Chappy 25 ~ Jealousy (?)

106 3 0
                                    

Alex's POV

Bwiset. Anak ng afsmsksmdvaj talaga yang si Ryan! Hindi na nagbago ang bugok!

Pero bukod sa kagaguhan niya kanina, may isa pa kong inaalala.
Kanina pa ko hindi mapakali. Paikot-ikot ako dito sa hotel room namin ni V. Paano ba naman kasi, hindi ko siya mahagilap simula kaninang umaga.

Amfufu naman eh, dapat kasi di ko iniwan mag-isa dito yung unggoy na yun. Pati phone niya nakapatay.

Anak ng tipaklong naman! It's already 10 pm for Pete's sake! Oo na! Ako na parang nanay sa ginagawa ko! Malay mo diba, baka mamaya nawawala pala siya sa daan? Pano pag may nakapulot na sindikato dun?!

Ay boploks, Alex, nasa Hongkong ka, wala ka sa Pilipinas. -..-

Oo na ulit, ako na praning.

Bumukas ang pinto at iniluwa si V.

"Hoy Kuya! San ka ba galing?! Ni hindi ka man lang nagpasabi na lalabas ka!"

Tiningnan niya lang ako at dumiretso sa banyo. Aba.. dinedma ako?

Umupo nalang ako sa couch at hinintay siyang lumabas.

Lumabas siyang topless, basa ang buhok pero nakapants. Kitang-kita ko ang sugat niya sa tagiliran. Hindi pa pala ito magaling. Kumuha siya ng t-shirt at nagbihis.

Naglakad siya papunta sa pinto. Teka, aalis nanaman siya?

"Oy, V, aalis ka na naman? Ang busy mo yata ngayong araw?"

Lumingon siya sa akin at nakangiti ng nakakaloko.

"Ask that to yourself." Tuluyan na siyang lumabas. Ano? Medyo di ko nakuha ah. Di naman ako aalis. Pero busy nga ako ngayong araw, busy sa paghahanap sa kanya! Sang lupalop ng mundo ba siya nagtago?

Sinundan ko naman siya agad. Sa pool area siya huminto. Wala nang tao, buti di nila naisipang maglate night party. Lalapitan ko na sana siya nang may lumapit sa kanyang babaeng nakapula. Well, she looks decent naman. Hindi siya yung tipo ng babae na ipinagyayabang ang cleavage.

"Hi Vince!" Napatingin naman sa kanya si V. Ngumiti siya sa babae. Pero dahil ang posisyon ng pagkakaupo ni V ay nakaharap sa akin, ayun nakita niya ako. No reaction nanaman siya at binalikan ng tingin yung babae.

"Hey babe!" Tumayo siya at ipinulupot yung kamay niya sa bewang ni Red Girl. Nagulat yung babae sa ginawa niya. Parang late yata yung greetings ni V? May ibinulong siya doon sa babae. Inilapit niya ang pagmumukha niya kay Red Girl at inamoy-amoy ang leeg nito. Tumingin ulit sa akin si V.

"You smell so damn good, babe.."

Akmang hahalikan niya sa Red Girl ng hindi ko na talaga kayanin ang eksena at bumalik na ko sa hotel room namin.

Walang hiya! Sabi ko, gusto kong mag unwind, kaya nga kami pumunta dito sa Hongkong, diba?! Pero yung kuya kong ulupong, ayun! Sakit sa ulo! Ang landi! Buti pa ko, stick-to-one! Kay Ashton lang ako no! Future ko yun eh! Ahehehe, good girl na ko ngayon, wala na kong ka fling-fling chorva. Bagong buhay ako para kay Future eh.

Balik tayo kay V. Tinapa naman oo! Can't he be a good example to me?! Iniimpluwensiyahan pa niya ko gumawa ng kalaswaan eh! Titigan daw ba ako habang nilalandi niya yung babae! Ew ha.

Matutulog na nga lang ako. Hala, baka kung anu-ano mapanaginipan ko nito. Antae naman.

V's POV

"Alyana, I'm sorry ha.." ngumiti siya.

"It's alright, you're Jimin's friend after all." Ang swerte ni Pandak dito sa 'girlfriend' niya. Akalain niyo yun? May papatol pa pala sa kanya? Ipinakilala niya sa amin si Alyana kanina at lahat kami ay parang nabuhusan ng malamig na tubig sa mukha. Ang ganda niya kaya! Masyadong maganda para sa itsura ni Liit.

The Player's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon