Chapter 52 - His Return

115 7 0
                                    

Chapter 52

Ngiting-ngiti ang unggoy na nasa harap ko ngayon habang kumakain ng sandamakmak. Pinagtitinginan na nga kami dito sa McDo dahil sa katakawan niya.

Hindi ko alam kung paano niya nagagawang pagsabay-sabayin ang mga kinakain niya dyan sa bunganga niya.

Ang siba. -,-

"Hey, bakit di ka kumakain? Hindi mo man lang ba na miss ang  pagkain nila dito? Siguro nung wala ako, lagi kang kumakain nito, ano? Daya mo talaga." Sabi niya habang punong-puno ng pagkain ang bunganga niya.

Kanina pa ko badtrip sa ugok na to. Imbis na matuwa ako ng makita ko siya, napalitan lahat ng inis.

"Hindi na, kulang pa yan sayo. Kuntento na ko dito sa chicken fillet ko."

Nagpout pa siya. Take note, may laman bibig niya. Puno pa. Parang di kumain ng ilang daang taon tong lalakeng to a.

"Galit ka parin no? Sorry na, hindi ko na uulitin."

"ABA! TALAGANG HINDI NA!" Sigaw ko sa kanya at nabigla naman siya tapos tumawa. Abnormal. -,-

Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao.

"Sino ba namang matutuwa sa ginawa mo? Eh halos patayin mo na ko kanina! Gago!" Singhal ko sa kanya.

"Surprise nga diba? Para exciting, kailangan ng ganung scenes. Palibhasa hindi ka nanonood ng action films." Iwinagayway niya pa yung laruan niyang kutsilyo sa harap ko. Walanghiyang lalake talaga.

Hindi ko pa siya natatanong kung ano ba talagang nangyari. Buong akala ko, patay na siya. Hindi nga lang ako nakapunta sa burol at libing niya dahil pinagbawalan ako ni Karen.

Makakasama daw sa kalagayan ko, baka magka-nervous breakdown daw ako ng mga panahong 'yon.

Halo-halo ang naramdaman ko ng makita ko siya kanina. Inis, takot, saya, pagtataka. Lahat na.

Akala ko nga multo e.

"Kuya, marami kang utang na paliwanag sa akin."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Mamaya ka na magtanong, kumakain ako, wag kang istorbo." Aba, ako pa istorbo? Sipain ko siya dyan.

Nang matapos siyang kumain, dumighay siya ng pagkalakas-lakas sa harap ko.

"KUYA! MANNERS NAMAN!" Argh! Nawala lang siya ng isang taon, naging bastusing bata na! Anak ng! Napaka-balahura ng kumag!

"Okay, sasagutin ko na ang una mong tanong. Hindi ako patay at lalong hindi ako nabugbog. Ibang tao yung nakaratay at duguan nung mga panahong pinaghahanap na kayo ni Stephen. Hoy wag kang magagalit sa akin, plano ni Sebastian yon. Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari nun, a day before that, pinaalis kasi ako ni Sebastian, dapat pupunta kami sa Japan pero nung tinawag na kami for departure, doon pa siya nagpaalam na matatae daw siya. Sabi ko pa nga sa eroplano nalang pero wala eh, nakatakbo na siya. Sumatotal, ako lang ang nakaalis."

Grabe, masyadong detalyado ang explanation niya ha.

"A week after, nalaman ko nalang na nagkaroon pala ng ganong inkwentro ng makabalik ako ng Pilipinas. Alam ni Sebastian na pwedeng mangyari ang bagay na yun kaya niya ako pinaalis ng bansa. Alam niyang gagamitin ako ni Stephen as a bait para mahuli ka nila."

So drama lang pala ni Seb yung iyak iyak part nya dun sa duguang Vince kunwari? No wonder naloko ako ng unggoy na yun, galing umarte.

Speaking of Sebastian, "Vince, nasan ba si Seb? Isang taon ko na rin siyang hindi nakikita."

The Player's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon