Chapter 29 ~ A Choice to Make

82 5 0
                                    

Alex's POV

Ako talaga eh nagtataka. Tambayan ba ng mga may sakit tong condo ko? Una si Panget, pangalawa si Sebastian, pangatlo si V at ito, ang latest, si Ashton. -...-

Kung anu-anong virus na nandito sa sofa ko. Pero yung ngayon, ayos lang. Si Ashton naman to eh.

Sinasabi ko na nga ba, kaya parang weird siya ngayong araw ay dahil may lagnat siya.

Nagulat nalang ako nang pagkatapos magperform nila V ay tumayo siya at hinila ako papunta sa may parking lot. Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat at tinitigan. Napakurap naman ako ng maka-ilang beses. Ngumiti nanaman siya at bigla nalang bumagsak.
Sinubukan ko siyang gisingin pero ayaw niya talaga. Kaya no choice ako kundi dalhin siya sa pad ko.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko talaga alam anong gagawin ko sa mga taong may sakit. Yung kay V kasi, may pumupuntang nurse dito sa unit ko at titig lang nagagawa ko sa kanya.

Umupo ako sa tabi ni Ashton.

"My God, Ashton, I don't know what to do with you." Frustrated kong sabi. Syempre I want to take care of him. Yung totoong alaga talaga.

Kumuha nalang ako mainit na tubig at bimpo. Oo, mainit na, natuto na ko na hindi pala dapat malamig.

Hindi ko na siya hinubaran, leche ang laswa, sige, hindi ko na siya pinalitan ng damit. Isinuot ko nalang sa kanya yung t-shirt kong black para hindi siya gaanong ginawin.

Sinubukan ko siyang ilipat sa guest room. Inakay ko siya para makatayo.

Sa sobrang bigat niya, lumanding kami sa sahig.

"Ashton, makisama ka naman, ililipat lang kita sa kwarto."

Nagulat naman ako ng dahan-dahan siyang tumayo at naglakad ng pagewang-gewang papunta sa.. kwarto ko?!

Aba! P-pano?

Nakapikit naman siya?!

Tumakbo naman ako palapit sa kanya ng makita kong dirediretso lang siya sa pinto. Baka maumpog pa siya.

Inalalayan ko siya papunta sa kama ko. Err. Dapat dun siya sa kabilang kwarto e. Kahit na crush ko siya, I still don't want him to sleep on my bed. Ayokong may nahihigang ibang tao sa kama ko.

Bumagsak naman siya sa kama nang hindi nakaayos ang higa. Iaangat ko sana ang paa niya pero nahihirapan nanaman ako. Ilang toneladang bigas ba kinakain nito araw-araw?

"Gosh, Ashton! Yung paa mo!" Kagaya kanina, siya na ang kumilos at inayos ang mga paa niya. NAKAPIKIT PO SIYA, for crying out loud. Nawiwirduhan na talaga ako dito ha.

Umupo ako sa gilid ng kama at tinitigan siya.

"Ashton, magpacute ka nga," sabi ko.

Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi at nagpout. (Pic at the side)

Aba! Ayos din to kapag may sakit ah!

"Magface dance ka nga," iginalaw galaw naman niya yung mukha niya. Tawa ako ng tawa dahil ang cute niya, sobra.

Sana lagi nalang siyang may sakit. Ang bait niya kasi, masunurin pa. Hehehe, joke lang.

Nakatingin lang ako sa kanya at napapangiti nalang ako.

Nagring ang iPhone ko. Si V? Agad ko naman itong sinagot.

"Oh Ku-"

"Ikaw ba si Alex?!" parang nagmamadaling sabi noong nasa kabilang linya. Hindi to si V.

The Player's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon