Chapter 50 ~ Taking Risks

92 3 1
                                    

Karen's POV

"Handle her carefully," utos ko sa mga tauhan.

"Get her ready for the operation." Napatingin ako kay Stephen. Hindi ko alam na parte pala siya ng mafia. Hindi kasi ako naglalagi dito sa hideout ng mga Sandoval kaya hindi ako updated.

Kaya pala ipinadala niya ako para bantayan si Alex.

"What? Hindi pwede!" Hindi namin hahayaang magalaw nila si Alex. HE won't let THEM.

"Are you trying to go against me?" Hindi ko inasahang ganito pala kasama ang isang Stephen na to.

Naging crush ko pa man din siya. -...-

Wala akong nagawa kundi sumunod sa utos niya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng lumabas na siya sa operating room.

He is planning to make Alex his puppet. Sa ganitong paraan, magagawang kontrolin ni Stephen si Alex. She has an extraordinary intelligence.

Ito rin ang dahilan kung bakit inalis ni Sebastian ang mga alaala ni Alex.

At kapag naibalik ang mga alaalang 'yon, she can be so powerful. At yon ang iniiwasan naming mangyari.

She is a total genius according to Sebastian, kaya naman sabik na sabik na yang si Stephen na makontrol si Alex.

Pumasok na ang iba pang nurses at lumapit kay Alex.

"She's awake." Agad kong nilapitan si Alex. Nagulat ako sa bigla niyang paggising, mataas ang dose nung tranquilizer na ginamit ko sa kanya kanina. Sinadya ko yun.

Nagkasalubong ang mga mata naming at nakita kung paano naging asul ang mga mata niya.

Galit...

I gave her a weak smile. I can't even explain myself to her. Not now.

"Ready everything," utos ko sa kanila at agad naman silang kumilos.

I held Alex's hand tight and whispered, "Trust me."

Yan palang ang kaya kong sabihin sa kanya ngayon. Nagbabago ang kulay sa mga mata niya.. naging.. dilaw..

Shit.

This is not normal. Blue and violet lang ang mga kulay na pwedeng lumbas sa mga mata niya. Alam ko kung anong klase ng drugs ang naibigay sa kanya dati kaya kabisado ko ang epekto nito sa isang tao.

I checked her pulse and she's palpitating. Inilapit ko ang daliri ko sa ilong niya at hindi normal ang paghinga niya.

Oh God... she's not having severe reactions inside her body, right?

Napasigaw na ako ng dahan-dahang pumikit si Alex.

"Alex, keep your consciousness. Alex! ALEX!" She's not responding. Nagmamadali akong lumabas at hinanap si Sebastian.

Napahinto ako ng makita ko si Sebastian at Ashton.. blanko ang mga tingin ni Sebastian at may hawak siyang baril na nakaumang kay Ashton.

I was taken aback when Sebastian met my eyes. Napatakbo ako pabalik sa operating room kung nasaan si Alex.

He's not... he's not Sebastian anymore.. kinokontrol na siya ni Stephen.

Nakapa ko ang bulsa ko at naalala ang vial na nakalagay dito.

"If something goes wrong, try injecting this to her.. it may give her body a shock, but she'll be able to recover."

"Sebastian..."

The Player's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon