Chapter 32 ~ Announcement and Revelation

98 4 1
                                    

Alex's POV

Lutang ako habang nagdidiscuss si Ms. Montes sa harap. Nag-aalala ako kay Kuya. Di pa kasi siya pumapasok. Tinatawagan ko siya pero cannot be reached yung cellphone niya.

"Hey, you're not listening to her." Nagulat ako ng magsalita sa Stephen mula sa likod ko. Nasabi ko na bang bipolar tong ugok na to? He can be that shitty strict jerk or an annoying bulldog, name it. Makulit siya at isip bata paminsan-minsan. Pero pag yan nagseryoso, magdasal ka na.

Hindi ko nalang siya pinansin.

"Snob." Hindi ko siya nilingon. Umupo naman si Karen sa tabi ko. Wala nga kasi si V, diba? At kung paano napunta ang babaeng yan dito? Nagpalipat siya ngayong araw kay Mr. Clarkson. -___-

Wala tayong magagawa, Presidente yan e. Tsk. Isa pa, maluwag ang schedule niyan, pumasok man siya o hindi, wa pakels ang mga teachers dahil may special classes silang mga officers.

"Hoy, ba't ka ba lumipat dito?" Kumunot ang noo niya.

"Gusto lang kita makasama, ayaw mo?" Seryoso niyang sabi. Ako? O baka naman yang si Stephen ang gusto niyang makasama.

Inirapan ko siya.

"Hey President!" Bati ni Stephen. Tumango lang si Karen. Sus, kinikilig na yan, ayaw pang umamin.

"What's wrong with you people? Snobs," pagmamaktol niya. Nakita ko namang napapikit si Karen then she pursed her lips. Tumaas ang kilay ko. Para siyang nagpipigil na di mo maintindihan.

At paglingon ko kay Stephen, wala-- tokwa, lumingon ako uli, bwiset! Nakakadiri! Nakapout ang gago!

"Mr. Cruz, your disrupting my class!"

Isipin niyo nga, gang leader na walang puso, magpapacute? Oh c'mon!

Anyway, si Sebastian naman ang nagpapatakbo ng mafia so he's the Alpha. Alalay niya lang tong kapatid niya. -..-

"Hoy, anyare sayo?" Bulong ko kay Karen. Namula naman siya.

"He's cute," plain at pacool niyang sabi. Cute?! Aba! Eh mas cute pa yung Pomeranian ng kapit bahay ko kesa sa gagong yan oy!

Tumikhim naman siya at umayos ng upo.

"But I'm not impressed, not my type," ayan, pacool nanaman.

IDENIAL ANG GAGA! Buset. Hindi naman ako tanga para di mapansin yun no!

Inirapan ko nalang siya at nakinig nalang kay Ms. Montes.

------
Lunch na, sa SC Office kami dumiretso ni Karen. Pagagalitan ko pa sila dahil sa ginawa nilang panghaharass sa kayamanan ko kahapon.

Pero nasa malayo palang kami tanaw na tanaw ko na ang mga babaeng nagkakagulo sa harap ng SC Office.

"Nakatanggap ako ng tawag galing kay Shamma, ilabas daw natin si Ashton sa office," sabi niya.

"Ano? Diba absent siya?" Oo, umabsent siya sa morning class namin.

"Hindi ko rin alam." Tumakbo na kami papunta sa office pero may nakita ako sa di kalayuan...

Ang pogi naman nung lalake. Not to mention na nakatingin siya sa akin.

Ehem. Wa pakels na. Loyal ako kay Ashton.

Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad ni Karen ng biglang may humawak sa kamay ko.

"So you're ignoring me now?" Sabi nung gwapo kanina. Bilis makalapit ah! Teka.. Ashton?!

"Ashton?" Tanong ni Karen. Nastar struck din yata siya.

Hindi na ako nakapagsalita ng hilahin niya ako paalis sa kinatatayuan namin.

Paglingon ko sa likod, hinahabol na pala kami nung nga babae. -...-

Halos malibot na namin ang buong 1st level ng school pero hinahabol parin nila kami. So we ended up hiding in the Men's Room. -.-

Agad naman kaming lumabas ng mawala na sila.

Ano ba kasing pumasok sa utak niya at nagpagupit siya ng ganyan? Nagpalit pa siya ng kulay ng buhok, huh? Edi malamang sa malamang, hahabulin talaga siya ng mga babae.

"What the hell is wrong with them?" Inis niyang sabi. No comment. Baka nga makiisa ako sa kanila kung hindi mo ko hinatak.

"Ihatid mo ko sa classroom." Utos niya. Oo, utos. Kapal muks, di niya naman ako katulong. Ni hindi pa nga ako nakakakain ng lunch. Si Karen, naiwan ko rin.

"Ayoko." Ewan ko ba. Di ako makatagal na kasama siya ngayon. Err. I don't know what's wrong with me. Nauna na akong maglakad pero humabol siya at sinabayan ako sa paglalakad.

"I'm not asking you. You have no options."

Bossy.

Kumakain ako at nakikipagtalakan sa Mirroar ngayon. Hindi ko sila mapagalitan, andito si Ashton e. Nakoconscious ako ng bonggang-bongga habang kumakain.

Nakatitig sa akin si Ashton. -,-

I'm trying to brush off the awkwardness I'm feeling right now.

Nakikitawa nalang ako kina Karen kahit ang kokorni ng jokes nila. Iniiwasan kong magtama ang mga mata namin.

"Knock knock!" -Jessica

"Who's there?" -Kim

"Bumbay." -Jessica

"Bumbay who?" -Shamma

"I know I'd only hurt you, I know I'd only make you cryyyyy~ Baby I'm not the one you're needing, I love you, bumbaaaaay!~" -Jessica

Humagalpak na kami sa tawa. Kahit korni natatawa ako. If the joke is not funny, then look at the who threw it.

"Knock knock." Natahimik naman kaming lahat.

"Ano ba? Sisirain ko pinto niyo!" Natauhan yata sila. Ang init naman ng ulo mo, Ashton.

"Who's there?" -Angel

"Hihiramin mo." -Ashton

"Hihiramin mo who?" -Kate

"Hihiramin ko muna si Alex," pahayag niya at hinila na ako patayo. Ako may napapansin.

"Bakit ba hila ka ng hila? Kaya ko namang maglakad." Binitawan niya ang pagkakahawak niya sa akin then he murmured something.

Nagiging bingi na ba ko? Kagabi si Panget, ngayon si Ashton?

Sa awa ni Lord ay nakarating kami sa classroom niya sa kabila ng nakakamatay na tingin ng mga tao sa akin. Oo, sa akin lang. Leche. Iniirapan ko nalang.

Papasok pa lang siya ay dinumog nanaman siya ng mga babae. Jusko, akala ko sa TV lang nangyayari ang mga ganitong eksena. I didn't expect to witness this in real life.

Akin lang yan oy, wag na kayong magtangkang agawin yan, di kayo papatulan ni Ashton.

"Enough!" Hindi naman siya nakasigaw pero malakas ang pagkakasabi niya.

Hinila niya ako sa tabi niya at inakbayan. See? Akin lang to. Mwahahaha! Akin lang.

"Respect my girlfriend, will you?"

Akin la---

Ano?

WHAT THE HELL?!

The Player's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon