Chapter 45 - The Beginning

61 2 0
                                    

Alex's POV

Nagising ako sa tabi ni Ashton. Last night was very unforgettable. May video rin ako sa mga pinaggagagawa niya kagabi.

Napangiti ako ng makita kong hindi parin pala siya nagpapalit ng damit at nakapangbabae parin siya.

Nakarinig ako ng kaluskos sa baba at boses ng mga lalake.

Ingat na ingat akong bumangon para hindi magising si Ashton.

Pagbaba ko, mga tauhan ni Stephen ang tumambad sa akin.

"Go, nasan si Ashton? Alam naming nandito siya, ilabas mo siya." Sabi nung isang lalake.

Hindi ako nakapagsalita. Kinakabahan ako. Ito na nga ba ang kinatatakutan kong mangyari eh. Inilabas nung lalake ang cellphone niya at ipinakita sa akin ang isang video.

Video ni V.. habang binubugbog ni Stephen..

Shit. Shit.

Agad kong nilapitan yung may hawak ng cellphone at kinwelyuhan siya, kahit mas matangkad siya, wala akong pakialam.

"WHAT THE FUCK DID YOU DO TO VINCE?" Ngumisi siya ng nakakaloko at tinulak ako palayo sa kanya.

"Mas malala pa diyan ang mangyayari kung hindi mo ilalabas si Ashton."

"Alex.. what's happening?" Napalingon ako sa nagsalita at bumungad sa akin si Ashton habang kinukusot-kusot pa ang mata niya. Oh God!

Agad ko siyang pinuntahan at niyakap ng mahigpit. Niyakap niya rin ako pabalik. He yawned. Blessing in disguise narin pala ang pagdadamit babae ni Ashton.

"Ashton, please act like a scared girl, please. Ngayon lang, do this for me and for your self." Bulong ko sa kanya. Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

"Even if I can knock them all down, I'll act like a weakling because you asked me to." Bulong niya rin sa akin. Niyakap ko pa siya at hinalikan ko siya ng patago sa pisngi. Hinarap ko na ang mga tauhan ni Stephen at lahat sila... NGANGA..

Iba talaga ang karisma ni Ashton.

"Kayo, halughugin niyo ang buong bahay kung gusto niyo, pero wag na wag niyong idadamay ang kaibigan ko."

Natauhan naman sila.

"Hindi mo magugustuhan ang mangyayari kay Vince kapag nalaman naming itinatago mo si Ashton. Malilintikan ka rin sa min."

Saka nila nilibot ang buong bahay.

Nanatili lang si Ashton sa tabi ko habang hawak-hawak niya ang kamay ko. Kailangan kong kayanin kung ano man ang maging kinalabasan nito sa huli.

Nang wala silang makita, nilapitan ako nung lalake kanina.

"Sumama ka sa min, Go." Humigpit ang paghawak ni Ashton sa kamay ko.

"Ayoko." Matigas kong sabi. Ngumisi siya sa akin ng nang-aasar.

"Wala ka na ba talagang konsensya, Go? Pagkatapos mong lasunin yung kapatid ni Ashton, ngayon naman hahayaan mong mamatay sa si Vince? Grabe, pahingi nga niyang kakapalan ng mukha mo."

Unti-unting inalis ni Ashton ang kamay niya sa kamay ko at narinig kong napaatras siya dahil sa heels na suot niya.

Ashton...

"Tama na. Ano pa bang gusto niyo? Sinabi ko namang hindi ko alam kung nasaan si Ashton, diba?"

Mas lumawak ang ngiti nung lalake at itinuro si Ashton. Agad kong tinakpan si Ashton ng katawan ko pero lumayo siya sa akin. Tiningnan ko siya.

Galit. Yan lang ang emosyong malinaw kong nakikita sa mga mata niya.

"Kung hindi dahil sa tattoo niyang kaibigan mo, hindi ko malalamang siya si Ashton Greene."

Doon ko napansin ang tattoo niyang pulang heart na may itim na butterfly sa loob na nakalagay sa bandang likod niya.

Tinanggal ni Ashton ang wig niya, pati narin yung heels na suot niya at winasak niya ang dress na suot niya. Nakacargo shorts naman siya pero wala siyang pang-itaas. Binura niya rin yung make-up na nasa mukha niya.

"Wait me here." Pumasok siya sa kwarto at paglabas niya, naka-polo na siya pero bukas ang lahat ng butones nito.

Lumapit siya sa akin.

"Get out of my way." Nang hindi ako gumalaw, siya na mismo ang humila sa akin. Yung pagkakahawak niya, punong-puno ng galit at lakas.

Sinuntok niya yung lalakeng nagsalita kanina. With just a blink, sinugod siya nung iba pang tauhan ni Stephen at pinagtulungan.

Isinantabi ko muna ang pag-iyak at ang panghihina ko at tinulungan si Ashton. Pero nanlumo ako sa narinig ko sa kanya.

"Alis. Ayaw kitang makita."

Saka siya ulit nakipagsuntukan.

Parang kahapon lang.. ang saya pa namin.

Look at us now. Hahaha! Nakakagago no?! Bakit ba kami pinaglalaruan ng ganito?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak.

Fck it. I'm just sitting here, watching him get bruised. Pure bullshit. Hindi ko siya magawang lapitan.

Akala ko ayos na e. Akala ko lang pala.

Nakaamoy ako ng isang klase ng kemikal at unti-unting lumalabo ang paningin ko.

Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay, nakita kong lumingon sa akin si Ashton.

Gumuho ang mundo ko ng talikuran niya lang ako.

Hindi niya ako pinansin...

Yung Ashton na nakasama ko kagabi.. wala na..

Isa siyang nakakatakot na nilalang sa paningin ko ngayon.

Pero mas natatakot ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung anong pwede kong gawin kapag nagkaharap kami ni Stephen..

Baka mapatay ko siya..

Then everything went black.

------

Kahit nanlalabo pa ang paningin ko dahil sa pagkaka-idlip, kitang-kita ko ang nangyayari ngayon..

Naghalo-halo na ang emosyon ko nang makita ng dalawang mata ko kung paano bumagsak si V sa sahig.

..na punong-puno ng dugo ang mukha..

The Player's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon