Chappy 24 ~ Vacation or Disaster?

133 3 0
                                    

Alex's POV

Pagkagising ko, pakiramdam ko ay mababalian ako ng leeg. Nakahilig kasi ito pa kaliwa at nakasandal sa upuan. Akala ko andito si V. Diba kinantahan niya pa nga ako? Tiningnan ko ang pwesto niya kanina kung saan malayo siya sa akin only to find out that he's asleep. So ano yun? Panaginip? Anak ng tinola naman.

Sabagay, sabi nga nila, nangyayari sa panaginip ang mga bagay na gusto mong mangyari sa totoong buhay.

Ang saklap naman.

Nakalanding na ang eroplano pero tulog parin si V. Napagod siguro. Mags-stay kami sa isang five-star hotel dito sa HK at nagpahatid nalang ako papunta doon. Ipinabuhat ko na rin si V, ang bigat, e.

Nang mailapag na siya sa kama, niyakap niya yung isang unan at pinaghahalikan. Aba, lakas ng tama nito ah? Pati ba katinuan niya kinuha rin ni Sebastian?

"Dora... I love you..." nakanguso niyang sabi dun sa unan. Mukha siyang manok na handang tukain yung unan anytime he wants. (V's expression at the side, second picture. Imagine niyo nalang na nakapikit siya at tulog. Lols.)

Dumiretso ako sa banyo at nagpalit ng pantulog. Inaantok na din ako. Nasa iisang kwarto lang kami ni V pero dalawa ang kama dito. Humiga na ako at pumikit. Bukas ko nalang iisipin kung anong pwede naming gawin ni V habang nandito kami sa HK. Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.

--------
Nagising ako at napansing may nakadagan sa akin. Mabigat. Tiningnan ko ito at.. paa?! At sa likod ko ay ang mukha ni V na payapang natutulog. Teka, kaninong kama ba to? Ay shokoy! Kay V! Paano ako napunta dito?

Dahan-dahan akong tumayo para hindi magising si V.

"Good morning, noona.." he said in his husky, bedroom voice, his eyes still closed.

Ano ba naman to. Sinabi nang mas gurang siya sa akin eh.

"V, mas matanda ka nga sa akin.."

"Talaga? Sabagay mukha namang mas matured ako kesa sayo because I don't crawl into someone else's bed."

AFJGTLMGAD! Ako pumunta sa kama niya?!

V's POV

Nagising ako dahil sa isang babaeng nagsasalita na parang lasing. Hala, may multo ba dito?! Pero pag tingin ko, si Alexandra pala. Grabe, lakas maka sleep talk, ayaw magpatulog!

Nagtaka naman ako ng gumulong siya sa kama niya at nahulog. Tutulungan ko sana siyang tumayo pero nagsimula nanaman siyang gumapang. At nang makapa niya ang kama ko, doon siya sumampa at padapang natulog.

Ang weird naman nito. Baka mamaya sakalin ako niyan habang tulog, o baka tabunan ako ng unan! Hala! Ang genes ko! Sayang!

Nahiga narin ako. Matutulog na sana ako ulit ng biglang tumihaya si Alexandra.

"Sebastian, you bastard!"

Itinaas niya ang dalawa niyang kamay at nagpakawala ng maraming suntok sa hangin. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, bayolente siya. 

"Dahil sayo nawalan ako kakampi.. gago, demonyo.."

Woah, grabe naman, ganun na ba kalaki ang galit niya kay Seb? Ay teka, so magkakilala sila?

Pati sa panaginip, grabe ang pagmumura nitong babaeng to.

"Kuya V... wag ka maniwala sa kanya ha?" Ako ba kausap niya? Hindi naman siya nakaharap sa akin. Nakapikit din siya. Sleep talk pa. -..- Pero, kung yan ang panaginip niya, kanino ako hindi maniniwala?

Tumagilid siya at nakaharap na ngayon ang mukha niya sa akin.

"Wag mo ko iwan.. mahal kita kuya.."
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Hindi ko naiintindihan eh.

The Player's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon