Chappy 3 ~ Ugly Basty

239 7 1
                                    

Alex's POV

Lunch break na at nandito kami ngayon sa canteen. Iniisip ko parin ang pinapagawa sa kin ni Seb. Sama talaga ng ugok na yun. Kung sabagay, medyo sanay narin ako sa ugali nun.

Unang beses kong humawak ng droga.. May mga pinapagawa sa akin si Seb dati pero minor acts lang yun. Hindi katulad ng pinapagawa niya ngayon. Knowing what that son of a devil can do, baka makapatay ang drogang yun.

"Alex.. Alex.. ALEX!!"

Natauhan naman ako bigla sa pagsigaw sa kin ni Pen.

"Ha? Eh? May sinasabi ba kayo?"

"My ghad, Alex! Kanina pa kami putak ng putak dito, di ka pala nakikinig?!" -Karen

"Grabe Alex ha, ano ba yang iniisip mo? Or should I say sino? Ay, boylet ba yan?"  -Angel

Boylet? Naalala ko naman si Ashton. Yung unggoy na yun, di pa ko nakaka score dun ah.

"Si Ashton ba?" -Angel

"Awee, type mo yun no? Nakita ko pa naman kayo kahapon." -Jessica

Natigilan ako, nakita niya ako kahapon? Nakita niya ba kung saan ako nagpunta kahapon?

"S-saan mo ko nakita?"

"O? Bakit bigla ka nalang namutla dyan? Don't worry, your secret is safe with us." -Jessica

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya.

"Answer my damn question, Jessica."

Sabi ko sa tonong mababa pero mababakas dito ang galit at pagka-irita ko.

"Ah, n-nakita lang kita na p-pumasok ng SC office at kausap mo si A-ashton." -Jessica

Nawala ang takot ko ng marinig ko yun kay Jessica.

"Ahahahahhaa! Ang epic ng reaction mo Jess! Priceless!"

Natulala naman siya saglit sa sinabi ko. Well, ginawa ko lang yun para mapagtakpan ang galit ko kanina.

"Hindi ka galit?" -Jessica

"Hindi ah! hahahah! Takot ka pala sa kin Jess?! Ahahahahaha!"

Tiningnan niya ako sa mata, at naramdaman ko nalang na may biglang pumitik sa ilong ko.

"Araaaay!"

Abuso tong babaeng to ah!

"Wala eh, niloko mo ko e, ahahahhhah!" -Jessica

Narinig kong bumuntong-hininga si Karen. Tss. Problema nito?

Kumain nalang ako, baka kung ano pa magawa ko sa bruhang to. =__=

Naalala ko si Kuya. Hindi ako tanga para maniwala sa mga alibis niya kagabi. Alam kong nabugbog siya. Hindi ko nalang ipinahalata sa kanya. Ayaw niya kasing mag alala ako sa kanya.  ̄ε  ̄

Nang matapos kaming kumain pupunta na sana ako sa classroom ko ng pigilan ako ni Karen.

"Samahan mo ko sa locker room."

"Una na kami, kita nalang tayo mamaya." Sabi niya sa Mirroar.

Eeeh, katakot siya ah.

Naglakad na kami. At ng makarating na kami sa locker room, agad niya kong kinausap.

"Alex naman,"

She said in a frustrated tone.

"Ilang lalake pa ba ang gusto mong paiyakin?"

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Yan lang pala ang sasabihin mo sa kin, akala ko kung ano na, nakakatakot kaya itsura mo kanina. ahahaha!"

"Argh! Kasi naman eh! Kahit san ako magpunta lagi nalang akong nakakarinig ng negative comments about you being a bitch, a slut, etc., Alex, kung alam mo lang kung gaano ko kagustong sabunutan sila at bugbugin isa-isa, hindi ko magawa dahil may iniingatan akong pangalan sa skwelahang to. Kaya please, umiwas ka na muna sa ganyang bagay pwede?"

Haba naman ng litanya niya, dinaig pa yung pari sa simbahan.  ̄ω ̄

"Hayaan mo sila sa kung anong gusto nilang isipin, wala akong pake, I am Alexandra Go and I'm not here to impress people."

Bumuntong-hininga ulit siya at lumabas na sa locker room. Tsk, nawalan tuloy ako ng ganang pumasok. Dito nalang ako tatambay sa loob ng locker ko. Malaki naman ito at kasyang kasya ako dito.

Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.

"Psst. Miss. Gising. *pokes pokes*"

Ano ba naman to, lagi nalang ba talagang may gigising sa kin?!

"Gising, gising!"

Naku naman! Panira ng tulog!

"Afdmsksdkaska!"

Napamura naman ako ng makita ang isang nakakatakot ng mukha sa harap ko. And take note, inches lang ang layo ng mukha niya sa kin!

"Ahehehe, masama yata ang gising mo, pero kasi, alas syete na ng gabi eh."

Napatingin naman ako sa relo ko.

7:24 pm

Isinandal ko ang ulo ko sa locker at pumikit.

"Ah, eh, m-matutulog ka ba uli?"

Punyetang panget to ah!

Tiningnan ko siya sa mata na puno ng pagka-irita. Pero agad ko itong iniwas. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na sa locker room.

"T-teka lang! Alex!"

Aba, stalker? Alam agad ang pangalan ko? =__=

"Ahehe, n-nabasa ko sa n-name plate mo."

Sus, if I know, gusto lang makalapit ng isang to sakin. Sa ganda ko ba naman no. Tinalikuran ko siya ng bigla nanamang sumigaw ang gago. -.-

"A-ako nga pala si Basty!"

Hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy na ko sa paglalakad.

Hmp. Stalker.

*******************
Author's Note

Hello! Sorry po at wala pang cast na nakalagay, mobile kasi ang ginagamit ko but I'll put the characters' name as soon as possible. ^__^

xxThea

The Player's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon