Alex's POV
"Good morning, class. Magkakaroon kayo ng bagong kaklase,"
Bagong kaklase? Sana lang eh may itsura yan ah.
"H-hello, I'm Basty Lopez, 18 years old, nice meeting you all."
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko kung sino yung new student na sinasabi ni Ms. Montes.
Naghiyawan ang mga kaklase ko at panay ang puna nila kay panget.
"Ew, maraming pimples!"
"Yuck! Nerd!"
"Kadiri, di ko yan lalapitan baka mahawa pa ko sa itsura niya!"
"Class! Ano ba? Igalang niyo naman si Basty!"
Tiningnan ni Ms. Montes ang buong klase na tila ba may hinahanap.
Gusto kong magmura ng ituro niya ang upuan na nasa tabi ko, kung hindi ko lang iginagalang tong teacher nato, nakooo baka na sigawan ko na siya. =___=
"Basty, doon ka nalang umupo sa tabi Alex,"
Napatingin naman sa akin si Panget at kumaway-kaway, "Hello, Alex!"
Napasinghap naman ako at tumingin sa ibang direksyon. Lecheng panget to, pinapahiya ako! ╰_╯
"Alex, magkakilala na pala kayo ni Basty? Great! Pakisamahan nalang siya mamaya na libutin ang buong school, okay?"
Hindi na ako nakapagprotesta dahil binigyan ako ni Ms. Montes ng tingin na nagsasabing, 'Umo-o ka nalang kung hindi...'
Hindi ko namalayang naka upo na si Panget sa tabi ko.
"It's nice meeting you again, Alex! ^__^"
Napa irap nalang ako, "The feeling is not mutual."
Ang tagal namang maglunch break. Sukang suka na ko sa mukha nitong panget na to!
11: 46 a.m
Ang bagal naman ng oras!
11: 50 a.m
Wala na bang mas ibabagal yan?
"Class, bilang assignment ko sa inyo, kailangan niyong magpasa ng scrapbook tungkol sa napag-aralan natin simula Lesson 1 hanggang Lesson 6, okay?
11:55 a.m
"Oh, by the way, that work is by pair. Eto na ang pairing niyo,"
11: 58 a.m
"Abi and Kiara, Jane and Philip, Casy and Edward,"
11:59 a.m
Yes, isang minuto nalang.
"Peter and Candy, GD and Karen, Alex and Basty"
12:00 p.m
"Okay, class dismiss."
May project kami. By pair. Ako. Si Panget. Kami ang pair.
ANAK KA NAMAN NG
AFSKSKSSJDKSSKJDS!
Paano siya makakapag summarize? Eh kakapasok niya pa lang?!
"Uy, partner daw tayo, ^__^"
"MAG-ISA KA!"
Alam kong ako lang ang gagawa niyan sa bandang huli.
At dahil galit na galit ako, di ko na napigilang sumigaw, nagtinginan naman sakin ang mga kaklase ko, pati na si panget na nakatanga lang. =___=
BINABASA MO ANG
The Player's Game
FanfictionHindi siya marunong magseryoso. Mahilig siyang maglaro. Wala siyang kinatatakutan. Handa siyang sumugal. Walang siyang binibigyan ng importansya. At magaling siyang magpaikot. Handa ka bang maging laruan para makapasok sa mundo niya? Sa puso niya?