Alex's POV
Sinalubong ako ni Jimin at Jin sa labas ng bar.
"Ano nanamang nangyari?" Tanong ko sa kanila.
"See for yourself." Sagot naman ni Jin.
Nang makarating na kami sa loob ng bar, nakita kong nasa isang couch si V na pinalilibutan ng mga babae.
"Oh? Anong gusto niyong gawin ko?" I used my 'duh' tone. Ito lang pala, akala ko napahamak nanaman siya.
Tinuro ni Jimin ang isang babae na nakalongsleeves polo na white.
"That girl sitting right next to V, girlfriend yan nung leader ng gang na nakaaway namin dati."
Oh tapos? Tss.
"Gusto ni V na inisin ang lalakeng yun sa ganitong paraan."
Tiningnan ko si Jimin ng masama.
"Oh? Ngayon?" Hindi ko naman kasi maintindihan. Ano ba kinalaman ko sa mga katarantaduhan nila?
"Sabi niya sa amin, gusto niyang makipagbugbugan dun sa gang na yun." Hayop din tong si V e. Kung makapagyaya ng gang fight akala mo ang lakas lakas na. Eh kung sipain ko kaya yang sugat niya sa tagiliran?
"Ang inaalala namin, yung kalagayan niya, may sugat siya eh. Baka mapuruhan siya." Paliwanag ni Jimin.
"At ayaw kong makipag-away, baka magasgas ang face ko," hirit naman si Jin. Tae, bakla. -.-
Buset. Kung hindi lang kita mahal, Kuya, matagal na kitang pinabayaan. Chaka, nanay, is that you?
Napatingin ako kay V. Nakapolo din siya at unti-unting tinatanggal nung babaeng girlfriend daw ng isang gang leader ang butones ng damit niya. At ang magaling kong Kuya? Ayun! Nakangiti, nagpapakasasa. Punyemas.
Kabilaan ang mga babae niya at hinahalikan niya ito ng salit-salitan. Sa leeg, sa pisngi, sa kung saan saan. But glad to say, wala naman sa lips.
Papalapit ako sa kanila pero natigilan ako ng halikan ni Kuya V yung babae. Hindi ako makagalaw. Inaabsorb pa ng utak ko yung ginawa niya.
I thought it's just a smack but then, it became torrid. Bwiset ka V.
Nagiging touchy na ang babae kay V. Shit, I can't take this any longer.
Maglalakad na sana ako ulit pero..
*boogsh*
May sumuntok kay V na isang lalake. Halatang gulat na gulat ang babaeng nakahalikan ni V kanina. Lumapit siya dun sa lalakeng nanuntok at niyakap niya ito. Naka ngisi lang si V habang pinupunasan ang dugo mula sa labi niya.
Tumingin ako sa barkada ni V. Lahat sila, nakatingin sa akin, pwera nalang kay Jimin na nakatingin kay V at parang gustong-gusto niya itong lapitan pero pinipigilan siya ni Namjoon.
Bakit ako ang kailangang lumapit? Di ba nila inisip na babae ako at lima silang lalake? Amfufu.
Susuntok pa ulit yung lalake ng barahin ko siya at inundayan ng suntok. Tumingin ako dun sa malanding babae at sinuntok rin siya.
"Don't make a scene here, Villafuerte. Take that fucking bitch with you, kill her if you want, I don't give a fuck but don't you dare land a fist on V's face, there will be more than hell to pay for it," galit kong sabi. The girl gasped. Let me guess, nagiging asul nanaman siguro ang mga mata ko. Tiningnan ko ng masama ang lalakeng sinuntok ko. Kilala ko siya. Wag niyo ng itanong kung paano. Mahabang kwento.
"Hey Alex! Get out of here! Dude, wanna start a fight with me? Sure I--" hindi ko na pinatapos si V at sinampal ko siya.
"Get a life, Vince!"
Hinarap ko ang lalake kanina at ngumisi siya sa akin.
"I need to teach this bitch a lesson, Go. I have to go. Teach that bastard, too not to take someone else's property." At saka niya ginuyod palabas ang babaeng malantod.
Tiningnan ko si V. Puta, pag ako di nakatiis, sasamain to sa kin.
"Ano? Makikipag-away ka pa? Vince naman! Umayos ka nga!" Binigyan niya ako ng isang masamang tingin.
"Why do you care? Ni hindi kita kilala kaya wag na wag mo kong pakikialaman!" Hindi kilala? Eh kung sagasaan kita para lang maalala mo kung sino ako?
"Punyeta naman Vince! Di ba pwedeng magmalasakit sayo? Porket di mo ko kilala ganyan ka na kung umasta? Aba! Edi sana una palang, pinabayaan na kita!"
Hindi ko sinasadyang manumbat. Masyado lang akong nadadala ng galit ko. Lumabas ako at dumiretso sa parking lot.
"Hey!" Sigaw ni V.
Hindi ko siya pinansin. Nanginginig ang kamay ko at sa kamalas-malasang pagkakataon, nahulog pa ang susi ko.
Hinawakan ni V ang braso ko ng sobrang higpit.
"Ano bang sinasabi mo?" Hindi ko siya sinagot. Don't push me to my limit, V. Ayokong pagsisihan ang gagawin ko pag nagkataon.
Mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin.
"Fuck! I'm doing this because of you! Ang sama-sama ng epekto mo sa akin! Pinagsisisihan ko kung bakit pa kita sinamahan sa Hongkong! Pinagsisisihan kong makilala ka uli!"
Uli? Tangina. Di ko na napigilan ang luha ko. Sobrang galit ang nararamdaman ko pero hindi ko mailabas. Ganun ba talaga ako? Ang sama sama ko na ba? Siya nalang ang natitira sa kin, tapos ganito?
"Ah! Maybe all you need is a bedmate, right?" Nakangisi niyang sabi. He claimed my lips and I wasn't expecting it. Tinutulak ko siya palayo but he's too strong. O sadyang nanghihina lang talaga ako? Nalalasahan ko na ang sarili kong dugo! Puta! Di ko na kaya!
I kneed him on the groin then I slapped him. Hard.
Dali-dali akong pumasok sa kotse ko.
Nakita kong napaluhod siya at nakahawak sa ulo niya. Binilisan ko ang pagmamaneho.
Hindi ko na siya kilala. Hindi na siya si Kuya V ko na handa akong protektahan.
Dahil siya na mismo ang nananakit sa kin.
BINABASA MO ANG
The Player's Game
FanfictionHindi siya marunong magseryoso. Mahilig siyang maglaro. Wala siyang kinatatakutan. Handa siyang sumugal. Walang siyang binibigyan ng importansya. At magaling siyang magpaikot. Handa ka bang maging laruan para makapasok sa mundo niya? Sa puso niya?