Alex’s POV
ISINUSUMPA KO, HINDI NA ULI AKO IINOM!
Langhiya naman. Parang binibiak ang ulo ko sa sobrang sakit.
Napansin kong may nakadikit na post-it sa salamin ko. Waaah! Parang gusto kong humilata buong araw. Tumayo ako at binasa yung nakalagay sa post-it.
Thank you for last night. I had fun. –SS
Ano daw?! Biglang nagising ang diwa ko dahil sa nabasa ko. Nak ka naman ng! SS? Sebastian Sandoval?
Napatingin ako sa suot ko. O.O?! Ibang damit na ang suot ko! Dali-dali kong tinawagan si Kuya at hiningi sa kanya ang number ni Sebastian.
“Bakit ba? Anong nangyari?”
“Sagutin mo nalang Kuya! Mamaya na ako magpapaliwanag!” Kasi naman eh! Makiki-usyoso pa!
“Sagutin mo muna tanong ko.” Masasapok ko na talaga to!
“Okay, fine! Ano kasi.. kasi kagabi.. ano.. yung ano kasi…” di ko maituloy ang sasabihin ko. Hindi ko matanggap. I need to know and to confirm it! Walanghiya siya! Tutuluyan ko na talaga yun! Reserve yun para sa magiging asawa ko in the future! Yun na nga lang ang meron ako, kinuha pa niya!
“Anong ‘ano kasi’? Anong meron kaga—HOY ALEXANDRA! ISINUKO MO ANG BATAAN? HA? SUMAGOT KA! BABANGASAN KO SI SEBASTIAN!” Ay, ako ang sasagot, si Sebastian ang tatamaan?
“Kalma muna! Ibigay mo nalang kasi sa aki—“ I trailed off. Binabaan niya po ako. -.-
Nakatanggap ako ng text message galing kay Kuya at nandun ang numerals ni Sebastian. Agad ko siyang tinawagan. Nagtaka ako dahil lumabas ang pangalan ni Seb sa caller I.D nang phone ko.
Ayaw niyang sagutin! Ring lang ng ring! After 5 rings, he picked up!
“HOY! PESTE KA! WAG NA WAG KANG MAGPAPAKITA SA AKING HINAYUPAK KA AT BAKA PAGLAMAYAN KA NG DI ORAS! ANO--” Napahinto ako sa pagrarant ng marinig ko siyang tumatawa sa kabilang linya. Waaaaah! Lord! Sorry! Hindi ko naman po ginusto yung nangyari! Paano na to? Pinagpapawisan ako ng malamig. Jusko. Ayaw ko pang mabuntis, bata pa ako! At bakit siya pa? Punyeta naman!
Ganun ba ako ka kasama sa past life ko para malasin ako ng bonggang-bongga?!
“Calm down. Pareho kayo ni Kuya--” He stopped.
“..ni Kuya mo. He called me saying the same thing. Tingin mo papatulan kita?” At saka siya humalkhak. Wagas na halakhak. -.- May nakakatawa ba?
“Hoy, ikaw, umamin ka, ga—“ hindi niya ako pinatapos. And the next thing he said caught me off guard.
“Gago, demonyo, the greatest jerk of all times, name it. Pero hindi ako kailanman nanggalaw ng babae, Alexandra. That’s above my limit.” Then he chuckled. Speechless ako. As in. Kaya agad kong binababa ang telepono. Hindi ko alam ang sasabihin ko. EH ANONG TAWAG NIYA DUN SA MGA PAGBABANTA NIYA SA AKIN?
Argh! Hindi ko na tuloy naitanong kung sinong nagpalit ng damit ko! Baka pinagpantasyahan niya rin ako gaya nung ginawa ko sa kanya nung nagpunta siya dito sa condo ko? O.o? Nooo! At dahil hindi ako mapalagay, tatawagan ko siya uli.
Lunok laway~
Pikit mata~
Dial.
“Did you.. uhh.. did you..” eto nanaman! Hindi ko nanaman masabi!
“No, I didn’t. You did it yourself. Inihatid lang kita sa kwarto mo. You did the rest. You’re too drunk to remember.”
Binabaan ko na siya. That’s all I need to know. Teka, parang dati lang siya yung nagtatanong sakin ng ganun, tapos ngayon ako na? Aba ayos rin a!
Natigilan naman ako ng nagring ang phone ko.
“Haluu~~” Sino to? Ang lamya ng boses.
“Don’t have time to talk to you.”
“Hey girl, still a snob. Today, at the lab. You better show up.” Kung hindi lang inayos ni Stephen ang boses niya, baka hindi ko siya nakilala. He ended the call. Tsk. Baklang astig. Anlaaa.
Teka nga. Ako may napansin.
SAAN GALING TONG CELLPHONE NA HAWAK KO? Minumulto ba ko? As if on cue, may nagpop-up na message galing kay Sebastian.
I bought a temporary phone for you. I told Stephen and V about it. Expect calls from them. –SS
Galing ng timing ah. Baka naman may ininstall siyang tracker dito para ma-stalk niya ko? Ay, lahat naman ng smartphones may GPS so why install a tracker diba? Hehehe.
Makaligo na nga lang. Kikitain ko pa yung baklang astig mamaya.
--------
“Paulo Monteverde,” sabi ni Dos at may inilapag na isang brown envelope.
“You need to get the black flashdrive from him,” pagpapatuloy niya. Iisa lang ibig sabihin nito, may aakyatin nanaman akong bahay mamayang gabi. -.-
“Ano bang meron sa flashdrive na yun?” Tanong ko. Mabuti na yung alam ko para hindi naman ako clueless sa mga pangyayari. But then, he gave me his deadly glare. Another way of saying, ‘don’t ask’. Tsk.
Tumayo ako at kinuha ang envelope.
“Yun lang ba?”
“Nope. Make him drink the potion inside that envelope.”
“Hindi naman to nakakamatay, diba?”
“No.” That’s all I need to hear. Tuluyan na akong umalis. I need to get ready. May kababalaghan pa kong gagawin mamaya.
-------
Suot suot ang isang black leather jacket, black pants, black shoes, black mask at black na sombrero, inakyat ko ang bubong ng isang malaking mansyon. Rich kid. Ang nabasa ko kanina, 25 years old na si Paulo. Parang may kahawig rin siya.
Kanina pa ako naglalambitin sa mga bintana dito, kaya napagod ako at tumambay nalang muna dito sa bubungan nila. Alam ko na kung nasaan ang kwarto niya, kaya madali nalang pasukin.
Hindi halata pero ang mga pinapagawa sa akin ng mga Sandoval kadalasan ay ang mga ganitong trabaho. Bale akyat-bahay ang role ko. -.- Trained naman ako. Marunong din akong magself-defense.
At dahil naiinip na ako, napagdesisyunan kong pasukin na nga ang kwarto ni Paulo Monteverde.
Kwarto ba to ng isang 25 year old na lalake? Puro Spongebob ang nakalagay sa kwarto niya, in fairness.
Masasabi kong napaka-isip bata ng lalakeng to dahil hindi naman ako nahirapang hanapin yung flashdrive na sinasabi ni Dos.
Saan nakalagay? Andun sa drawer niya ng mga brief. -.- Kala niya ha.
Ang bait yata sa akin ng tadhana ngayon? Nakita kong may isang pitsel ng tubig ang nakapatong sa bedside table ni Paulo.
Nailagay ko na yung potion na sinasabi ni Dos pero natigilan ako bigla.
Isang litrato ng dalawang taong nakangiti na parang walang inaalalang problema.
Isang litrato ni Paulo Monteverde..
Kasama ang isang Ashton Greene
BINABASA MO ANG
The Player's Game
FanfictionHindi siya marunong magseryoso. Mahilig siyang maglaro. Wala siyang kinatatakutan. Handa siyang sumugal. Walang siyang binibigyan ng importansya. At magaling siyang magpaikot. Handa ka bang maging laruan para makapasok sa mundo niya? Sa puso niya?