Alex's POV
Anong ginagawa nito dito? Ang sakit na nga ng ulo ko dahil dun sa dalawa, may plano pa yata siyang dumagdag.
"No need," sabi ko sabay hila dun sa dalawang lalakeng kasama ko.
"Seems like you're busy, huh."
At dahil nga kasama ko tong dalawang to, sila na ang sumagot.
"Oo, wag kang epal."
Ashton, I'm expecting so much from you.Hindi ko inakalang papatulan mo ang mga kalokohan ni V. -.-
Another side of Ashton Greene.
"Ano kayang pwede kong gawin para makasama ka?" Sabi ni Seb na para bang nag-iisip. Parang lang dahil wala naman siyang utak.
"The least you can do now Seb is to leave." Saad ko. Ayokong masira ang araw ko dahil lang sa kanya. Kahit naman bangayan ng bangayan sina Ashton at Kuya, I'm having fun.
Bakit ba laging sumusulpot tong gagong to sa tuwing masaya ako? Panira.
"You know what I'm capable of doing, Alexandra."
Pusanggala naman talaga.
Kusang humiwalay si V sa pagkakahawak ko at hinila si Ashton.
"Ashton babe, let's have a date nalang ha? Be nice to me, I love you." Kung hindi lang ako badtrip dahil kay Sebastian, baka mamatay na ko kakatawa sa sinabi ni V. Inakbayan niya si Ashton at parang hahalikan niya ito.
"Argh! Let go of me! Shit dude! I didn't know you're gay!" Sigaw naman ni Ashton. Lumingon ako sa kanila.
"Thank you for today guys, take care, lalo ka na Kuya." Then I smiled.
"What about me? Bakit kailangan angat si-- sino ka nga?" Pahabol ni Ashton pero tinakpan na ni V ang bibig niya at bago sila tuluyang makaalis, bumanat pa si V.
"Ay babe, tampururot na ako, ako si Victoria, di mo maalala?" Sabi ni V na gamit ang beki voice niya. Jusko. Maloloka ako.
[A/N: Ngayon lang to. Please play the video at the side para mafeel niyo yung scene.]
"So I guess, I can have you now?" Nakalimutan kong may kaharap nga pala akong unggoy.
"Ano ba problema mo?" Singhal ko.
"Just wanna hangout with you." Hangout? Gago ba to? Matapos nung ginawa niya sa akin nung isang araw, hangout? Tadyakan kita dyanj ne!
"Let's go to your place." Sabi niya at nauna nang maglakad. Sa condo ko? Anak ng! Dapat pala napabasbasan ko muna yun para masunog agad yang si Sebastian!
Tahimik lang kami sa buong biyahe. Pero ramdam ko ang maya't mayang pagsulyap sa akin ni Seb.
Ay jusko, baka nag-aassume nanaman ako.
Nakarating na kami sa parking lot at nagulat ako ng makitang may dala-dalang isang case ng beer si Seb. Anong balak nito? Lasingin ako? Well, sad to say, mataas ang alcohol tolerance ko.
Nakapasok na kami sa pad ko at agad akong umupo sa sofa.
"Kung ano man yang binabalak mo, wag mo nang ituloy."
Hindi niya ako pinansin at inilapag yung mga beer sa glass table ko. Hoy! Baka mabasag yan! Mukha mo ipapalit ko dyan ungas ka!
Pumunta siya sa ref KO. Buti nalang at walang laman yan.
Pero nagtaka ako ng makitang ang daming chichirya sa loob nito.
"I went here a while ago, I brought these. So technically speaking, these are mine." Aba, naunahan niya ako dun ah. Dala-dala ang mga chichirya NIYA, umupo siya sa sahig at nagsimulang uminom.
Parang napapadalas yata ang pag-inom ko a.
Pero dahil nga naiinis ako sa kanya, uminom na rin ako.
"Bakit ka ba nandito? Ano ba talagang kailangan mo?" Tanong ko. Imposible naman kasing walang sadya yan sa akin. Panigurado, may ipapagawa nanaman siyang kung anu-ano sa akin.
"Do I need to have a reason?" Malamang! Ano yun? Bigla ka nalang mapapadpad ka nalang sa teritoryo ko ng ganun-ganun nalang? Ayos ka rin e noh?
"Fine, I just.." Binibitin ako mga tsong.
"..just want to hear you speak.."
Anebe. =____= Pigilan niyo ko at baka masakal ko to. Anong klaseng rason yun, aber? Anak ng pating naman!
Hindi na ako nagtanong at baka kung ano nanamang masabi niya.
Katahimikan.
Awkward.
Bakit kamo? Nakatitig siya sa akin. -.-
Inom lang ako ng inom.
Hala! Lumilindol nanaman!
Pari rin pala si Seb may kakambal? Pareho sila ni Panget! Astiiiiig!~
Hindi parin inaalis ni Seb ang tingin niya sa akin.
"Hoooy! *hik* Ba't ka nakatingin?"
Ngumiti siya. As in yung genuine type of smile. Hindi mala-demonyo.
"May himala! Nakangiting tao ka!" Bulalas ko.
At saka siya tumawa. Tawang malakas. Tawang tao. 0.0? Sinasapian kaya to?
"You never changed, Alex."
"Ikaw din, hindi, demonski ka parin." Demonski nalang para di siya mahurt. Mwehehe. Ayoko siyang awayin sa harap ng kakambal niya.
------
Third Person's POVLasing na si Alex at alam ito ni Sebastian.
Sinamantala ito ng binata upang mas matitigan ng husto si Alex.
"Alex.. I'm sorry for all the trouble."
Malalalim na hininga ang pinapakawalan niya.
Nakapikit na ang dalaga at mukhang nakatulog na.
"About your question.. I want to hear you speak. I want to hear Alexandra Go's normal voice. Hindi yung nakasigaw, puno ng galit at hinanakit."
Natawa ang binata at isang patak ng luha ang lumabas mula sa kanyang mata.
Agad niya rin itong pinunasan.
"Baka kasi.."
Suminghot siya. Kadiri, uhuging bata.
"Baka kasi hindi ko na ulit marinig yon."
Tumingin ang binata sa mukha ng dalaga.
"Don't worry.."
Inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ng dalaga at bumulong.
"Sa labang 'to, hindi ko hahayaang mangyari ang mga bagay na inaalala mo."
Hinalikan niya ang dalaga. Sa noo. Wag kayong ano. Tatamaan kayo sa kin.
"Hangga't kaya ko, Alex.." Pagpapatuloy ng binata.
"You might hate me after this..."
Hinawakan ni Seb ang kamay ni Alex.
"Pero magsisimula pa lang ang lahat, Alex."
"Magsisimula pa lang."
-----
Author's NoteHANUDAW?! Thanks for reading.
xxThea
BINABASA MO ANG
The Player's Game
FanfictionHindi siya marunong magseryoso. Mahilig siyang maglaro. Wala siyang kinatatakutan. Handa siyang sumugal. Walang siyang binibigyan ng importansya. At magaling siyang magpaikot. Handa ka bang maging laruan para makapasok sa mundo niya? Sa puso niya?