Chappy 1 ~ The moves

413 3 0
                                    

Alex's POV

At dahil mabait akong estudyante, nandito ako ngayon sa clinic kasi 'masakit ang tiyan' ko.

Kundangan ba naman kasing wala kang mapagtaguan sa skwelahang to! Bukod sa madaming guwardiya ang lumilibot sa campus, may CCTV din. Kaya no choice ako kundi ang magkunwaring masakit ang tiyan ko. Not bad, malamig naman dito sa clinic, e. Makatulog na nga muna.

"Oy, *pokes* oy, *pokes"

Naalimpungatan naman ako dahil dito sa lecheng unggoy na kanina pa tinutusok-tusok ang pisngi ko.

"*tooooot*! Pwede ba! Kita nama-"

Natigilan naman ako ng makita ko kung sino ang kaharap ko. Ngumiti siya sa akin. Ngiting aso. =_=

"Ano ulit iyon?" -Karen

"Araaaay! Ba't mo pinitik ang ilong ko?!" TT__TT

"Ilang beses ka ba naming pagsasabihang masama ang pagmumura sa babae!" -Karen

"Alam ko naman yun eh, pero you know, old habits die hard..hehehe.."

"Hay nako, nakukunsume ako sa iyo babae ka! Mauna ka na nga palang umuwi, may tatapusin pa kasi kaming project." -Karen

"Oo na, sige na. Babush!"

"Tss, ingat sa pag-uwi." -Karen

Tuluyan na siyang lumabas. Inayos ko na rin ang sarili ko. Anong oras na ba? Kinapa kapa ko ang bulsa ko, nasaan ang iPhone ko? Shit, naiwan ko yata sa SC Office. Mabalikan na nga lang.

At dahil ang bait ng tadhana sa akin, nadatnan ko si Ashton sa office. Bwahahah! Pagkakataon ko na to. ^O^

Nagkunwari akong pagod at matamlay..

"Oh, Ashton? Nandito ka pa pala?"

Tiningnan niya lang ako at tumango bago bumalik sa kung ano man ang ginagawa niya.

"Ang sakit ng ulo ko, akala ko kasi nandito pa sina Karen kaya dito na ko dumiretso."

Wala lang siyang reaksyon. =__=

"Hay grabe, nakakapagod naman kasi talaga ang mga pangyayari sa araw na to no!"

Wala parin. ≧﹏≦

"Na-o-over fatigue na yata ako sa dami ng dapat gawin e!"

Aba naman! Nai-insulto na ang pagkababae ko niyan ah! Hindi niya ba talaga napapansin ang karisma ko? →_→ 
Kinuha niya na ang mga gamit niyang nakalapag sa mesa.

"I'll go now."

Ano? Hindi pa ko nakakagawa ng move no!

"T-teka! Wa-"

Napatingin naman ako iPhone kong tumutunog na nakapatong lang pala sa lamesa ni Shamma. Sino ba tong tumatawag? Panira. Sama ng timing. Tss. -_-

"HELLO?!"

"GALIT KA NA NIYAN?!"

"Ay, kuya, ikaw pala, ahehehe"

Pahiya naman ako dun. -.-

"Wala ka talagang manners sa pagsagot ng telepono."

"Oo na, siguro naman hindi mo ko tinawagan para pangaralan tungkol sa pagsagot ng telepono diba?

"Pinapapunta ka ni Sandoval dito."

Napangiwi nalang ako. Ano nanaman kayang plano ng gagong yun?!

Kinuha ko na ang gamit ko at tumakbo papunta sa kotse kong nakaparada ilang metro lang ang layo sa school.

Pinaharurot ko na ang sasakyan ko, as soon as nakasakay ako dito.

Masama ang kutob ko sa mga mangyayari ngayon.

~~~~~

Author's Note

Picture ni Ashton habang nag-aayos ng gamit sa gilid..

xxThea

The Player's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon