Alex's POV
Nagsimula na ang Battle of the Bands. At dahil VIP lagi ang SC Officers, nasa harap sila. Nasa next row kami ni Ashton. Oo, magkatabi kami. Kaya mukha akong tuod ngayon.
Hindi ako makagalaw ng maayos dahil nag-aalala ako sa pwedeng sabihin ni Ashton. Poker face nanaman siya. Ang sungit tingnan.
Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at nakita siyang nakapikit. Eto nanaman, napapatitig nanaman ako. Nakababa ang buhok niya at tumatama ito sa mga mata niya. Mukha siyang anime character. Itinaas ko ang isang kamay ko para hawiin ang buhok niya.
Natigilan naman ako ng bigla niyang imulat ang kaliwa niyang mata. Agad kong binawi ang kamay ko at agad sumigaw kasabay ng ibang mga babaeng nagtitilian. Teka, sila V na yata ang magpeperform. Wow ha, hindi naman sila contestant pero lakas ng audience impact a.
Oo nga pala, yung ni-request ko kay V. Lagot, parang wala yata ako sa kondisyon para gawin yun. Ang lakas pa man din ng loob ko para i-request yun sa kanya.
Hindi ko naman kasi inakalang gaganituhin ako ni Ashton. Nayanig tuloy ang buong pagkatao ko. He's very strange today, though.
-Flasback-
"I have a favor to ask you.."
Napatitig naman sa akin si V.
"Ano?"
Err. Palakasan nalang ng loob to.
"Pwede ba kong kumanta at yung banda mo ang tutugtog?"
Napa-isip naman siya. Gusto ko kasing kumanta. A song dedicated to Ashton. Wala lang, gusto ko lang maging corny once in a while. Baka kasi hindi ko na magawa ang mga ganitong bagay kapag..
Nevermind..
"Hoy, ano na?"
"Oo na, sige na. After nang second song namin, ikaw na. Tsk." Napilitan? Whatever.
-End of Flashback-
Nagsimula ng magdrums si.. ahh.. ano nga ba pangalan niya? Hindi ko alam, hindi ko kilala yang mga kabanda ni Kuya. Hindi niya naipakilala sa akin dati.
Makapag-cr na nga lang muna. Masyado akong natetense eh.
V's POV
Nagsimula ng magstrum ng gitara si Yoongi at si Jin. Electric guitar ang gamit nila. Dahan-dahan na ring pinapalo ni Namjoon ang drums niya. Nasa keyboard naman si Hoseok.
Si Pandak? Ayun, second voice. Hahaha! Ako ang unang kakanta. Yung second song naman namin, si Jimin na. At yung panghuli, syempre ako. Save the best for the last nga diba?
Unang kanta namin ay Given Up ng Linkin Park. Oo, rock na kung rock!
Pagdating sa chorus ng kanta, mas nagiging wild na kami. Mas bumibilis na rin ang paghampas ni Namjoon. Nakikisabay rin ang ibang estudyante sa amin, nakatayo na ang karamihan, maliban sa mga officers ng Student Council. Wow, prim and proper, huh.
Mas tumindi ang ingay pagdating sa second chorus. Ito na, ito na ang nakakaputol-ugat sa leeg na part. Lahat na nakikisabay sa amin. At nang matapos yung kanta, ewan ko kung kanta pa bang matatawag yun, e parang puro sigaw nalang nagawa ko e.
Nagpalak-pakan naman sila. Akala ko pa naman maririndi lang sila sa gagawin namin, buti nalang at nakisabay sila.
Sinadya kong yun ang unang kanta dahil alam kong nabobored na tong mga to. Kumbaga, pampabuhay lang yun ng kaluluwa. Nagpalit na kami ni Jimin ng pwesto. Ako na naman ang second voice nito.
Tiningnan ko si Alex. Nakatingin naman siya dito sa stage pero pasulyap-sulyap siya kay Ashton.
Second song namin, matino na.
Everything by Michael Buble
Oh, diba? Ang bilis magpalit ng mood.
Tinitingnan ko lang si Alex. Bakit ganito? Bakit di ko siya maalala? Kilala ko ba talaga siya? Pero bakit kahit hindi ko pa siya ganun na kakilala, parang napapamahal yata ako sa kanya?
V naman. Umayos ka nga.
Napapansin ko kasing ang weird weird ko kapag kasama ko yang si Alex. Simula noong nakita kong may kasama siyang lalake na akala ko e hinalikan siya sa Hongkong, nakakaramdam na ako ng kung anu-ano. Hindi naman ako ganito dati a?
Natapos na si Pandak. Hindi ko man lang namalayan.
Pumunta ako sa gitna at tumikhim pa.
"Bitin ba?" Tanong ko sa kanila at umo-o naman sila agad. Ngumiti ako at nagtilian na yung mga babae.
Kita niyo na? Grabe ang charms ko! Pero pagdating kay Alex, parang nakakawala ng confidence.
"You want more?" Umoo na naman sila. Nakasigaw na nga yung iba. 'More' pa daw. Edi pagbigyan. Hehehe.
"Well, in that case, Ms. Alexandra.."
Hala, ano nga uli apelyido nito?
"..uhm, yeah, Ms. Alexandra.. WILL SING A SONG FOR US!" may iba namang nadismaya.
Umakyat na sa stage si Alex at tiningnan ako ng masama.
"Dalawang letra lang yung apelyido ko nakalimutan mo pa. Gago." Pabulong niyang sabi.
Gago?
Ah! Go! Alexandra Go! Pambihira naman talaga V.Tsk. Whatever. Pasalamat nga siya at pumayag sila Jin na tugtugin yang kanta niya. Napa-upo nalang kami sa side ni Jimin.
"Yan ba yung Alex? Ganda dude." Langhiya to. Di pa nakuntento kay Alyana.
"Hoy! May syota ka na no!"
Tumingin naman siya sa akin at nagsmirk. "Alam ko yung ginawa mo sa girlfriend ko nung nasa Hongkong pa tayo."
Tsk.
Nagsimula na siyang kumanta. At halos malaglag ako sa silya ng marinig ang boses niya.
Alex's POV
Lord! Tulong! Kinakabahan talaga ako. Pakiramdam ko ay nakalutang lang ako sa stage. Hindi ko maramdaman yung mga paa ko.
Tumingin ako kay Ashton. Bahala na nga. Huminga ako ng malalim at ngumiti. Para sa kanya rin naman to e. Hehehe.
Nagcue ako kina... ay basta nacue ako sa kabanda ni Kuya na magsimula na. After a few seconds, kumanta na rin ako.
♬I don't know, but I think I may be falling for you, droppin' so quickly ♬
Yeah. We just met. Nacrush at first sight yata ako eh. Pero naalala ko, ang first impression ko sayo ay lalakeng malalandi ko. Hahaha! Pero iba ka. Ang sungit sungit mo sakin. Walang masabi charms ko sayo.
♬ Maybe I should, keep this to myself ,
Wait until I know you better ♬Wala eh, nandito na ko sa harap, wala nang atrasan to.
♬ I am trying, not to tell you, but I want to
I'm scared of what you'll say,
So I'm hidin' what I'm feeling,
But I'm tired of holding this inside my head ♬I don't fear rejection because I don't accept them. Pero ayaw kong nerereject, nakakababa ng pride. Kaya nga kapag sinusungitan ako ni Ashton, di ko nalang pinapansin.
♬ I've been spendin all my time, just thinkin bout ya,
I don't know what to do, I think I'm fallin for you,
I've been waitin' all my life and now I found you
I don't know what to do, I think I'm fallin for you ♬Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakanta. Nakatingin din naman siya sa akin. Seryoso siyang nakatingin, but it's enough to make my heart skip a beat. Himala nga at buhay pa rin ako ngayon. How much more when you smile?
Oo, ngiti mo palang Ashton.. mas lalo nang tumitindi ang pagkagusto ko sayo..
..and I don't want you to feel the same way towards me...
BINABASA MO ANG
The Player's Game
FanfictionHindi siya marunong magseryoso. Mahilig siyang maglaro. Wala siyang kinatatakutan. Handa siyang sumugal. Walang siyang binibigyan ng importansya. At magaling siyang magpaikot. Handa ka bang maging laruan para makapasok sa mundo niya? Sa puso niya?