Alex’s POV
Nanghina ako dahil sa pinapanood ko ngayon. Dahil nga likas na matigas ang ulo ko, tiningnan ko ang laman ng flashdrive na pinagdidiskitahan ni Dos.
At sa di inaasahang pagkakataon, nakita ko ang isang video file. Matthew Greene o Paulo Monteverde. Kung ano man ang pangalan niya, siya ang nakababatang kapatid ni Ashton. Oo nakababata, tangina mo Stephen, 15 years old pa lang siya for Pete’s sake!
Sa video na to, ang saya-saya nilang dalawa. Nag-aasaran, nagkukulitan.
What have I done? Bakit ba ko naniwala agad kay Stephen?
Shit. Shit. Shit.
Bata yun! Tangina naman!
Hindi ko alam anong gagawin ko kung may mangyaring masama dun sa bata.
--------
Papasok na sana ako sa school pero nakita ko si Ashton. Parang natigil saglit ang paghinga ko ng tumingin siya sa akin. Nanlalamig ako at pinagpapawisan.
Naglakad siya papunta sa akin at umaatras naman ako. Ayoko. Kinakabahan at natatakot ako sa pwede niyang sabihin.
“Alex..” Parang nadudurog ang buong pagkatao ko dahil sa boses niya. At lumala ito dahil sa biglang pagyakap niya sa akin. Hindi ko siya magawang hawakan at yakapin pabalik.
“I feel better.” Sabi niya at saka kumalas sa pagkakayakap sa akin.
“M-may nangyari b-ba?” Nauutal kong tanong. Alam kong may mali, pero sana hindi tama ang iniisip ko. Sa unang pagkakataon, nakita kong may tumulong luha galing sa mata ng isang lalakeng inaakala kong manhid at masungit.
“My brother.. is in comatose for an unknown reason.” At doon na nanghina ang tuhod ko. Napaupo ako.
Shit. Nagiging katulad na ba ako ng mga taong kinamumuhian ko?
“What’s wrong?” He managed to ask me. Everything, Ashton. Everything’s wrong.
Dahan dahan akong tumayo at hinarap si Ashton. Hinawakan ko ang magkabilang-pisngi niya, “I’m s-sorry, I didn’t know. Sorry.”
Tumakbo ako sa Ladies Room at doon na ako humagulhol. Anong gagawin ko? Wala akong pakialam kung may makarinig man sa akin. Ngayon lang ako nanghina ng ganito.
*knock knock*
“Alex..” Boses ng isang babae.
“Hindi ko man alam ang nangyari, pero nandito lang ako ah?” Si Karen.
Hindi ko na kaya. Binuksan ko yung pinto at niyakap siya. Ayaw na ayaw kong may nakakakita sa akin sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob. But this time, I don’t care.
Nandun lang kami, tahimik. I’m hugging her and she’s patting my back. Hindi siya nagtatanong ng kahit ano. Umiiyak lang ako sa kanya.
Hindi ko inakalang siya pa ang gagawa ng ganitong bagay para sa akin. At ngayon mas naiyak ako.
Dahil alam kong dadating ang araw na kamumuhian din nila ako. Silang pito..
-----
Karen’s POV
Kanina pa umiiyak si Alex. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko para mapatahan siya. Kaya tumahimik nalang ako at nakinig sa bawat hikbi niya.
She’s in so much pain. I know.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako sa mata.
Sorry kung hindi ko siya maprotektahan ng maayos.
Yan nalang ang nasabi ko sa utak ko.
Her eyes. There’s so much pain, anger and guilt.
“Sorry, sorry,” sabi niya sa akin. I wiped her tears kahit parang naghalo na ang sipon at luha niya. Medyo nakakadiri ah. Shh lang kayo, wag niyong ipagsasabi yung sinabi ko, lagot kayo sa kin.
Hinawakan niya ang kamay ko at tumakbo na siya palabas ng CR. Sinundan ko naman siya agad. Natatakot ako sa pwede niyang gawin. Baka ikapahamak niya pa.
Lalo pa’t naging kulay asul ang mga mata niya.
Nakarating kami sa classroom at tama nga ang hinala ko.
Pinuntahan niya sa upuan si Stephen at may inilapag na flashdrive. Tiningnan siya nito ng seryoso. Unang beses kong nakitang ganito ka seryoso si Stephen.
Kinwelyuhan ni Alex si Stephen. Jusko, di man lang natinag? Mas matangkad po ng daang-daang sentimetro si Stephen kumpara kay Alex.
Napahinto ang lahat dahil sa pagsuntok ni Alex kay Stephen. Sobrang lakas. Hindi mo aakalaing isang babae ang may gawa ng suntok na yun.
“Putangina mo, kulang pa yan.”
Lalapitan ko na sana siya dahil nakita kong unti-unting bumabalik ang kulay sa mga mata ni Alex, this time, it’s becoming violet, pero naunahan na ako.
Lumapit sa kanya si Basty at tinakpan nito ang dalawang mata ni Alex.
“Tama na.” Sabi niya bago sila tuluyang lumabas ng classroom. Naiwang nakatayo si Stephen at duguan ang labi. He smirked. Tumingin siya sa akin.
Then my world, stopped.
------
Alex’s POV
Hinayaan kong ilabas ako ni Basty sa classroom na yun. Kinakain ako ng galit ko.
Ngayon lang ako naging thankful dahil sa ginawa ni Basty para sa akin. Ramdam ko ang sobra-sobrang galit sa loob ko. Kaya alam kong nagiging asul nanaman ang mga mata ko.
Huminto kami sa garden at umupo.
“Dito na muna tayo pansamantala,” sabi niya.
Iniisip ko si Ashton. Hindi ko siya magawang harapin dahil sa nangyari.
Pakiramdam ko, napakasama kong tao.
“Ano bang nangyari?” Tanong niya. Lakas ng loob netong magtanong ah.
“Stephen. He almost made me kill a kid.” Puno ng galit ang boses ko.
Nakita kong naikuyom niya ang kanyang kamao. But his expression softened. He smiled.
“Dito ka na muna..” At saka siya tumayo.
“May aayusin lang ako..”
BINABASA MO ANG
The Player's Game
FanfictionHindi siya marunong magseryoso. Mahilig siyang maglaro. Wala siyang kinatatakutan. Handa siyang sumugal. Walang siyang binibigyan ng importansya. At magaling siyang magpaikot. Handa ka bang maging laruan para makapasok sa mundo niya? Sa puso niya?