging komportable siya.
"I'll try, I feel dizzy right now," saad niya.
Inihanda ko naman yung mga gagamitin niya.
Pumasok na siya sa banyo.
Ay ang tanga, lakas ng loob kong papaliguin siya eh wala naman pala siyang damit dito.
Paano na to? Di ko naman siya pwedeng iwan, baka kung ano pang mangyari sa kanya.
Sino ba pwede kong utusan? Obviously, hindi ako pwedeng humingi ng tulong sa Mirroar, mga malisyoso't malisyosa sila.
Errr. No choice.
Hinanap ko yung number niya sa pinaka-ilalim ng call logs ko. Isasave ko nalang number niya next time.
Sa ikaapat na ring, sinagot na niya. Peste, ang tagal sumagot.
"H-hello!"
"Hoy panget, diba may atraso ka pa sakin?" Tanong ko. Wag niyang idedeny, sisipain ko siya. Naalala niyo pa ba nung nilait-lait ako ng panget na yan? Yun yon. Hindi man lang nagsorry. Tsk.
"D-diba, nagsorry na ko? Galit ka pa rin ba?" Sinasabi ko na nga ba, idedeny niya talaga e!
"Oo, galit parin ako," saad ko.
"Anong gagaw--" I cut him off. Yun lang naman ang hinihintay ko e.
"Bumili ka ng damit panlalake, pambaba at pangtaas, bumili ka rin ng bri- ehem - underwear.." Natahimik naman ang kabilang linya.
"Teka, di mo naman ako pinatapos, di naman yun ang sasabihin ko," kalmado niyang sabi.
"Ah basta, bumili ka," sabi ko.
"HOY ANO NA?!" Sigaw ko. Tae, bagal talaga.
"A-ah, oo, sige, bibili ako." Agad ko nang pinutol ang tawag.
Kinatok ko si Ashton.
"Ashton, sandali lang, naghahanap pa ko ng pamalit mo." Isang maikling tugon lang ang natanggap ko sa kanya.
Fino-flood ko na si Panget sa text. Dalian niya naman! Turtle!
After 10 minutes, may nagdoorbell na. Hay salamat naman.
"78 new messages from you.." Salubong niya sa akin pagkabukas ko ng pinto.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at hinablot ko na ang mga dala niya. Wow, yaman, Calvin Klein.
Pagbukas ko ng kwarto ni Ashton, nagulat ako at tinapon sa mukha niya yung paperbag at agad kong isinara ang pinto.
Nakatwalya lang siya at half naked habang tumutulo pa yung tubig sa buhok at mukha niya. Jusko.
"M-magbihis ka na, call me when you're done."
Tiningnan naman ako ni Panget. Bakit andito pa siya?
"Wala kang balak lumayas?" Tanong ko.
"Nagpapatuloy ka ng lalake sa condo mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ikaw nga, pinatuloy ko, si Ashton pa kaya?" Yumuko naman siya then he murmured something.
"Ano?" Tanong ko. Tumingin siya uli sa akin at inilahad ang kamay niya.
"Bayad mo." Nakangiti niyang sabi. Tsk. Yun lang pala. Lumapit ako sa kanya at inabot yung pera pero may naamoy akong kakaiba.
Mas lumapit ako sa kanya at inamoy-amoy siya kahit nakakadiri yang mukha niya. Pamilyar ang amoy niya..
Armani..
Pabango ni Stephen Sandoval...
BINABASA MO ANG
The Player's Game
FanfictionHindi siya marunong magseryoso. Mahilig siyang maglaro. Wala siyang kinatatakutan. Handa siyang sumugal. Walang siyang binibigyan ng importansya. At magaling siyang magpaikot. Handa ka bang maging laruan para makapasok sa mundo niya? Sa puso niya?