Alex's POV
"What the hell are you doing, Alexandra?" Galit na tanong sa kin Sebastian.
Hindi ko siya sinagot. I don't owe him any explanation.
Naalala ko lang si Ashton. I smiled at the thought.
--Flashback--
"I don't want to do it, Ashton."
Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.
"Pero kaya kong manatili sa tabi mo kung gusto mo."
He gave me clueless look.
"I want to enter your world, Ashton. I want to be part of it."
I can see the hesitation on his face. I knew this would happen.
Ngumiti ako at tumayo.
"Sige, mauuna na ako. Take care."
Maglalakad na sana ako palayo ng magsalita siya.
"Stay next to me."
I smiled. Kinuha ko yung latte na natitira. Sayang eh.
"I will. And I will make sure the next time you ask me to be your girl, it's for real."
At saka ako tumakbo palabas. Syempre, nahihiya ako dun sa sinabi ko kahit papano.
--End of Flashback--
Buset. Ang ganda na sana ng mood ko! Kilig to the bones na sana ako, pero umepal pa tong shokoy na to!
Naging seryoso na ako ng magsimula siyang magsalita.
"He's still young. You don't want him to disappear that early, right?" Nakakaloko niyang sabi.
Ano? Ipapapatay nila yung tao? Nothing's new. Yun ngang fiancee ng isa nilang tauhan, pinapatay ng tatay niyang demonyo. Gusto nila, buong buhay ng mga tauhan nila, umiikot lang sa mafia.
Hindi na ako magugulat kung isang araw, bumulagta nalang ako sa tabi-tabi at maliligo sa sarili kong dugo.
"Alex, let me remind you--" I cut him off. Ayaw kong makinig sa mga sasabihin niya.
"Remind me of what, Seb? Remind me of how miserable my life is? How you can make me do whatever you tell me to do? How I look so pathetic and helpless infront of you? No need, Sebastian. Dahil sa araw-araw na nabubuhay ako, para akong sinusunog sa impyerno. You made my life a living hell!"
Nagpupuyos na ako sa galit. How could he wear that bullshit blank expression on his face in this kind of situation? Hindi man lang ba siya nakonsensya?
Nakita ko ang sarili ko sa side mirror ng kotse.
Asul nanaman ang mga mata ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sinigaw-sigawan ko si Sebastian. I want to choke him to death!
"Why don't you just take my life?! Why do you have to go this far, Sebastian?"
Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat.
Nagising nalang ako isang araw at nalaman kong ganito pala ang buhay na kinasadlakan ko.
"Get out." Utos niya.
Bumaba siya ng sasakyan at hinila ako palabas. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan niya paalis.
Naiwan ako sa gilid ng kalye. Tulala.
BINABASA MO ANG
The Player's Game
FanfictionHindi siya marunong magseryoso. Mahilig siyang maglaro. Wala siyang kinatatakutan. Handa siyang sumugal. Walang siyang binibigyan ng importansya. At magaling siyang magpaikot. Handa ka bang maging laruan para makapasok sa mundo niya? Sa puso niya?