Alex's POV
Yes! Uwian na! Hahanapin ko si Kuya. Punta kaya ako sa St. Louis? Itatanong ko dun sa mga barkada niyang kupal kung nasan siya.
"Alex.." Nasa hallway na ako at naglalakad ng may tumawag sa akin.
Wala kang narinig, Alex.
"Hey!" Tuloy ka lang sa paglalakad, wag kang lilingon.
"Girlfie!" That's it! Nilingon ko siya na gulat na gulat. Hindi ko naman inaasahang sasabihin niya yun in public.
Tumakbo siya papunta sa kinatatayuan ko. Malayo sa mga uod niyang fangirls na nakabuntot sa kanya."Kailangan pa kitang tawaging 'girlfie' bago ka lumingon," kunot-noo niyang sabi.
"Feel na feel mo naman.." Ang kapal ng mukha! Leche.
"Nagulat ako, okay?" Inis kong sabi. Hinila niya nanaman ako papunta sa parking lot. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya at itinulak ako sa loob.
Ang gentleman niya. Sobra.
At saka niya pinaandar ang kotse niya.
Huminto kami sa isang coffee shop. Hmm. Ang bango. Ang daming libro! This is a complete heaven!
"Ba't tayo nandito?" Tanong ko. Masyado akong nadadala sa amoy ng kape. Lutang na ko.
"I need to breath," sabi niya.
"Humihinga ka naman a," wala sa sarili kong sagot.
Hinila niya ako paupo. May lumapit sa aming waitress at kinuha ang order namin. Iced Vanilla Latte ang inorder ko at Espresso naman kay Ashton. Gusto kong magbasa!
Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Ashton.
"Where are you going?"
"Kukuha ng libro." I am so damn fascinated. Sa tuwing magcu-cut ako ng classes dito na ko tatambay.
"Sit! I didn't bring you hear to read." Ano pa nga ba magagawa ko? Tss.
Bakit ba kasi sinama niya pa ko dito kung hindi rin naman pala ako makakapagbasa, diba?
"About that girlfriend thing."
Ayan na. Simula nung ginawa niyang kalokohan sa classroom nila kanina, ilang na ilang na ako sa kanya.
Ayaw ko siyang maka-usap at ayaw ko rin siyang makita.
And now he's bringing that up.
"I don't think I should be sorry for that," confident niyang sabi.
"Pabor naman yun sayo," pagpapatuloy niya.
Oo, pabor dapat sa akin to. I like him and I want to be his girlfriend the first time I met him.
But something just don't feel right. Pakiramdam ko, nagtataksil ako sa isang tao. Pero hindi ko kilala kung sino.
Ewan ko. Naguguluhan ako.
"Why did you do that?" Nakayuko kong tanong. Alam ko naman yung sagot. Gusto ko lang talaga klaruhin ang lahat.
Malay niyo sabihin niyang, "Because I feel something for you and I took this chance to tell you."
Pero wala eh. Yun parin ang sinabi niya.
Hahaha! Ang assuming ko na kasi.
"I did that to make them stay away from me. To escape."
BINABASA MO ANG
The Player's Game
FanfictionHindi siya marunong magseryoso. Mahilig siyang maglaro. Wala siyang kinatatakutan. Handa siyang sumugal. Walang siyang binibigyan ng importansya. At magaling siyang magpaikot. Handa ka bang maging laruan para makapasok sa mundo niya? Sa puso niya?