Chappy 19 ~ Confession and Confusions

133 4 3
                                    

Third Person's POV

Pagod na pagod ang katawan ni Alex. Hindi niya alam kung bakit. Nagsimula ito 3 days ago, noong nakaharap niya sina Sebastian. Pero wala siyang maalala tungkol sa mga Sandoval. Pati ang buong pagkatao ni Sebastian ay hindi niya maalala. Ang naaalala niya lang ay ang pagsasama nila ni Sebastian noong mga bata palang sila. Naglalaro sila sa ilalim ng puno na malapit sa isang lighthouse. Yan ang kaisa-isang pangyayaring may kinalaman kay Seb na paulit-ulit sa utak niya. Bukod diyan ay wala na siyang alam sa mga Sandoval.

Tatlong araw na rin siyang di pumapasok. Pinilit niyang bumangon at maligo. Kailangan niya nang maka-catch up sa lessons, after all, studyante parin naman siya.

Mabilis ang pagpapatakbo niya sa sasakyan at hindi niya namalayang may tumatawid palang aso at nabangga niya ito. Bumaba siya ng sasakyan at nakita ang duguang aso na halos labas na ang utak at iba pang lamang loob. Pero wala siyang naramdaman na kahit ano. Walang pandidiri, walang pagka-awa, walang pagka-konsensya.

Bumalik siya sa kanyang sasakyan at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Pagkarating niya sa eskwelahan ay sinalubong siya ni Basty.

"Alex, s-sorry sa nasabi ko last time," ani nito habang nakayuko.

"Walang akong pakialam," nagpatuloy sa paglalakad ang babae at palihim siyang sinusundan ni Basty.

Eto ba ang epekto noon sa kanya?

What have I done?

Tanong ng binata sa sarili. Hindi siya mapakali kaya hinarap niya ang dalaga at nagsalita, "Ayos ka lang ba? Hindi ko sinasadya, Alex, sorry, patawarin mo ko, hindi ko alam na magkakaganito ka." Nilingon siya ni Alex, "Ano bang sinasabi mo? I'm fine."

"Pwede ba kitang samahan buong araw?"

Hindi inaasahan ng binata ang sagot ni Alex. "Do whatever you want, I don't give a damn."

Sinamahan nga ni Basty si Alex. Naninibago siya sa babae. Hindi ito gaanong masungit at mataray. Tahimik rin ito.

Nakasalubong nila si Ella. Nakita niya ang galit sa mga mata ng dalaga. Anong nangyayari sa babaeng kasama niya? Maraming tanong ang bumabagabag kay Basty.

"Oh hi, Alex! Ba't may kasama kang freak? No wonder nagiging basura ka na rin," pang-aasar ni Ella. Hindi pinansin ni Basty ang pintas ng babae sa kanya. Nakatuon ang kanyang pansin sa magiging reaksyon ng babae.

"Aww, napapaligiran ka na ng maraming basura, kagaya ng nanay at tatay mo, kaya masyado ka nang mabaho eh," pagtataray ulit ni Ella.

"Matagal na kong nagtitimpi sayo, Ella," sambit nito at nagulat si Basty sa pagsampal at pagsuntok ni Alex kay Ella. Tumalikod si Alex.

"HOW DARE YOU!"

"Masyado kang pasikat, lumabas ka ng Earth at palitan mo nalang yung araw." Naglakad na ito palayo at sinundan naman siya ni Basty.

"Ba't mo ginawa yun?" Tanong niya ng may pag-aalala. Alam niyang marunong kumontrol sa emosyon ang babae at hindi niya inaasahan ang ginawa ni Alex.

Blanko ang kanyang mga mata. Walang ka-emo-emosyon.

"She provoked me. She deserves it."

Nagpatuloy siya sa paglalakad.

Pagkatapos ng klase, ay inihatid ni Basty si Alex sa condo nito.

"Alex, ihahatid na kita."

"Bahala ka."

Napakalamig ng boses ng babae. Nakakapangilabot.

~~~~

The Player's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon