Alex's POV
Tumakbo ako papunta sa Ladies Room.
Bwiset. Bakit ba ko nanghihina?
Dahil ba sa pamilyar ang burda sa panyong iyon?
O dahil masakit ang sinabi sa akin ni Ashton?
Ganun na ba ko kasama? Ganun na ba kalaki ang atraso ko sa mga tao to deserve this kind of treatment?
Kung sabagay, ilang beses narin naman na akong nang alipusta ng ibang tao.
How did I become like this? Humarap ako sa salamin at tinitigang mabuti ang repleksyon ng isang babaeng binago ng nakaraan. Hindi ko alam kung babalik pa ba sa normal ang buhay ko. Ni hindi ko alam kung buhay pa akong makakalabas sa lugar na to kapag tapos na ang lahat at nakuha na ng mga Sandoval ang gusto nila.
Napatitig ako sa mata ng babaeng nasa salamin. Hindi ko inaasahang.. makakaramdam pa pala ako ng sakit.. hindi ko inakalang magiging mahinang kuneho ako sa harap ng isang lobo.. Hindi ko na alam.. hindi ko na alam kung dapat ko pa bang lapitan si Ashton pagkatapos ng nangyari. Yung nasa panyo.. hindi na ako sigurado sa kaligtasan ko.. lalo pa't nandito rin si Stephen Sandoval..
Pinahid ko ang luhang sumisimbulo sa kahinaan ko. Tumayo ako ng maayos at humarap uli sa salamin. Inayos ko ang sarili ko.
Kailangan ko na tong tapusin.
Lalabas na sana ako ng pumasok ang isang replika ng anak ni Satanas.
"Oh, look who's here,"
Damn it.
"Hi,"
Sinubukan kong lumabas pero hinarang niya agad ang pinto.
"Where do you think you're going, bitch?" sabay sipsip sa mocha frappe niya. Ew lang ha.
Nag-iinit na ang dugo ko sa babaeng demonyitang to.
"Sa labas, duh, commonsense, ano nanaman bang gusto mo?"
Pumikit siya at parang may iniisip.
"Oh, wait, nagbrain freeze yata ako,"
"Ows? Talaga? May utak ka pala?"
Dumilat siya at tinaasan ako ng kilay.
"I saw you flirting with Ashton a while ago."
"So?"
"Anong 'so'? Alam mo namang ayaw ko ng may kahati diba?!"
"Ows? Eh ba't ka humihinga? Yang hanging nilalanghap mo, nilalanghap rin ng ibang tao. Kaya kung ayaw mong may kahati, wag ka nang huminga."
"Shut up, you're face is disgusting,"
Alam niyo ba yung pakiramdam na ang kaaway mo ay nauubusan na ng sasabihin? Yun ang nararamdaman ko ngayon.
"Wag kang maarte, hindi ka maganda,"
"Ho-"
I cut her off. Hinila ko siya at itinulak sa loob ng isang cubicle. Good thing wala siyang mga alipores ngayon. Sumubsob naman siya sa sahig.
"EEEWWW!"
"Yan kausapin mo kung magyayabang ka nanaman, kasi yung pake ko, nauna nang tumakbo,"
Nagmadali akong lumabas ng Ladies Room dahil baka makatayo yun at makaganti pa, ayoko ng kausap ang Dean, ang panget ng itsura.
Napatakbo naman ako ng makita kong nakalabas siya ng Ladies Room.
BINABASA MO ANG
The Player's Game
FanfictionHindi siya marunong magseryoso. Mahilig siyang maglaro. Wala siyang kinatatakutan. Handa siyang sumugal. Walang siyang binibigyan ng importansya. At magaling siyang magpaikot. Handa ka bang maging laruan para makapasok sa mundo niya? Sa puso niya?