Alex's POV
"Class, ipapaalala ko lang sa inyo yung project niyo, nakapagsimula na ba kayo?"
Yan ang problema ng ibang teachers, kabibigay lang ng project tapos mamadali-in ka, tapos pag nagpasa ka, sasabihin mukhang basura. Nasan ang hustisya?! =__=
"Partner, bukas na natin gawin yung project ah?
"Tumahimik ka, may atraso ka pa sakin."
"Eeh, kasi naman hindi ko alam na ginagawa mo yun para hindi ka mapansin ni Ms. Fuentes,"
"Tanga ka kasi,"
"Pero, partner, gawin na natin bukas yung scrapbook, ha? Kaninong bahay ang gagamitin?"
"Wala, gagawa ako ng akin, gumawa ka ng sarili mo,"
"Eh by pair yun eh,"
"Bumili ka ng aso, yun ang kausapin mo,"
"May aso kami sa bahay, hindi naman sumasagot, tinatahulan lang ako,"
My ghad! Hindi ba titigil tong panget na to?! Argh! Napakabobo! Insensitive! Manhid! Hindi niya maintindihang hindi ko siya gusto kausap!
Pumikit nalang ako para pakalmahin ang sarili ko.
"Uy, partner, inaantok ka? Teka, may dala akong unan, di-"
"PUNYETA NAMAN EH!"
Hindi na ko nakapagpigil, yamot na yamot na ko sa panget na to!
"Ms. Go, what's wrong?!"
This damn beast is annoying the living shit in me!
Yan ang gusto kong isagot, pero dahil nirerespeto ko si Ms. Montes, isang simple at mahinahong sorry nalang ang nasabi ko.
Nakita kong nakayuko ang panget, mukhang tanga.
"S-sor-"
I cut him off, "Nyeta, bukas, sa Starbucks, 10 a.m sharp, don't you ever make me wait,"
At dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko, "Damn you, kamalasan lang ang hatid mo sa kin, nakilala lang kita nagkanda leche leche na ang lahat,"
Tumayo ako at nagpaalam kay Ms. Montes. Dumiretso ako sa garden ng school, pero bago ako tumambay doon, pinintik ko muna yung CCTV.
Di ko namalayan, nakatulog na pala ako sa bench.
~~~~~~~~~~~~~~~~
11:54 a.m
Yan ang oras na nakita ko ng magising ako. Tanghali na pala.
Nag-unat muna ako bago tuluyang tumayo at pumunta sa banyo.
Nang makapaligo na ko, nagsuot lang ako ng PJs ko at oversized shirt. Kinuha ko ang macbook ko at naglaro ng kung anu-ano.
Ang boring naman.
Kumuha ako ng black soda sa ref, chocolate chips, crackers at granola bar. Pumwesto nako sa harap ng tv ko. Magmomovie marathon nalang ako.
Unang kong pinanood yung Paycheck.
Nang mga bandang 6 o'clock na, napagdesisyunan kong sa labas nalang kumain. Nagbihis ako at lalabas na ng unit ko pero pagkabukas ko palang ng pinto, mukha ni panget ang bumulaga sa akin. Ba't nandito to?! Aba! Namumutla yata?!
"Hi Alex, pinuntahan kita dito, hindi ka kasi dumating kanina,"
Ngumiti siya sa akin at nagulat nalang ako ng bumagsak siya sa sahig.
Hindi ko siya sinalo no, asaness. =__=
Tinawagan ko ang mga staff sa condo ko para magpatulong buhatin tong panget nato.
"Maam, san po namin siya ihihiga?"
"Ah, eh, dyan nalang po sa may carpet."
"Sigurado po kayo, Maam? Medyo may sinat po kasi si Sir,"
"Diyan nalang po, Kuya, hayaan niyo siya."
Hayaan niyo siyang magdusa, gantihan lang. -,- At baka madumihan pa ang furnitures ko no.
Lumabas na din sila pagkatapos ihiga si panget.
Ba't ba naman kasi napunta yan dito?
Alam ang number ko. Ngayon, pati address ko, alam niya din?! Hindi kaya, magnanakaw to?! O baka naman rapist?! 0.0? Baka mamamatay-tao! Hala! Delikado pala ko dito!
Ngayon ko lang naalalang may usapan nga pala kami ng gunggong nato na hindi ako nakasipot. -,-
Siya lang naman ang mapilit eh! Sinabi ko namang hindi ko siya gustong makasama. =__=
PERO ALAM NIYA ANG ADDRESS KO.
Baka kriminal to! Nilapitan ko siya. Alam ko na ang gagawin ko dito.
Kumuha ako ng electrical tape at pisi.
Sinubukan ko siyang itayo, magaan lang pala ang isang to.. =_= parang si... wala.. forget it, Alex!
Iniupo ko siya sa upuan at itinali ko ang kamay at paa niya sa upuan. Nilagyan ko rin ng electrical tape ang bibig niya. Baka mamaya eh labasan pa yan ng pangil. Eeh, scary..
Kumuha ako ng upuan at umupo sa harap niya.
Unti-unti na siyang nagkakamalay.
"Hoy, ikaw, pano mo nalaman kung san ako nakatira? Myembro ka ba ng sindikato?! Mamatay tao ka no? Gangster ka ba? She's dating the gangster, ganun?! O baka naman, kidnapper ka?! He's a kidnapper ang dating? Ha?! Sagot!"
Parang may sinasabi siya, hindi ko maintindihan!
"Sagot sabi eh!"
Ay, nakatakip nga pala yung bibig niya. Agad ko naman itong kinuha ng pabigla.
"AAAAHHH! WHAT THE-"
O_o? Natigilan naman siya ng makita ako. Napakamanly naman ng pagsigaw niya. Napakalayo sa boses niya kapag nagsasalita na tunog manok.
Nakita niya ang pagkagulat ko at nagsalita siya, gamit yung manok niyang boses, =__=
"A-ang sakit k-kasi,"
Umayos ako ng upo para mukha akong intimidating. Ehem ehem.
"Ngayon, sagutin mo tanong ko."
"Ah, eh, nalaman ko yung address dahil kay Angel, yung kaibigan mo, nakita ko siya sa Starbucks kanina, tapos binigay niya sa kin ang address mo, puntahan daw kita at sunduin, sorry nga rin pala dahil hinimatay ako kanina, dami ko kasing nainom na kape eh, hindi pa ko nakakakain ng maayos.
Natulala naman ako sa sinabi niya.
"Uh, pwede bang ako naman ang magtanong?"
Hindi ako nagsalita, tumango lang ako. Wag niya lang sanang itanong kung bakit siya nakagapos. ≧﹏≦
"Uh, eh, b-bakit nga pala ako nakatali?"
Afsksksks! Kasasabi ko lang diba?! TT__TT
Pano ko yan sasagutin ngayon?!
BINABASA MO ANG
The Player's Game
FanfictionHindi siya marunong magseryoso. Mahilig siyang maglaro. Wala siyang kinatatakutan. Handa siyang sumugal. Walang siyang binibigyan ng importansya. At magaling siyang magpaikot. Handa ka bang maging laruan para makapasok sa mundo niya? Sa puso niya?