Chappy 12 ~ Loss of His Virginity

153 5 0
                                    

V's POV

Nagliligpit na ng gamit si Alex ng may naisip ako.

"Alex, may gagawin ka ba ngayon?"

"Wala naman, Kuya, bakit?"

Napangiti ako.

"Samahan mo ko,"

Tumingin siya  sa akin at nagsalita, "Sure! San tayo?"

Kinuha ko ang bag niya at ako na ang nagdala.

"Kuya! Give it back! Baka isipin nilang syota kita!"

Nginitian ko lang siya at dumiretso kami sa parking lot.

Nagmaneho ako ng mabilis. Excited na kasi ako.

"Kuya, anong meron? Ang bilis mo yata magmaneho?"

Tinitigan ko siya.

"H-hoy, Kuya! Mababangga tayo! Gusto ko pang mabuhay oy!"

Tinawanan ko siya at ibinalik ang tingin sa daan.

Nang makarating na kami, excited ako bumaba ang kotse at pinagbuksan si Alex, "Hoy, Alex! Andito na-" nakatulog pala siya.

Tinitigan ko siya habang natutulog. Ang payapa talaga ng mukha niya. Malayo sa mukhang ipinapakita niya kapag kaharap niya ang mga Sandoval. Mukhang maangas, matapang. Pero babae parin siya at mahina.

Napangiti ako. Naalala ko yung nangyari sa rooftop kanina. Halos maubusan ako ng hininga noong inilapit niya ang mukha niya sa kin. Ewan ko, bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko. Nakakabingi nga eh.

Napatingin ako sa labi niya. Ano kaya kung itinuloy niya yung gagawin niya kanina?

ANAK NG TUPA! ANO BANG INIISIP MO, VINCE?!

I shook my head in frustration. Pero hindi ko namalayan, unti-unti na palang lumalapit ang mukha ko sa mukha niya.

Napapikit ako at hinalikan siya ng mabilis sa ilong. Kinarga ko siya at naglakad ako.

Pagod siguro to. Hindi man lang nagising.

Nandito kami ngayon sa binili kong private resort sa Batangas.

Sorry, Alex, sorry, sana maintindihan mo ang gagawin ko..

*SPLASH*

"AFSMSKS! KUYA! LECHE KA!"

"AHAHAHAHAHA!"

Umahon siya sa tubig at nakasimangot.

*BOOGSH*

"ARAAAAAY!"

Sinabi ko bang mahina si Alex? Pwes, binawi ko na yun ngayon. LANGHIYA! ANG SAKIT MANAPAK!

"Well, that's what you get for throwing an unconscious person into the water."

Tatalikod na sana siya pero hindi ako nagpatalo at hinatak ko ang kamay niya. Hindi ko sinasadyang makatapak ng kung ano sa ilalim ng tubig na naging dahilan ng pagkatumba namin ni Alex.. Naitukod ko ang dalawa kong braso kaya hindi ako tuluyang lumubog sa tubig. Pero...

Hindi ako makagalaw.

Nanlaki ang mga mata niya.

Napako ang tingin ko sa mukha niya.

Gusto kong pumikit at ipagpatuloy ang halik na iyon.

Pero alam kong hindi pwede. Inilubog ko ang ulo ko sa tubig at naputol ang halik. Naramdaman ko ang pagpasok ng tubig sa bibig ko. Umahon din ako agad at mukha parin ni Alex ang nakita ko.

The Player's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon