Alex's POV
Ipinarada ko ang sasakyan ko sa tapat ng isang lumang gusali, ang creepy dito ha. ≧﹏≦
Matawagan na nga lang si Kuya V.
"Kuya! Nasa labas na ko!"
"A-alex.."
Hinanghina ang boses niya.
"Kuya? What's wrong?"
At nang hindi siya sumagot, dali-dali na akong lumabas ng kotse at pumasok sa gusaling nasa harap ko.
Tauhan ni Sandoval ang sumalubong sa akin. Sinamahan, no, more like kinaladkad nila ako sa kinaroroonan ni Sandoval at bumulagta sa akin si Kuya na bugbog sarado at walang kamalay-malay.
"Masyado kang paimportante, Go, tingnan mo ang nangyari sa kuya mo. Tsk, tsk, tsk. Anong klaseng kapatid ka?"
Ikaw? Anong klaseng hayop ka?! Tangina mo Sandoval!
Yan ang mga salitang gusto kong bitawan, pero dahil delikado ang sitwasyon, pinili kong manahimik nalang.
"Pinapunta kita dito Alex dahil may panibago kang misyon,"
Kinuha niya sa loob ng isang suitcase ang pakete na may lamang pulang powder.
"Ito ang N2H3, alam mo na ang gagawin dito, Alex, this time, teachers ng St. Louis Academy ang target."
Sabi ko na nga ba.
"Ayoko, Sebastian,"
"Mamili ka Alex, ang pinapagawa ko o ang kuya mo?"
Tiningnan ko ang kalagayan ni Kuya. Kababata ko si V, pero kapatid na ang turing ko sa kanya.
Pero ayaw ko. Ayokong mandamay ng ibang tao.
Wala na akong magagawa. Kinuha ko ang baril sa tagiliran ko na siyang ipinaputok ko ng sunod sunod...
Bumulagta sa sahig ang ibang tauhan ni Sebastian.
Ang iba niyang tauhang hindi tinamaan ay tinutukan ako ng baril.
Tranquilizers ang laman ng baril na ipinutok ko.
Hindi nakakapatay, ang OA niyo ha.
Naalis ang lahat ng pangamba ko ng marinig ko ang mga paparating na pulis.
"Kailangan na nating umalis,"
Agad namang sumunod ang mga tauhan ni Sebastian sa kanya.
Nilapitan ko si V at inalog-alog.
"V-vince"
Pinilit kong magsalita sa kabila ng mga luhang nagbabadyang tumulo sa aking mga mata.
"PEE KA BOO!"
"AHHH! Afssjdjsksks! *toooot*! ALAM MO NAPAKA*tooooot* mo! YOU *tooot SCARED THE *toooot* OUT OF ME!"
"AHAHAHHAHAHAHHAHAHAH! Sandali- HAHAHAHHA!"
Sinuntok ko siya sa braso. Gagong to, niloloko lang pala ko! Pero kanina..
"Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?"
"HAHAHAHAH! Syempre naman ayos lang ako! Gago kasi tong si Seb, pinagtangkaan akong bugbugin, di niya alam, matibay yata to." Sabay pakita ng muscles niya.
"Hindi mo alam kung gaano mo ko pinakaba, V."
Natigilan naman siya at ang ngiti sa kanyang labi ay nawala at naging seryoso ang kanyang mukha.
"Wag mo kong alalahanin, Alex, ano man ang mangyari, wag na wag mo kong pipiliin kung alam mong buhay mo ang kapalit."
Ngumiti ulit siya sa akin.
Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Ehem, ehem"
Napahiwalay naman kami agad. Bumungad sa amin si Van.
"Giovanni,"
"Hay nako Kuya, buti pala at dumating ako, kundi baka nawalan pa ko ng kapatid ng di oras. Pasalamat ka sa wang wang na nasa sasakyan ko."
Natawa nalang kami ni V sa sinabi ni Van.
"Hali na kayo, baka kung san pa mapunta yang paglalampungan niyong dalawa."
Tumayo na ko at hinatak si V,
"Araaaaaay!"
Natigilan naman ako, "V, ayos ka lang ba? San masakit?"
Ngumiti siya sa akin at nag peace sign, "JOKE!"
Binatukan ko ang gago, "It's not funny."
"To naman, di na mabiro."
Sabay akbay, chansing. =_=
~~~~~~~~~~~~~~~~
V's POV
Dito muna kami magpapalipas ng gabi sa unit ni Giovanni.
"Alex, magpapahinga na ko ah, good night," hinalikan ko siya sa noo.
"Sige, good night, Kuya"
Dali dali akong pumunta sa kwarto ko. Hinubad ko agad ang t-shirt ko at tumingin sa salamin, puro pasa ang katawan ko.
Gago ka, Seb.
Hindi totoo ang sinabi ko kay Alex kanina, binugbog ako ng tauhan ni Sebastian, BIGTIME. Masakit kaya!
Natigilan naman ako ng may biglang pumasok sa kwarto ko.
"Woah, easy bro, sabi ko na nga ba at napuruhan ka ni Sebastian, saglit lang at kukuha ako ng mga gamot."
"Nasan si Alex? Wag mo tong sasabihin sa kanya,"
"Oo na,"
Nang magamot na ang mga sugat at pasa ko, dumiretso ako sa kwarto ni Alex.
Nakita ko ang payapa niyang mukha habang tulog.
Sorry, Alex.
Hindi ka dapat nasasangkot dito.. dapat tahimik ang buhay mo.. kung hindi dahil sa katarantaduhan ko, hindi ka sana mahihirapan ng ganito...
Poprotektahan kita, Alex. No matter what it takes, kahit buhay ko pa ang kapalit.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Alex's POV
Nagising naman ako dahil sa kadahilanang may tumatawag sakin. Tsk, panira ng tulog. →_→
"Alexandra, alam kong importante sayo ang mga kaibigan mo, kaya pag isipan mong mabuti ang pinapagawa ko sayo,"
Biglang nagising ang diwa ko sa sinabi ng nasa kabilang linya.
"Sebastian,"
"So, you recognized my voice,"
Binaba ko na agad ang telepono, baka kung saan pa mapunta ang usapan namin.
Hindi importante sa akin ang mga taong tinatawag kong kaibigan. Ginagamit ko lang sila para sa mga plano ko. Well, obviously, officers ang mga yun, so malakas ang kapit nila sa head ng school.
Pero masyado pang maaga para mawala sila. Mapapakinabangan ko pa ang mga yun.
Wala na akong magagawa, kailangan kong gawin ang misyong sinasabi ni Seb.
...kahit na maraming inosenteng tao ang madadamay..
BINABASA MO ANG
The Player's Game
FanfictionHindi siya marunong magseryoso. Mahilig siyang maglaro. Wala siyang kinatatakutan. Handa siyang sumugal. Walang siyang binibigyan ng importansya. At magaling siyang magpaikot. Handa ka bang maging laruan para makapasok sa mundo niya? Sa puso niya?