Alex's POV
Sumalampak agad ako sa kama pagkarating ko sa condo ko.
Kinuha ko ang cellphone ko.
Tatawagan ko sana si Kuya ng makita kong tinatawagan pala ako ni Sebastian. Hindi ko na ito sinagot. Alam ko naman na kung anong sasabihin niya eh.
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko.
Naramdaman kong may tumawag nanaman, this time, si Kuya na.
"Alex! I have a good news for you!"
Napabangon naman ako sa sinabi niya.
"Binabawi na ni Sebastian ang misyon mo. Hindi na daw ikaw ang gagawa!"
Parang natanggalan ako ng tinik sa lalamunan ng marinig ko yun.
Pero pano? Hindi kaya..
"Kuya, pinakiusapan mo ba si Seb tungkol dito? Sinong gagawa nung misyon ko? Ikaw ba?"
"Woah, isa-isa lang ang tanong, pwede?! Unang tanong, hindi. Pangalawa, hindi ko alam at pangatlo, hindi ulit."
"Buti naman kung ganun kuya, nasan ka nga pala ngayon? Di ka pa nagpapakita sa kin ah! Pinagtataguan mo ba ako?"
"H-hindi ah! Ba't naman kita iiwasan diba? Hehehe,"
Akala ba talaga niya eh maloloko niya ko? Tsk.
"..sige, Alex, matulog ka na ah, good night"
Di na ko nakasagot dahil binaba na niya agad ang phone.
Matutulog na sana ako ng makatanggap na naman ako ng isang text message.
From: +639123******
Tulog ka na ba?
Si Basty nga pala to.
Gising ka pa?
Tulog ka na yata.
Sige, good night!
Ay, paflying kiss na rin!
Kita nalang tayo sa Dreamworld! :)
Sunod-sunod naman ang pagdating ng messages ni panget. Aba! Stalker nga! Alam niya ang number ko eh! Tsk, tsk, tsk, kawawa naman, so desperate. Kung sabagay, di ko naman siya masisisi no, makakita ba naman siya ng isang diyosang katulad ko. ^O^
Tuluyan na kong nakatulog pagkatapos kung burahin lahat ng messages ni panget.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pagkatapos ng klase ko sa umaga, dumiretso nalang ako sa SC Office, badtrip ako dahil dun sa panget e! Halos kalahating araw siyang nambwi-bwiset kesyo dapat daw sa weekends namin gawin yung scrapbook. As if gagawin ko yun kasama siya.  ̄ε  ̄ Assuming.
Pagkarating ko, pumasok agad ako. Wala ng katok katok.
Si Ashton.
Napatingin naman siya sa akin.
Ngingitian ko sana siya ng maalala kong, galit nga pala dapat ako sa kanya.
I gave him a sad expression at yumuko ako then I closed the door. Dumiretso nalang ako sa locker room at kumuha ng libro.
Palabas na ko ng locker room ng...
"Ay! NAKANANG GWAPO!"
Napayuko nalang ako sa kahihiyan. Sa lahat ng pwedeng sabihin, bakit gwapo pa?! Ba't sa harap pa ni Ashton?
"Come with me."
At tumalikod na siya sa akin. A-ano daw? Pinapasama niya ko? O_o?
Pero dahil cutiee patootie ang peg ko, nagpahard to get muna ako. Naglakad ako sa kabilang direksyon.
Ilang segundo lang, naramdaman kong may humatak sa kamay ko.
Napangiti nalang ako pero agad ko itong pinalitan ng ekspresyon na may pagka-inosente pero may bahid ng pagkairita.
Kinalas ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko, napaharap naman siya sakin.
Kukunin niya sana uli ito ng iniwas ko ang aking kamay, pero nakuha ulit ni pog- este, gago!
"Ano ba!"
This time, napatigil ko na talaga siya,
"Ano ba gusto mong mangyari ha?"
Sigaw ko sa kanya.
Pumikit siya at huminga ng malalim, "Stop asking questions and just come with me."
Hindi na ko nakapag react ng buhatin niya ako na parang sako. =__= Kung bridal carry yun, okay lang, di nako aangal pero mukha akong baboy dito sa ginagawa niya. Sa likurang bahagi kami ng school dumaan, kung saan wala gaanong tao, walang guwardiyang nagbabantay, pero may CCTV. -_- At nung makarating kami sa kotse niya, ibinalibag niya ko sa loob, bubuksan ko sana ulit yung pinto ng kotse niya pero masyado akong nadistract sa ginawa niya. Umupo siya sa hood ng kotse niya at inikot ang katawan papuntang kaliwa at ayun tumalon kaya mas mabilis siyang nakapasok sa driver's seat.
"Woah.." Bulalas ko ng makaharap ko uli siya. As usual, walang ka rea-reaksyon.
"Alam mo bang pinagcutting mo ang isang Alexandra Go?"
Hindi man lang kumibo. -.-"
Cutting dahil may afternoon class pa ko.
Inihinto niya ang kotse sa tapat ng isang mall. Wow, as if papapasukin kami, eh class hours pa. -,-
Noong palapit na kami sa mga guards, alam na alam ko na talagang babarahin kami. Pero.. pero...
"Good noon po, Mr. Greene."
Humarap siya dun sa ladyguard, "Ashton nalang po."
Nakapasok kami?
O_o?
"Hindi tayo binara?"
"Nasa loob na tayo diba? Kaya malamang, hindi."
Pilosopo. ~>_<~
At ano ulit yung narinig ko? Mr. Greene?
"Anong apelyido mo?"
"Kakasabi lang nung babae kanina, diba?"
"G-greene? Ashton Greene?"
Tumakbo naman ako uli palabas ng mall. At ayun, nakalagay ang malaking GREENHILLS sa labas ng mall. Bumalik ako sa kinatatayuan niya.
"Woah! Sa inyo tong mall? Ang yaman mo naman! Hanep! Mula pa sa apelyido mo yung pangalan ng mall! Wala nga lang 'E', pero.. wow, just wow!"
"Tapos ka na bang mamangha? Tara na sa loob. Tsk."
Dumiretso kami sa movie house.
"Manonood tayo ng sine?"
Tiningnan niya lang ako ng seryoso.
"Hindi, magpapagupit tayo."
OKAY.  ̄﹏ ̄
At dahil dakilang gentleman siya, ipinagpilitan niya yung romantic movie na gusto niya kesa doon sa action movie na gusto ko. Pogi pa naman ang bida doon. ~>_<~
Halos makatulugan ko yung movie na pinapanood namin, or should I say pinapanood niya. Ang boring naman kasi. Napaka predictable ng mga mangyayari, kung anu-ano pang mga pakulo eh, sila parin naman ang magkakatuluyan. =__=
Nang makalabas na kami ng sinehan, hindi ko maipinta ang itsura niya, para siyang naiinis na ewan.
"Sabi ko naman kasi sayo diba, mas maganda yung action. Yan tuloy, badtrip ka dahil dun sa movie."
Sabi ko habang kinukusot kusot pa ang mga mata ko.
"It's not the movie. It's you. Hindi mo pinanood."
At tinalikuran na niya ako pagkasabi niya noon. Woah, what did I do? (⊙o⊙)?
BINABASA MO ANG
The Player's Game
FanfictionHindi siya marunong magseryoso. Mahilig siyang maglaro. Wala siyang kinatatakutan. Handa siyang sumugal. Walang siyang binibigyan ng importansya. At magaling siyang magpaikot. Handa ka bang maging laruan para makapasok sa mundo niya? Sa puso niya?