Chapter 44 ~ Different Shades of Greene
Alex's POV
Nakahiga ako sa lap ni Ashton. Pinaglalaruan niya ang buhok ko.
"Ew, you have a dandruff a-Oh wait! There's something crawling in your hair!"
Agad akong napabalikwas sa sinabi niya.
"Ha? Asan? ASAN?!" He chuckled. Hinila niya ulit ako para humiga.
"You're really different, Alex." Anong ibig niyang sabihin? Exotic ako? Ganun?
Natahimik na kaming dalawa. Gusto kong may magawang entertaining. Ano bang pwede? Ah! Alam ko na!
"Oy, laro tayo!" Tumingin siya sa akin ng may pagtataka.
"May itatanong ako sayo, paghindi mo nasagot, may dare ka. Ganun ka rin sa akin, pag di ako nakasagot, may dare rin ako. Ano? Game?" Alanganin siyang tumango.
This will be fun!
"I'll ask you first." Tumango ako agad. Ngiting-ngiti ang loko. Hmm.
"Who created the three laws of robotics?" WAHAHAHA! ANG CHICKEN!
"Isaac Asimov!" It's my turn to grin.
"Nasaan ang painting ni Mona Lisa ngayon?"
"Who the hell is Mona Lisa?"
"Hindi mo alam? Yey! I won!"
Ang dare ko sa kanya? Pinagsuot ko siya nung elephant costume na hinalungkat ko pa sa storage room nitong bahay niya. Ang cute niya! ()
"Mukha kang hayop! *u*" Sumimangot siya sa akin. Pinagsayaw ko siya ng kung anu-ano habang suot-suot niya yung costume niya. At first, parang ang tigas tigas pa ng katawan niya at di siya makasabay sa music, pero later on, parang nafi-feel niya na yung music.
Lumalambot na rin ang katawan niya. Ang cute naman ng elepanteng to! Patitirahin ko talaga to sa bakuran ng bahay ko! Ay, nakacondo nga pala ako. Hehehe.
Ngumingiti rin siya habang sumasayaw.
Aba! Pwede nang dancer to!
Tawa ako ng tawa habang pinapanood ko siyang sumayaw.
Natapos na siya at hingal na hingal na umupo sa tabi ko.
Nagtanong ako ulit sa kanya at hindi niya nanaman nasagot.
Ang second dare ko sa kanya ay ang pagsayawin siya nung nursery rhyme sa Full House. Yung Tatlong Bear. (https://www.youtube.com/watch?v=5BgjyxBHgoY - Please watch dahil hindi ko inelaborate kung anong ginawang steps ni Ashton dito. Si Ashton yung may mahabang buhok at naka-hat.)
Mukha siyang robot sa intro ng kanta. Nanlaki ang mata ko ng nagsimula siyang sumayaw ng maayos. Kinilabutan ako bigla.
Hindi ko inaasahang may own version pala siya.
Para akong matatawa na ewan sa ginagawa niya. Napa-smile rin siya ng makita ang itsura ko.
Jusko. Sinusubukan niyang maging pa-cool nung una pero mas nangingibabaw yung cuteness niya.
Tawa na ako ng tawa. As in.
Lalo na nung baliktarin niya yung ulo niya. He's trying to hide his smile.
Natapos siya sa pagsasayaw at umupo na ulit sa tabi ko. Hindi pa rin ako tumitigil sa paghalakhak.
"I don't know why I'm doing this for you, Alex."
BINABASA MO ANG
The Player's Game
FanfictionHindi siya marunong magseryoso. Mahilig siyang maglaro. Wala siyang kinatatakutan. Handa siyang sumugal. Walang siyang binibigyan ng importansya. At magaling siyang magpaikot. Handa ka bang maging laruan para makapasok sa mundo niya? Sa puso niya?